|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:47:48 GMT -5
[glow=red,2,300]from Ryan M. Reyes, a PRO Valkyrie player
[/glow]
INTRODUCTION
"Anak nang... 30 mins ko..." Yan na lang ang nasabi ko nang bigla akong i frost-JT-FB ng isang agre na wizard sa Byalan 4.
"bad3p ampepe... bibili na nga ako ng insu bukas. Kainis!" Ako si Jaube. Isang lvl 59 na Knight at mukhang hindi na uusad. Andito ako ngayon sa right kafra ng prontera, naghihintay na merong mag online sa mga tropa ko... nang biglang may lumapit.
"kua palimos po PLZ!" sabi ng isang novice na babae. "bakit?" lang ang sinabi ko. balak ko cyang kausapin pa ng konti dahil wala naman akong ginagawa. "palimos poh!"
"ng ano?"
"pera po"
"para san?"
"pambili po ng red potion"
"hindi mo ba kaya mag isa?"
"hindi po eh. kasi po mag a-acolyte ako so lahat ng stats ko po e nasa int. kaya po mahirap"
"edi ayus un! marami kang SP pang first aid!"
” ”
Biglang nag online ang tropa kong low level na high priest, kaka trancend nya lang.
"o tingnan mo yan. kasabay ko noon yang high priest na yan pero nauna pa sakin. lahat ng stats nya nasa int din noon pero nagawa nya pa ring maging high priest. kaya mo naman yan eh. iniisip mo lang kasi na magiging madali ang buhay mo dahil meron ka nang mahihingan. pki tandaan lang, lahat kami dito ay nag simula sa wala pero nagawa pa rin naming makamit ang level namin na to. hindi naman gagawin ng gravity na imposibleng makaalis na sa sitwasyon mo eh. konting tyaga lang at makakamit mo rin ang level na tulad namiN!"
"bakit kuya, level mo na po ba?"
"95 na ako! manual yan! walang bot bot!
"waw lakas! sige na kuya pam potion lang po PLZ!" sabay deal sakin. ~*mae*~ requests a deal.
Sa hindi ko alam na dahilan e na "ok" ko ung deal nya. Namutla ako bigla.
"waaaaaaaaa! lvl 59 ka pa alng pala eh! kung ako magiging acolyte ngaun e kaya kong abutin yang level na yan ng less than 1 week!"
"yabang mu ah! ikaw na nga lang tong nanlilimos e ikaw pa yang ganyan! bahala ka!"
"andame mo pa kasing sinasabi. e kung binigyan mo kanina pa yan e kanina pa sana lumayas yan" sabi ng tropa kong high priest na nakalimutan ko na andyan lang pala.
"kung gusto mo eh pustahan pa eh! pag level 59 na ako next monday e akin na lang yang headgear mo!" ang tinutukoy nya e ang suot kong Neko Mimi na nakuha ko sa LU! live. Yan lang ang tangi kong kayamanan.
"e pano pag natalo ka?" sabi ko.
"bibigyan kita ng kahit anong headgear sa hypermart na gusto mo!"
TIME SPACE WARP!
Biglang bumagal ang paligid ko. Isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko nun.
YES! MAG KAKA FAW NA AKO! Ang pinapangarap kong headgear ay makakamit ko na! Sobrang exited ko pero hindi ko pinahalata dahil baka bawiin pa nito.
"kahit anong headgear?"
"kahit anong headgear"
"kahit FLYING ANGEL WING!?"
"kahit flying angel wing"
Tuwang tuwa ako noon. Akala mo bang sinagot na ako ng matagal ko nang nililigawan. Pero hindi ko pa rin ipinahalata.
"aba confident na confident ka ah. sige, magkita tayo dito pagkatapos ng isang linggo. gantong oras din. alas sais ng gabi. i add na rin kita sa friends ko para ma PM kita kung sakaling hindi ka dumating"
"baliw ka ba? alam mo bang nasa valkyrie server tayo? uso ba ang PM dito?"
" "
"add na lang kita sa friendster at YM para pm kita pag kukunin ko na yang neko mimi KO. “ "
"aba! sige! iaaprove ko na lang ngayon din para ippm kita pag kukunin ko na yang flying angel wing KO!"
"asa ka naman! tingnan na lang natin"
"sige umalis ka na. dalian mong mag pa level baka hindi mo makuha tong neko mimi KO"
"e toyo ka pala eh. i tank mo kaya muna ako para maging acolyte ako. un ang usapan diba? pag acolyte ako ngayon tsaka mag tatake effect ung deal"
"**** naman. parang nautakan mo ko dun ah"
"ayaw mo ba ng flywing angel wing KO?"
"sige na sige na. level mo na ba?"
"level 1"
"ampf... bat d ka nag training grounds muna?"
"walang tanker dun eh. dalian mo naman. may gagawin pa ako mamaya"
**malakipas ang isang oras at bente minutos**
"yes sa wakas acolyte na ako!"
"bweset ka. hindi ko naman alam na may choco dun! na deds 2loy ako ng apat na beses amp!"
"ang weak mo po"
"AMPF!!"
"sige na, papa level na ako para makuha ko yang neko mimi KO sa monday. at paki approve na lang ung sa frendster at YM ha. msg ko na rin sau ung number ko pra kung hindi man online eh ma memesage pa rin kita"
"talagang seryoso ka sa neko mimi ko ha?"
"wala ka nang pakealam dun. basta mapapa sakin yan. sige pa level na ako"
Nag log out na rin ako makalipas ang ilang minuto. Kinikilig pa rin ako apg iniisip ko na sa isang linggo e magkakaron ako ng FLYWING ANGEL WING! Nilalamig ako. Nanginginig ang tuhod ko. Sumasakit ang tyan ko. Natatae pala ako. Umuwi muna ako para mag pahinga.
Kinabukasan, pagkatapos ng skul, 4:00 pm
"hmm... parang nawawalan ako ng pera. teka nga. bilangin ko ulit. 6 php x 2 = 12 pesos na pamasahe papunta at pabalik ng skul. 10 pesos, isang basong orange juice para sa recess. 5 pesos na pinambili ko ng extrajoss para sa lunch... 12+10+5 = 27... 100-27= 73. .. ... .... WAAAAAAAA! **** nawawalan ako ng bente. malas naman!"
Isa lang akong 3rd year highschool student. Ang baon ko sa isang araw ay 100 pesos. Malaking halaga nito ang napupunta sa pag raragnarok. May pagkain naman sa bahay eh.
"... potsa nagugutom ako."
Nakaramdam ako ng gutom. Sino ba naman ang hindi? Ikaw ba naman, ang kainin mo lang buong araw ay orange juice at extra joss. Tiningnan ko kung anu anu ang mga pagkain na mabibili sa labas ng skul. Chicken Sandwich 12 php. Cheese Waffle 10 php. 4 Pcs Siomai 20 php. Fish ball .50 php. Sa ngayon meron akong 59 pesos. Dapat 79 kaso nawawala ang bente ko. Ang anim na piso dyan ay naka laan na para sa pamasahe ko pauwi kaya ang pwede ko lang gastusin ay 53 pesos. Kung hindi sana nawala ang bente ko ay ganto ang breakdown ng expenses ko after class. 45 php pang rent ng pc (15 php isang oras at 3 hours lang ako mag lalaro) + 20 php idadagdag ko sa ipon ko (pambili ko ng whisper card) + 6 pesos pamasahe pauwi + 8 pesos na nilalagay ko sa alkansya = 79 pesos. Pero ngayon, ang perang pwede kong gastusin ay 53 pesos (nakatabi na ang pamasahe). Hmm... Nakapagdesisyon na ako.
"manong, tatlong pisong pish bol nga ho
Tatlong pisong fish ball (anim na piraso) ang aking naging panawid gutom sa araw na yon. 45 php ay nakalaan sa aking pang laro at ang 5 php ay idadagdag ko na sa ipon ko. Ayos. Pumasok na lang ulit ako ng skul upang uminom sa drinking fountain at pagkatapos ay dumiretso na ako sa computer shop.
"ate, palaro d2. number 4."
Nag log in ako sa isinumpang Valkyrie server, ayus, madali lang mag log in. Wala na akong pakealam kung delay, hindi naman ako nakiki party eh.
Nakapasok na ako sa mundo ng Midgard. Narito pa rin ako sa right Kafra kung saan ko iniwan ang character ko. Tutungo na sana ulit ako sa Byalan 4 upang mag pa level pero may napansin akong kakaiba..."
"kuya... knina pa kita hinihintay dito"
Ang laking gulat ko sa nakita ko. Isang acolyte na naka Sheep Hat at ELVEN EARS! Si ~*mae*~ pala!
"WAAAAAA!! AMPF! naka elven ears! LEVEL 70 KA NA!? WAAAAAAA!!"
"ampf... noob tlaga. neo elven ears yan tungakz! kahit anung level pwedeng i soot yan "
"ah.. :sigh: buti na lang! so ibig sabihin low level ka pa rin?! nice!"
"hoy anong low level? lvl 41 na ako!"
"sus 41 lang. kaya ko dn un eh. mahirap yan pag dating mo na ng 50+ sa gh!"
"sige tingnan na lang natin. nga pala, ndi mo pa ako naaprove sa friendster at yung YM mo hindi ka naman nag oonline"
"sige teka approve ko na frendster. brb alt tab lang"
"mae-mae name ko dun ah"
Nag open na ako ng friendster. Napakatagal ko na nga palang hindi ito na bubuksan, masyado akong naging busy sa ragnarok. Andameng friend request pero hinanap ko agad ang sa kanya, "mae-mae" daw. Tsk, nakakahiya. walang ka laman laman ang profile ko pati ang pictures ko. Isa nga lang ang picture ko dun eh at yun ang ID picture ko nung 2nd year pa. Pero wala naman akong pakealam dun. . . . Pagka open ko ng profile ni mae-mae, aba! isa agad ang pumasok sa isip ko.
"chixi ampf..."
Pagbalik sa ragnarok...
"yan na approve ko na, ang GANDA mo naman sa PICS mo "
"ampf. flirt amp. bata ka pa. magpa circumcise ka muna "
"anu ka! tuli na ako nung grade 6 pa!"
"sus. watever. sige na. aalis na ako at kailangan ko pang mag level 59 sa loob ng anim na araw!"
Hindi ko na nakuhang mag salita dahil habang sinasabi nya un ay nag bukas na rin cya ng warp portal sa isang lugar na hindi ko alam kung saan.
Inupo ko muna ang knight ko sa tabi ng poste sa right Kafra, kung saan ito ay laging naka tambay. Nag alt tab ako dahil susuriin ko kung chixi nga talaga to. Kahit ganito ay alam ko naman kung pano malaman kung pang chixi ba ang isang friendster account. Heto ang mga napansin ko.
Napaka common ng pangalan "Mae Santos". Napakaraming Mae at mas lalong napakarameng Santos. Halatang hindi pinag isipan. Chixi Points +1
Napaka-ganda nung babae sa picture. Mestisang chinita na nag aaral sa isang mataas at kilalang unibersidad. Napaka tipikal na gamitin sa panchichixi. Sa kasong ito, ang "babae" umano ay nag aaral sa De La Salle - College of Saint Benilde sa kursong "CDA" na hindi ko alam ang ibig sabihin. Chixi Points +1
Ang email ad nya. cutie_maemae12@yahoo.com. Masyadong ginawang "pa gurl" ang email na to. Dagdag na rin sa pang akit sa kung sino man ang bibiktimahin nito, sa pagkakataong ito ay ako ang biktima nya. Pasensya na lang siya at hindi ako ganun kadaling mauto. Chixi Points +1
Pero sa kabilang banda ay may mga bagay na makikita sa profile na to nakapagsasabing tunay na babae nga si Mae Mae.
Kung aanalisahin mong mabuti ang profile nya ay mapapansin mo ito: Member Since: Oct 2003. Kung ito ay isang chixi account lang e bakit napakatagal na nyang member? Non-Chixi Points +1
Napaka ganda ng profile nya. Kumpleto. May pa girl-rocker na background at may sounds pati videos din cya ng mga hindi ko kilalang banda o singer tulad na lang ng "Fall-Out Boy". halatang pinag hirapan. Kung chixi account lang ba ito ay pag hihrapan nya ba ng ganto ang profile nya? Non-Chixi Points +1
Kumpleto sa pictures. Napakrameng nyang pictures. Nung huli akong gumamit ng friendster ay ang alam ko ay 50 photos lang ang pwede mong ilagay. Sakanya ay napaka dame at may iba't ibang album pa. Tinyaga kong isa-isahin ang pictures nya. Para bang lahat ng gawin nya ay may picture. talagang kumpleto. At isa pa, kasama din dito ang ilan sa screenshots nya na nagmula sa ragnarok. Siya pala ay galing ng baldur na na hack at ngayon ay lumipat sa Valkyrie. Kung ito ba ay chixi account lang e magagawa ba nitong kunin ang ganoong kadameng larawan ng isang tao nang walang paalam? Non-Chixi Points +1
Nakaka-kumbinsi ang comments nya. Napakarame nyang comments. At hindi lang basta comments! Makikita mo dun ang mga comments tulad ng mga pag congratulate sa kanya, pag sosorry sa kanya at kung ano ano pang may kaugnayan sa buhay nya na base sa mga nakita ko sa pictures nya. Idagdag mo pa ang mga comments na tulad ng "hoy tigilan mo na yang kakaragnarok mo at pumasok ka naman!", "pa boost naman!", at "sigurado ka? sige try natin valkyrie. kaso sabi nila pangit daw eh". Sa bawat comment na may kaugnayan sa ragnarok ang mababasa ko ay tinitingnan ko ang profile ng tao na nag comment nun. Buhay, aktibo at totoo ang kanilang mga accounts. Kung chixi lang to e makakakuha ba to ng nga tunay na tao na tulad nito? Non-Chixi Points +1
Chixi Points = 3 Non-Chixi Points = 4
Mas lamang ang mga patunay na hindi nga cya chixi.
Naubos ang tatlong oras ko sa kaka tingin lang a profile nya. Natagalan ako dahil sa dame ng pics at comments nya. Pag labas ko ng shop ay yun pa rin ang nasa isip ko. Ang nasabi ko na lang ay...
"ah basta, chixi un."
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:49:39 GMT -5
"80... 100... 120... yan. ayos. 80 pesos na lang makakabili na ako ng whisper card"
Nandito ako ngayon sa kwarto ko kung saan binibilang ko ang aking ipon. Sa kasalukuyan ay meron akong 120 pesos at mga barya. Sinadya kong may barya para kung sakali mang maatat ako ay bibilangin ko na ang ipon ko kasama ang barya.
"Anaaaaak! kakain na!" ang sigaw ng aking mahal na ina.
Sa hapag kainan kumpleto ang pamilya. Si tatay at si nanay na pawang galing sa trabaho, si ate na buong araw lang nasa bahay. Wala ata cyang pasok ngayong araw na to. At si aling Lucy, ang kasambahay namin na dalaga pa lang si mama ay kasama na niya. Nag simula na kameng kumain.
"Mom, ok lang ba kung maka hingi ako ng extrang money this coming weekend? may plano kasi kami ng barkada eh" Sabi ni ate
"Sige sige. Maayos naman ang grades mo eh." Sagot naman ni Mommy.
"pati may nattypan akong bag sa lacoste. bonus nyo na lang sakin un ma, pleaaaase!"
"hay nako anak, manang mana ka talaga sakin! sige tingnan natin baka type ko rin yan"
"anak nang tokwang sapin sapin, pag buhulin ko kayong mag ina dyan eh" Sambit ng aking ama.
"Ha! Ha! Ha!" Ang tunog ng sabay sabay nilang pag tawa.
"Oh jon, kamusta naman ang pag aaral mo?" Sabi ni ama.
"ok naman po.. pero kasi...---" hindi pa man ako tapos mag salita ay nag salita na ang aking ina.
"oh, ok naman pala eh. pero mas maganda kung ikaw ang TOP sa klase nyo! yan ang isa sa mga katangian na nagustuhan ko sa ama mo!"
"aba! kung alam mo lang anak! nakapila ang lahat ng babae sa campus sa harap ko! nagkakandarapa na makausap ko lang sila kahit sandali. lahat ng matatalino at magaganda ay nakapila dun, pwera lang dyan sa nanay mo. hindi ko alam kung bulag ba oh ano"
"kabisado ko na yan eh!" Sabi ni ate.
"Sige nga! ano kasunod?" sabi ni ama.
"dahil kayo ang student council president nun ay lagi kayong nag sasalita sa stage. nang minsan nang binigyan po kayo ng karapatang mag bigay ng closing remarks sa isang event ay ang ginawa nyo ay kumanta ng sintunadong Quando Quando na naka dedicate kay ina. hahaha! nakakahiya!"
"ha! nakaka hiya nga! pero epektib dba hon!"
"oo hon" sabay nag salubong ang mga labi nila at nag bigayan ng matatamis na halik. Kitang kita kong nag mamahalan ang mga magulang ko.
Nakikinig ako sa mga pinaguusapan nila pero mas inintindi ko ang pagkain ko. Gutom na gutom ako, ngayon lang ako may pagkakataong bumawi.
"tapos na po ako *burp!* pasok na po ako sa kwarto."
Imbis na dumiretso sa banyo upang mag sipilyo ay humiga muna ako sa kama at nag isip isip.
Kung tutuusin mayaman kame. Meron kameng Family car at tig iisang personal car si mommy, daddy at ate. Isama mo pa ang bulok na beetle na hindi na nagalaw mula nung makabili ng unang kotse. Maganda ang bahay namin. Malaki, maluwag, kaaya-aya. Nag aaral kame ni ate sa parehong Mamahaling paaralan. Nagpupunta kame sa kung saan-saang parte ng mundo tuwing summer vacation.
Kung tutuusin e masaya kame. Walang away na nagaganap. Puro tawanan tuwing nagkakasama kame. Tuwing may argumento ay wala kang maririnig na sigawan, puro malumanay na pag uusap lamang. At higit sa lahat, lahat kame dito ay marunong mag sorry at umako ng kanya kanya naming kamalian.
Pero bakit hindi ako masaya?
Binuksan ko ang aking napaka gandang computer na merong napakataas na specs. Sabay dumaloy sa mga kable nito ang napaka bilis kong internet na hindi na didisconnect. Marahil sa puntong ito ay nag tataka kayo kung bakit napakalaking halaga ng aking baon ay napupunta sa pag raragnarok sa computer shop pero may sarili naman pala akong computer? Simple ang sagot. Nahihiya ako.
Masyado akong pinuspos ng biyaya ng panginoon kung materyal lang ang ating pinaguusapan. Bunga ito ng paghihirap ng aking mga magulang. Nakikita ko ang pag hihrap nila pero nagagawa pa rin nila kameng buhayin ni ate. Lahat ng iyon ay wala silang hinhinging kapalit, pwera sa isang bagay. Maayos na grades. Hindi ko ito maibigay sa kanila.
Grades. Matalino ako, pero tamad. Hindi, hindi ako tamad, sa maling paraan ko lang ibinubuhos ang kasipagan ko. Ang mga grades ko ay rumarango mula 76 hanggang 81 sa academics. Hindi na ito masama para sakin dahil hindi naman ako bumabagsak. Kuntento na ako sa grade na 75. Bakit kamo?
Hindi ako naniniwala sa grades. Sa high school, matalino ka kapag line of 9 ang lahat ng grades mo at b0b0 ka kung line of 7 ito lahat. Tama hindi ba? Siguro sa iba pero sakin, HINDE. Bakit? Simple. Hindi mo naman pwedeng sukatin ang isang intangible na bagay tulad ng katalinuhan sa isang tangible na bagay tulad ng numerong nakasulat sa kapirasong papel.
Isa pang dahilan ay may binibigyan ko ng kahalagahan ang pang sarili kong "kaligayahan" kumpara sa grades. Pero hindi naman ako lumalagpas sa punto na hindi na katanggap tanggap ng lipunan ang aking mailalabas. 75 at 74, tanggap ng lipunan ang 75 dahil pasado. Hindi tanggap ang 74 dahil bagsak. Napakaliit ngunit napakalaki rin ng agwat nila.
Kung gugustuhin ko ay makukuha ko ang lahat ng gusto ko sa sang sabi lang, gaya ni ate. Ang kaso ay ma pride ako. Nakuha ni ate ang mga bagay na iyon bunga ng hirap nya rin sa pag aaral. Dapat ganun din ako. Lahat ng pag pipigil na nangyayari sakin ngayon ay sarili kong kagustuhan.
Binuksan ko na ang aircon. Dumiretso na ako sa banyo upang mag tooth brush at maligo habang nag papalamig ng kwarto.
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking computer na ang tanging laman lang ay Yahoo! Messenger at Internet Explorer. Napag isipan kong i-view ulit ang profile ni Mae Mae.
Inulit ko ang pag susuring ginawa ko nung nakaraan. Mukhang nakukumbinsi na akong babae talaga itong c Mae Mae. Pero ang dadalawang isip pa rin ako.
"chixi to.." ang sinabi ko ulit sa sarili ko.
Kung iisipin natin, nakipag pustahan ako sa isang bagay na medyo dehado ako. Pero naakit ako sa pustahan na iyon dahil una, masyado kong minaliit ang kakayahan ng babaeng ito at pangalawa, masyado akong nangigil nung binaggit nya ang salitang FLYING ANGEL WING!
"****... parang pinamigay ko lang yung neko mimi ko ah"
Yan ang sinabi ko nang mapag isip isip ko ng sobrang luge ako sa pustahan namin. Pero hindi. Anu nga ba ang layunin ng isang Chixilog? Hindi ba ang makakuha ng mga libreng bagay mula sa mga inaakit nila? Kung gayon ay wala talaga siyang kakayahang bumili ng Flying Angel Wing. Pero ayoko naman siyang pangunahan. Papaano kung totoong babae siya at seryoso siya sa pustahan? Ayoko namang makilala ang character ko bilang scammer at mas lalong ayokong bulabugin ako ng konsensya ko.
"tama..."
Nakaisip ako ng paraan upang malaman kung seryoso nga siya sa pustahan. Pag natalo ako sa pustahan at kukunin na nya ang Neko Mimi ko ay hindi ko ito ibibigay hanggat hindi nya napapatunayan na kaya nyang bumili ng Flying Angel Wing. Tama lang naman diba? Kapag makikipag pustahan ka ay dapat naka handa na ang ibabayad mo kung sakaling matalo ka, hindi yung aasa ka lang sa "swerte".Pinatay ko ang computer, dumiretso sa kama at natulog ng mahimbing. Kampante na ako.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:50:01 GMT -5
Grr... Hindi ako makatulog. May isang bagay na bumabagabag sakin. Alas tres ng madaling araw, bumangon ako upang mag log in sa friendster.
"May kamukha talaga cya eh..."
Muli kong binuksan ang profile ni Mae Mae. Hindi ako talagang mapakali, alam kong may kamukha siya. Tinitigan kong mabuti ang primary pic niya at pagkaapos ay pumikit at nag isip.
"SINO!?"
Alam kong kilala ko siya o nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan.
"Bat ko ba pinapahirapan ang sarili ko? Ang kailangan ko lang naman dito sa babaeng to ay yung Flying Angel Wing nya at wala nang iba."
Yan ang sinasabi ko sa sarili ko pero iba ang iniisip ko. Natatakot ako. Natatakot akong baka hindi maibigay sakin ang bagay na matagal ko nang inaasam asam kaya't gagawin ko ang lahat makuha lang ito sa tamang paraan. Tama at patas. Naisip kong dapat kong makuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya na kaya kong kunin para madali ko siyang matunton kung sakali mang lokohin ako nito.
*click*
1 Message. Oo nga pala, imemesage nya daw ako sa friendster para makuha ko ang number niya. 0926....... OK na save ko na.
Cellphone, para san ba to? Maganda ang cellphone ko dahil si ate ang namili nito at techie si ate. Pero sa totoo lang, hindi ko makita ang silbi nito sa buhay ko. Minsan lang ako maka tanggap ng message, ang mababasa ko pa ay "Huwag mag pahuli! mag register na! just text ....." Letse. Binuksan ko ang inbox ko at ang mga message ay puro galing kay mama.
"wag u papagabi anak"
"san na u"
Etong mga text na to ay mga tatlong bwan nang nakalipas, nung minsang pumunta ako sa birthday ng kaibigan ko.
Babalik na ako sa aking pag tulog nang naisip kong i-text muna si Mae-Mae"
"h0y ako to. anong lvl kna?"
Sent.
Humiga na ako, iniwanan ko ang cellphone ko sa computer table dahil hindi ko naman inaasahan ang reply nya ngaung madaling araw.
Kasabay na kasabay ng pag lapat ng aking likuran sa aking malambot na kama ay may maliwanag na ilaw akong nakita sa harap ko kasabay ng isang nakakagulat na tunog.
"TENENENEN TENENENEN TENENENENEN!"
Paulit ulit itong tumunog. Matagal bago ko naisip na ang cellphone ko pala un. Agad ko itong dinampot at kinulob ko ang ingay sa loob ng aking kumot para wala akong maistorbong tao. Pagtingin ko...
Calling... Mae Mae-RO
Natataranta ako. Sasagutin ko ba o ano? Para bang bumagal ang oras noon para bigyan ako ng oras makapag isip.
Kapag pinindot ko ang berdeng pindutan na ito ay matatapos na ang lahat ng espekulasyon ko. Malalaman ko na ang tunay na kasarian ni Mae-Mae.
Pero bakit siya tumatawag sakin? Anung meron? O baka naman na wrong send ako at nagalit ung may ari ng cellphone kasi madaling araw ako nag text sa kanya! Patay.
Sasagutin ko ba o hindi?
*beep*
Hindi ko sinagot ang tawag. Pinindot ko ang pula imbes na ang berdeng pindutan. Pinag pawisan ako ng malamig. Hiningal ako.
"T@NG!N@! CHIXI TALAGA!" <<--with "gigil" effect ha
Itinago ko na ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko kasama ang dasal na "Sana wag na po siyang tumawag ulit"
"TENENENEN TENENENEN TENENENENEN!"
*gigil*
*beep!*
Pula ulit ang aking pinindot. Hindi ko na pinatagal. Kahit madalang kong marinig ang tinig na yan e tila bang iritang irita ako sa tunog na yan sa pagkakataon na to. Agad ko itong inilagay sa silent mode upang hindi na ako muling magambala.
"brrr... brrr... brrr... brrr..." <<-- vibration Anak ng putong malagkit. Tumatawag nanaman.
Anu ba ang pwedeng mangyari kung sasagutin ko to? Kung mali man ang tong number na tinext ko at nagalit siya e pwede ko na lang patayin ang cellphone ko at pagparequest ng bagong plan para iba ang number ko(naka line ako). Oo tama. Wala akong dapat ikatakot, wala akong ginagawang mali.
Pinindot ko ang berdeng buton at inilapit ko ito sa aking tenga ng dahan dahan. Punong puno ng kaba ang damdamin ko sa ngayon, isamama mo pa ang lamig na nag mumula sa aricon.
"heeloo..?"
"hello kuya?"
Teka, para bang lahat ng inisip ko kanina ay nabalewalang lahat. Ano tong kausap ko? 5 years old?
"heeloo..?"
"kuya..?"
"uhhm.. sino po ito?"
"ehh... ikaw po nag text sakin eh..."
Anak ng.... Napakatahimik ng background. Baka nga galing siya sa tulog. Nako patay.
"ahh eh kc..."
"HAHAH! UNGAS! C MAE TO!"
Biglang nawala ang malambot na boses at napalitan ito ng boses tibo. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa.
"ah. eh.. alam ko naman na ikaw yan eh. HEHE"
"anung alam? e bat ayaw mong sagutin kanina? tsaka bat nangangatog yang boses mo? BWAHAHAHA!"
"anung nangangatog? inaantok pa kaya ako. tingnan mo nga kung anong oras na!"
"eh ikaw tong nag teks e."
"ah ganun ba. sige, pasensya na kung nagising kita."
"anong nagising? hahaha! nag papalevel ako"
Anak ng tokwang kalabaw... Nagpapalevel siya ng gantong oras? Kung online siya mula alas sais ng gabi hanggang ngayon... angibig sabihin nun ay 9 na oras na siyang nag papalevel!? Put***….
"Nagpapa.. Level.. Ka?"
"oo bakit? d2 sa gh"
"aba. adik ka pala..."
"hehe.. adik lang pag may gusto."
Sa puntong iyon alam kong ang tinutukoy nya ay ang Neko Mimi ko. Naisip kong parang natatalo na ako kaya sinubukan kong gumawa ng ibang paraan,
"teka, sigurado ka ba sa pustahan natin? kasi neko mimi lang ung akin eh tapos sau flying angel... lugeng luge ka.."
"ha! anong luge? kung alam mo lang... basta. wala nang bawian. pumayag ka basta sa lunes magkakaalaman na"
Sa oras na to, balak ko na talagang magpaalam sa Neko Mimi ko. Napaka tatag ng mga salitang binitiwan niya at para bang siguradong sigurado na siyang makukuha nya ang premyo.
"ay sht! teka lang nga!" sabi ni mae mae...
Binitawan nya ang cellphone at parang nabagsak pa dahil sa sa narnig kong tunog. Matining anog boses nya sa pagkakasabi nya ng "ay sht!" Si mae nga ba talaga to? Siya nga ba talaga ung babaeng nakita ko sa friendster? Siya nga ba ung babaeng nakipag pustahan sakin? Alam kong babae tong kausap ko ngayon? Pero pano ko malalaman na lahat ba sila ay iisang tao lang. Pano ko ba malalaman?
"sorry ah. muntik na akong ma dedz eh. may ang respawn kc na rybio"
"ikaw ba talaga yan"
"ang alin?" sabi ni mae mae
"ikaw ba talaga si Mae-Mae?"
"anu? anung ibig mong sabihin?"
"i mean, ung nakilala ko ba sa RO, ung nakita ko ba sa friendster, at ung kausap ko ba ngaun ay iisa lang?"
"takte naman, ako na nga tong tumawag sau para magkaalam na tayo eh tapos ikaw pa tong nag hihinala? dapat nga ikaw ang pag hinalaan ko kung maibibigay mo ba ang neko mimi KO sakin eh"
Ma pride akong tao. Lahat pitikin mo na sakin, wag lang ang pride ko dahil dyan tayo magkakatalo.
"kahit kailan hindi ako ako nanloko ng tao at wala akong balak gawin un. I'm a man, may isang salita ako"
"hahaha! you're a boy!"
"..."
Sinasagad ako nitong babaeng to ah. Pagkatapos kong manahimik ay agad siyang bumawi ng salita. Siguro naramdaman nya na nasagi niya ung pinaka iingatan kong pride.
"ui joke lang un ah. sige ganto na lang. sa lunes, mag kita tayo sa isang shop. dun natin gawin ang deal. ok lang?"
"ok. fine with me"
Pag ako ay nag simula nang mag inggles, galit na ako.
"ui, ok ka lang? sorry na"
"The problem with you is you talk too much. Next time please control yourself."
"naman to. nahiya na tuloy ako.
Mula sa boses tomboy kanina ay nag iba nanaman ito. Naging malumanay at malambing na boses pero hindi boses bata.
"Sige sige ayos na yon. Basta sa lunes. San ka ba nakatira?"
"Valenzuela ako. ung sa papuntang fatima pag galing ka ng monumento.
"malapit lang kame sa monumento. dun na lang tayo mag kita. san ba may computer shop dun?
"meron akong laging nadadaanan pag papasok ako ng skul, may netopia sa may grand. alam mo un? dun na lang tayo magkita. un ung sa may lrt"
"ah. sige nakalaro na kame minsan dun. alam ko un."
"sige ah, sa araw na un... i'll wear yellow"
"ha?"
"yellow, dilaw.kulay mangang hinog. yan ang isosoot ko sa araw na magkikita tayo."
"ah sige, ako naka skul uniform. puting polo, navy blue na pantalon at ...."
"ampf... e andame dameng estudyante dun eh."
"makikilala mo naman ako, may picture naman ako sa friendster eh"
"sus, picture mo e ID picture na medyo kupas kupas pa. mag dagdag ka naman"
Nahiya ako bigla.
"Ah, sige. bukas mag dadagdag ako."
"ako kumpleto sa pics, makikilala mo agad ako sigurado. islash gee gee"
"sige sige."
"o sige na. matulog ka na ay may pasok ka pa. hahahaha! sige bye!"
"teka lang e pano pag-----"
"beeep"
Bigla na lang niyang ibinaba ang telepono. May sasabihin pa naman sana ako.
Nawala na ang takot ko kanina. Pero bakit? Alam kong matatalo pa rin ako sa pustahan. Alam kong mawawala ang tangi kong kayamanan sa RO pero bakit hindi na ako kinakabahan? Posible ba na alam kong may natagpuan akong mas higit na kayamanan kaysa sa Neko Mimi ko o kahit pa anong kayamanan sa RO? Merong kakaiba sa boses niya na hindi ko maipaliwanag. Napakalma ako nito. Isa lang ang bagay na naalala ko nang maisip ko ito.
"Ibong adarna..."
Isang pikit lang at ako'y agad na nakatulog. Dahil ba sa antok? O baka naman dahil sa awit ng Ibong Adarna.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:50:26 GMT -5
"p0taness tol, nag p0rn ka nanaman buong gabi"
Ginising ako ng kaibigan kong si "Papsi" habang naka sandal ang ulo ko sa armrest ng aking desk.
"ul0l. porn ka dyan"
"ampfness naman tol. di ka ba nahihiya kay Camille? ang aga aga e hagard na hagard yang itsura mo."
Tatlong bagay ang hindi ko maintindihan sa taong ito. Una, hindi ko alam kung bakit "Papsi" ang tawag sa kanya pero ang tunay na pangalan niya ay Jason. Nakagisnan ko na lang ang kawag na "Papsi" sa kanya. Pangalawa, hindi ko maintindihan kung bakit napaka-hilig nyang lagyan ng "ness" ang bawat salitang binibigkas nya. At pangatlo, bakit kailangan nyang himas-himasin ang likod ko habang kinakausap niya ako?
"buset! dun ka nga. puyat ako."
"hahah! oi camille! si jon p0rn boy oh! wahahhah!"
"ampf...."
Si Camille Santos, ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako sinisipag pumasok. Maganda, mabait, matalino. Yan naman ang hinahanap ng bawat lalaki sa isang babae hindi ba? Gusto, type, crush, attracted o kung ano man ang gusto nyong itawag dun, iyon ang nararamdaman ko sa kanya.
Kilig.
Tuwa.
Saya.
Ngiti.
Yan ang mga nakukuha ko tuwing nakikita ko siya. Hindi kame "close" pero wala na akong pakealam dun. Kontento na ako sa kung ano man ang kalagayan naming dalawa. Minsan pa lang kameng nag uusap, hindi pa tumagal ng tatlompung segundo. Tinanong niya lang sakin kung akin daw ba ung napaka-laking P.E. short na namamaho na sa likod ng blackboard.
"tol, dotaness mamaya!" Maingay na sinabi ni Papsi sabay himas sa aking likod.
"d pde eh"
"potaness, p0rn mode nanaman"
"..i.."
"ay teka tol, diba crushness mo c camille?"
"bat mo alam?"
"ta e ness! sabi ko na eh. gusto mo lakad kita sa kanya?"
"lakad?"
"oo, ung tipong pag lalapitin ko kaung dalawa? ayaw mo? kiligness un pre!"
"bat mo naman gagawin sakin un? kilala kita eh. d mo gagawin un ng walang kapalit"
"tolness naman! ganun ba ako kasama? gagawin ko to para sau pre, no strings attached"
"talaga ah? sige call ako dyan. salamat pre"
"sige tol no prob. nowness na ako amg start ah"
"ha?"
Dahan dahan kong nakitang bumuka ang malaki niyang bunganga at alam kong hindi maganda ang lalabas dito. Hindi sapat ang kakayahan ko para pigilan ang ganitong mga pangyayari.
"CA-MIL! I LAB U DAW SABI NI JON! MAGKITA DAW KAU MAMAYANG LUNCH SA TABI NG PUNO NG CHESA!"
Anak ng tokwa't baboy. Sabi na eh. Hindi ko dapat inasahan na gagawan ako ng mabuti ng isang taong apat na beses nang nagpalipat lipat ng high school.
Wala na akong nagawa. Narinig na ng buong klase. Kung sasaktan ko man si Papsi e hindi pa rin nito mababawi ang mga salitang binitawan niya. Wala na akong magagawa kundi harapin ko na lang ang bagay na sinabi niyang iyon. Pero sa totoo lang, hindi ko maintindihan. Naiinis ba ako o natutuwa? Para bang sa pabirong paraan na ginawa nitong si Papsi e nagbukas siya ng pinto sa isang bahay na kahit kailan e hindi ko pa napapasok.
"YIIIHEE!!"
Sa mga oras na iyon, yan lang ang tanging tinig na paulit ulit mong maririnig na bumabatingaw sa loob ng aming silid aralan. Ako ay naka-tungo lang sa aking lamesa at inaantay na lamunin nanaman ako ng antok. Pero bago mangyari iyon ay sinulyapan ko muna c Camille na kasalukuyang kakapasok lang ng silid. Namumula siya. Hindi ko na ito ikinagulat sapagkat makikita mo naman na napaka hinhin ng pagkatao nitong babae na ito at hindi siya sanay sa mga ganitong bagay.
Ang sarap matulog sa classroom. Malamig, tahimik at hindi mo dama ang oras. Nagising ako at nag iinat inat pa, marahil nakalimutan kong nasa eskwelahan pa pala ako.
"Oh, Mr. Madlangtuta, good morning"
"gud morning dn po"
"Seems like you are getting fond of sleeping in class huh. Siguro alam mo na ung lesson natin?"
"hindi naman po sa ganun.. e kasi po..."
"Sige, magaling ka eh. Ngaun i illustrate mo ngaun dito sa board kung pano pwedeng mag intersect ang dalawang planes"
Aba, 2nd class. Geometry. Napaka swerte ko naman. Sa lahat ng subject ay sa geometry ako pinaka magaling. Malas mo po sir. Papungas pungas akong lumapit sa blackboard, kumuha ng chalk at nag drawing ng...
"Sir, dyan po sa image na yan eh makikita po natin na..."
"Alright Mr. Madlangtuta, sit down.
Masarap sa pakiramdam na ang taong nais kang pahiyain ang siya ring napahiya sa bandang huli. Para akong naka Orc Lord Card. O Mas bagay siguro ang Maya card. Pagbalik ko sa aking silya ay natulog akong muli.
Ganito lang sana ang nais kong gawin buong araw sa skul, ang matulog. Kaso hindi pwede pag dating ng lunch. Wala akong pwedeng lugaran.
Alam ko na. Sa clinic. Mag papanggap na lang ako na may sakit at papabayaan nila akong matulog doon. Kung suswertehin e bibigyan nila ako ng pahintulot na umuwi na lang. Dahan dahan kong binaybay ang clinic. Papasok na ako ng biglang...
"Jon!"
Hindi ako agad lumingon. Inisip ko muna kung sino ang pwedeng tumawag sakin sa lugar na ito. Walang nakakakilala sakin dito dahil ang clinic ay nasa bandang Grade School area. Sino kaya to?
"Jon!"
Boses babae. Hindi pamilyar. Bagong teacher? Hindi. Kung bagong teacher to e hindi niya ako tatawagin sa aking palayaw lang. Sino kaya ito?
"JON!"
Sa ikatlong pagkakataon ay hindi na ako nag isip. Bigla ko na lang inlingon ang ulo ko kung san nangagaling ang tinig. Sino?
"Oh, Camille bakit?"
Anak ng adobong bakulaw, si Camille na nakatayo sa tabi ng puno ng chesa? Ano ang kailangan sakin nito?
"ehh... Sabi ni papsi makikipag kita ka daw sakin dito ngayong lunch?"
Nakatingin siya sa sahig, halatang nahihiya nang sinabi niya ito.
"ah.. un ba? hehe. joke lang un. loko loko talaga ung c Papsi."
Sabay kamot sa ulo. Tumingin na rin ako sa sahig tulad niya, baka nga may tinitingnan siya.
"ah ganun ba? sige alis na lang ako. pasensya sa abala"
Sabay ng pag sabi niya ng mga katagang iyon ay ang pag ikot na din ng kanyang ulo at katawan sa direksyong papalayo sakin. Kasabay nito ay naisip ko na sablay na sablay ang sinabi kong iyon. Nasa tamang pagkakataon na ako.
Hinawakan ko siya sa pulso. Nadama ko ang pag lapat ng gintong bracelet niya sa aking palad.
"dito ka muna, may sasabihin talaga ako"
Binigkas ko ito nang mahinang mahina. Nagulat ako nang marinig niya ito. Siguro sa mga gantong pagkakataon ay hindi nyo na kailangan ng salita.
Humarap siya sakin ng dahan-dahan pero naka yuko pa rin. Dahan dahan niyang itiningala ang ulo niya patungo sa mukha ko at sinabing...
"ano un?"
Sa lahat ng engkwentro ko ay ngayon lang ako naka dama ng ganito. Hindi ko na kinailangang mag isip. may mga salitang talagang kumakawala sa damdamin ko. Magmamadali. Nagpupumiglas. Gusto na nilang marinig ng taong gusto kong pag sabihan at hindi ng hangin lang.
Hinawakan ko pa ang isa niyang pulso at dahandahan kong sinabi na...
"AMP. KRAS KITA"
Tumigil ang kampana. Nawala ang musika. Nalanta ang mga bulaklak at bumilis ang oras.
Kinuha niya ang mga kamay niya at ipiniglas ito mula sa pagkakahawak ko sabay sabi ng...
"ano?"
Kasalukuyan akong nakayuko at ang mukha ko ay para bang mukha ng sinumang kumain ng hilaw na sampalok.
"wala"
"may sinabi ka eh. hindi ko lang naintindihan"
"wala un, sige punta muna ako clinic, medyo hindi maganda pakiramdam ko eh.
Dali dali akong tumalikod sa mula sa direksyon na kinatatayuan niya at agad punmasok sa Clinic.
. .. ... ....
"Doctora, pwede pong magpahinga muna ako? Medyo hindi po maganda pakiramdam ko eh.
Nagmamadaling tumayo si doktora mula sa kanyang kinauupuan. lumapits sakin at sinabing...
"naku! namumulta ka at anlalaki ng patak ng pawis mo! anu bang nangyari sau! nanginginig ka oh!"
"wala po, kailangan ko lang po sigurong magpahinga."
"ah ganun ba, sige pasok ka na dito, pupuntahan na lang kita para kunan ka ng temperature at painumin ng gamot"
Ayus. Effective. Libreng pahinga.
Pag higa ko ay wala na akong nagawa. Tulog. Nagising ako ng bandang alas tres, isang klase na lang at uwian na. Medyo ayus na ang pakiramdam ko.
Natapos ang klase. Inabangan ko si Camille sa labas ng pinto. Cleaner siya ngayon kaya medyo amg tatagal siya sa loob ng silid aralan. Pag labas niya ay agad akong lumapit.
"Camille, pauwi ka na?"
"ah. oo eh. ikaw?"
"oo sana, pwedeng makisabay? ehh.. kung ok lang naman. pero kung hindi e ok lang din kasi..."
"ok lang, tara."
Inabot ko ang mga libro niya at ang lagi niyang dala-dalang file case. Dahan dahan kameng bumaba ng hagdan. Walang nag sasalita pero tila nagkakaintindihan kami. Pareho kameng naka ngiti. Hindi namin kailangan ng mga salita sa pagkakataon na ito. Lumabas kame ng school at umupo sa isang bench sa tabi ng halamanan kung saan ay madame ring nakaupo. Karamihan ay mga kapwa naming estudyante na kumakain at nag hihintay ng sundo, ang iba naman e naka tambay lang.
"Camille, gusto mong kumain?"
Nang binanggit ko yan eh mayroon akong humigit kumulang 70+ php sa aking bulsa. Hindi na ako nag dalawang isip na gastusin ko ito ngayon. Hindi muna importante ang ragnarok.
"ah, hinde sige, susunduin ako ni ate dito eh. aalis daw kame."
"ah ganun ba.."
"yeah.. ehh.. pwede favor jon?"
"sige, ano un?"
Anong favor kaya ang hihingin niya? May ipapakuha sa loob ng school? May ipapabigay sa kung kanino man? Magpapagawa ng assignment sa geometry? Ano kaya?
"pwede bang samahan mo ako dito hanggang dumating si ate?"
Hindi ko inaasahan yon. Ano ang ibig sabihin ng pabor na iyon? Hindi ako makapag isip ng matino. Siguro e hindi ko talaga kailangang mag isip ngayon.
"sure, sige. wala rin naman akong ibang gagawin eh."
Sumagot lang siya sa pamamagitan ng isang matamis na ngiti.
Nakaupo lang kame dun, wala kameng ibang ginagawa. walang nag sasalita, walang gumagalaw. Tulad nga ng sinabi ko kanina, baka hindi namin kailangan ng mga salita sa mga gantong pagkakataon.
Makalipas ang nakapabagal na bente minutos ay may itim na Honda Jazz na tumigil sa aming harapan.
"Ay, ayan na si ate. sige jon, alis na ako. salamat sa pag hihintay ah."
"sige. salamat din... sa... dahil... pinayagan mo akong sumabay sayo."
Bumukas ang bintana ng kotse at may malakas na tinig na lumabas.
"camz, tara na!"
Tumayo na si Camille, binigyan ako ng matamis na ngiti ay sabay pumasok sa kotse. dahan dahan na itong umandar.
Teka.
TEKA!
Naiwan ni Camille ang file case niya! Hindi niya pwedeng maiwan ito dahil alam kong dito nakapaloob ang kanyang mga assignments! Hinabol ko ang kotse.
Tumakbo ako. Buti na lang at hindi pa sila nakakalayo. Nag traffic ng konti kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na kumatok ako sa bintana sa harapan.
"Naiwan po ni Camille ung file case niya"
"uy! salamat jon!"
"sige wala un"
Inabot ko ito sa babaeng driver at inabot naman nito ang file case kay camille. Sinuklian ako ni camille ng isang napakatamis na ngiti.
"bye!"
Yan ang huling sinabi ni Camille bago tuluyang humarurot palayo ang kotse.
Dahan dahan akong umalis mula sa gitna ng kalsada, umupo at alalahanin ang nangyari.
Teka.
Sino ung driver?
Natigilan ako.
"hindi pwede..."
"Santos...?"
"anak ng tupa! hindi pwede!"
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:50:50 GMT -5
"Ate, dalawang 100 load nga po!"
Pasigaw na sinabi ni Jon pagkapasok na pagkapasok niya sa pinto ng Computer Shop.
"Aba... Galante ka ngayon ah. Sige eto"
Kakaibang pananabik ang naramdaman ni Jon habang tinatype niya ang Card # nang dalawang card na binili niya.
"Mooooo...king... muffler... Di' na ako tatamaan ng mga lintek na swordfish na yan at nang lintek na merman na isang pierce lang akO!"
Nag log in siya. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang Mocking Muffler niya. Dirediretso siya sa Cash Shop at nagmamadaling binili ang Whisper card.
Matagal niyang tinitigan ang screen bago niya i-click ang "OK". Nais niya talagang makasigurado na eto nga ang bibilin niya sa perang pinaghirapan niyang ipunin.
*click click*
"Inilagay na niya ang Whisper Card sa Muffler[1] na nabili niya sa pamamagitan ng pag iipon ng loots.
You got 1 Mocking Muffler
"YES!!"
Buti walang ibang tao sa shop... Hindi na rin siya pinansin nung bantay sa shop dahil hindi na ito bago sa kanya. Kabisadong kabisado na niya si Jon.
Tutungo na si Jon sa Byalan 4 kung saan siya ay mag papa level nang biglang...
[From ~*mae*~] oi ungas! [To ~*mae*~] mamaya na lang, txt kita. busy ako. [From ~*mae*~] sus..
Sobra sobrang pananabik ang nararamdaman ni Jon. Nais na niyang subukan ang kanyang bagong biling kagamitan.
"Hoy Jonard Madlangtuta!"
Sino to? Sino ang boses babaeng tatawag sakin sa buo kong pangalan?
Sino to? Hindi pamilyar ang boses. Natatakot ako.
"Hoy!"
Hindi ako titingin. Sino ka?!
"Oh, di ka pa ata kumakain?"
Kasabay nito ay biglang may humawak sa aking balikat.
"Camille!? Anung ginagawa mo dito?"
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon upang tanungin ang sarili ko kung anu ang ginagawa niya dito.
"Oh eto, baka hindi ka pa kumakain"
Hawak hawak ng dalawa niyang kamay ang isang sandwich na nakabalit sa asul na plastik. Alam kong kay Aling Josie niya binili to at alam kong Ham Sandwich to.
"Hinde sige... nakakahiya naman sau"
Nilapag niya ang sandwich sa keyboard at sinabing...
"naman... sayang pa ang effort kong pag punta dito kung hindi mo lang kakainin yan..."
Nahiya akong bigla. Sabagay, may malaking punto siya. Kung ako man ang gumawa nun at ganun ang maging reaksyon ng pinagbigyan ko, malamang madismaya din ako.
"Tsaka eto oh... dalawa tong binili ko. Tig isa tayo. Kain na tayo dali!"
Umupo si Camille sa upuan sa tabi ko. Bakante ang computer na yon kaya inupuan niya muna.
Nananabik ako. Dahil nga ba sa Mocking Muffler o dahil na sa babaeng nakatabi sakin ngayon?
Sabay naming binuksan at kinain ang sanwich.
"Ano yang nilalaro mo?"
"Ragnarok yan, online game"
"ahhh, so yan pala yon. turuan mo naman ako oh!"
"err... sure ka?"
"oo naman! bat hindi? tutulungan mo naman ako diba?" Sabay ngiti.
Isa sa mga bagay na hindi ko matiis ay ang napaka tamis na ngiti ni Camille.
"Sige sige... Ate, pa open po number 4"
Nag register kame sandali... Tapos...
"yan... anung character gusto mo?"
"yung maganda!"
"hmmm..."
Anung character kaya ang babagay sa kanya? Monk? Knight din?
"Priestess! un maganda un!"
Ba't hindi ko naisip agad. Karamihan nga pala ng babae sa RO e support ang ginagawa. At maganda na rin un dahil sabay kameng makakapagpa level.
Nag laro na kame. Tinulungan ko siyang mag pa level. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang malaman. Pero bakit ganon? Halatang wala siyang interes sa laro. Nagtatanong siya kung bakit umiikot ung screen, nag tatanong siya kung pano umupo, nag tatanong siya kung pano mag pero maya maya ay makakalimutan niya rin at tatanungin nanaman ako.
"Tara out na tayo, dumidilim na eh."
Sa labas ng computer shop...
"salamat nga pala sa sandwich mo kanina ah!"
"wala un.. ikaw naman kasi, kumain ka para hindi ka nang hihina noh"
"hehe... oo nga eh.. so pano yan? uuwi ka na?"
"uu sana kaso... madilim na eh... tsaka... natatakot akong umuwi..."
Hmm.. Teka, bakit kailangan niyang sabihin sakin yon?
"ehh.. oo nga eh. nakakatakot nang umuwi."
"hay... pano kaya to?"
Heto na ba ang pagkakataon ko? Hindi.. Hindi. Bakit naman niya gugustuhing magpahatid sakin? Sino ba ako?
"oh pano, sige mauna na ako camille..."
"teka... pano ako jon?"
"ahh... eh kc..."
"anu ka ba! gusto mo ba ako pa ang mag sabi?"
"ano?"
"sige... *hithit - buga*... jon, pwede bang ihatid mo ako samin?"
Wala akong green pots! Na silence ako at wala akong pangontra. Siguro hihintayin ko na lang matapos ang duration.
" "
"jon?"
"ah, sige sige. walang problema... tara na."
"gusto mo din pala eh. kailangan pa sakin mang galing? tara na!"
Teka, insulto ata sa pagkalalaki ko yun. Dibale. Insultuhin na ako ng lahat ng tao sa mundo, hindi mapapantayan ang sayang nararamdaman ko ngayon.
Naglakad lang kame dahil malapit lang naman ang bahay nila mula sa school. Alam ko dahil madalas ko siyang nakikita pag uwian na. Siya ang nauuna dahil ang alam niya ay hindi ko alam ang eksaktong bahay nila. Kakaiba, sa mahabang daan niya ako dinala.
Kras din ako nito...
"bat ang tahimik mo? ayaw mo ba akong ihatid?"
"hindi. hindi sa ganun. may iniisip lang ako."
"anu naman ung iniisip mo?"
"wala, wala, ragnarok lang to."
"puro ka talaga ragnarok at skul... wala ka na bang oras para sa iba pa?"
"anung iba pa?"
"alam mo na... ung mga extra curricilar?"
"ah ung mga taekwondo taekwondo club na yan? wala kasi akong---"
"hindi un jon"
"e ano?"
"girlfriend..." Sa lahat ng posibleng mangyari sakin, isa to sa mga bagay na hindi ko napaghandaan. Alam ko ang gagawin ko pag lumindol, alam ko ang gagawin ko pag may sunog, alam ko ang gagawin ko pag hinabol ako ng aso. Pero hindi ko alam ang gagawin ko pag pahapyaw na sinabi ng babaeng gusto ko na gusto niya din ako.
"ehh... siguro, kung may pagkakataon"
"e wala ka pa bang babaeng napupusuan?"
"meron na pero... hindi ko alam kung gusto din ako nun o hindi..."
"jon, wag kang maging manhid. pakiramdaman mong mabuti yung babaeng napupusuan mo. baka may kakaiba din siyang sinasabi sayo."
"hindi ko kasi alam eh."
"hahaha! para ka talagang bata."
"ui hindi naman!! hehe.."
Sa mga oras na ito ay isang kanto na lang ang layo namin mula sa bahay nila. Kita mo na ang bahay nila pag tumingin ako pakaliwa.
"jon, hindi ka naman mahirap mahalin eh. sigurado akong gusto ka nung babaeng tinutukoy mo, at kung hindi naman ay hindi siya mahihirapang gustuhin ka."
Stone Curse !!
Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Blanko ako. Ang alam ko lang, nandito ako sa kalsada at kasama ko ang babaeng gusto ko.
Hindi ko namalayan na magkahawak na pala ang isa naming kamay at magkaharap kame sa isa't isa.
Pumikit siya at dahan dahang inilapit ang mukha niya sakin. Para bang may sinasabi siya?
Teka. Napanood ko na to ah. Gusto ba niyang halikan ko siya? Nakapikit at nakanguso siyang nakaharap sakin? Anu pa ba ang ibang posibleng dahilan nito?
Para ba akong pumatay ng hydra at may bumagsak na card.
Pupulutin ko ba?
Hahalikan ko ba?
Napakaliit ng drop rate ng hydra card, at nasa Valkyrie pa ako. Tinanggal na daw ang hydra card sa drop table. E ano to? Himala?
Minsan lang mangyayari na ang babae mismo ang magbibigay ng senyales na ganto. Hindi pa naman ako nanliligaw pero ganto na ang nangyayari. Ano to? Himala?
Sino ba naman ang tangang hindi pupulot ng hydra card na yan? Nasayo ang lahat ng karapatan. Hindi ka naman sumawsaw o manloloot. Tanga lang ang hindi pupulot.
Sino ba naman ang hindi hahalik? Hindi ko naman siya pinwersa o kung ano man. Kagustuhan din niya ito. Wala rin namang masama. Tanga na lang ang hindi hahalik.
Itinutok ko na ang mouse ko sa hydra card. Isang click na lang at mapapasaakin na ito.
Itinapat ko na ang aking labi sa labi niya. Hinihintay ko na lang na maglapat ang mga labi namin at maramdaman ko ang init nito.
Nang biglang...
May Kukreng dumaan! Niloot ang hydra card ko. Hindi ko na ito nahabol sa sobrang bilis.
Mula sa dilim ay may sumigaw ng "Balooooooot!" Nagulantang kameng dalawa. Sabay kameng nag bukas ng mata at bumitaw sa aming pagkakahawak. Nagkahiyaan na kame.
"oh, pano jon. dito na lang ako. pasensya na sa abala ah."
*smack*
Isang mabilis na halik sa aking kaliwang pisngi bago siya tuluyang tumakbo papasok sa huling kalye.
Hindi ko na nakuhang magsalita pa, una ay dahil mabilis siyang nakalayo sakin. Pangalawa ay talagang inalisan ako ng pagkakataong mag salita ng mga oras na iyon. Binalot ako ng kilig.
Naglalakad ako pabalik. Wala na ang pagnhihinayang ko sa hydra card na hindi ko nakuha, Nakakuha naman ako ng Thara frog card sa mas hindi inaasahang tagpo.
"Hinalikan ako ni camille... "
Nakangiti ako pero hindi ko alam kung masaya ako. Ang alam ko lang ay binigay sakin ang bagay na gusto ko pero hindi ko hiniling. Dapat ko bang ireklamo yon?
Madilim na. Kailangan ko nang umuwi.
Teka.
Nasan ako?
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:52:05 GMT -5
"Boy, boy boy! Anung ginagawa mo dyan? Halika nga dito?"
Pinalapit ako ng isang mamang malaki ang tyan, naka tsalekong kulay dilaw at asul, may hawak ng batuta at naka cap. Mukha siyang tanod.
"Bakit ho?
"Anong ginagawa mo pa sa kalsada? Alas onse pasado na ah?"
"Ah, eh... pauwi na nga ho ako eh."
"Ganun ba? Sige iho mag ingat ka. Maraming loko ngayon dyan"
"Sige ho, salamat"
Ang totoo nyan, kaninang kanina pa akong nagpapalakad lakad dito sa kalsadang ito. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Di ko alam ang daan pauwi. Walang dumaadaan na Jeep, Trysikel, Pedikab o kahit anong pampublikong sasakyan. Nasang lupalop na kaya ako ng Pilipinas?
Sa pagkakataon na ito, hiniling ko na sana meron akong Butterfly Wing para agad na akong makauwi sa bahay. Teka, walang bwing sa valkyrie..
Malalim na ang gabi. Hindi ko alam kung papaano pa ako uuwi. Ah! Alam ko na. Mag papayphone ako at tatawag ako sa bahay. Tama. E san naman may pay phone dito? Hmm... Pumunta kaya ako kela Camille at dun ako makitawag. Wag. Malamang tulog na siya at super turn off tong gagawin kong to.
"BEEEP!"
Nagulat ako ng may isang malakas na businang naggaling mula sa aking likuran. Lumingon ako, nakita kong nag bukas ang bintana sa may driver seat. Lalapit ba ako? Di ko naman kilala tong mga to ah. Pano kung psycho killer to? Pano kung Internal Organs Gang to?
"Hey! Nawawala ka ba?"
Boses babae. May babaeng miyembro ba ang Internal Organs Gang? Ah basta... Lumapit ako ng hindi nag iisip.
"Opo eh"
"Haha! Ganun ba? Tara pasok ka, hahatid kita sa inyo."
Hindi na ako nag dalawang isip pa. Umikot ako at pumasok sa loob. Astig. Itim na Honda Jazz tapos babae pa ung driver. Bagay na bagay.
"San ka ba naka tira boy?"
Bat kaya ako tinutulungan nitong tao na to? Pwede bang mabait lang talaga siya? O baka naman may ibang pakay sakin to.
"Hoy magsalita ka naman, san ka nakatira?"
Hindi ako nag sasalita. Sa pagkakataon na to e iniisip ko kung bababa ba ako ng kotse. Parang maling desisyon ang ginawa ko.
"Patingin nga ng ID mo"
Binigay ko ito ng walang sabi sabi. At least mas maganda yon kaysa mag salita pa ako. Baka may mali pa akong masabi.
"Akalain mo nga naman oh. Schoolmate pala kayo ng kapatid ko, haha!"
Kapatid?! Si.. si... Siya ba?! Tiningnan ko ang mukha nung babaeng driver. Hindi ko masyadong makita dahil madilim"
"A..ano po pangalan ng kapatid nyo?"
"Haha! Mag sasalita ka rin pala eh. Camille Santos ang pangalan niya, kilala mo?"
WAAAAA
AAAAAA
AAAAaa
aaaaaa
aaaa...
........... Kung kapatid niya si Camille... Hindi kaya... eto si Mae? Si Mae ba to? Teka...
*flashback*
"camz! tara na malalate na tayo!"
WAHH! Eto nga rin ung kotseng nakita kong ipinansundo kay Camille ng ate niya. Itim na Honda Jazz DIN!
.....
Pero hindi pa rin ako sigurado. Nandito na lang rin ako, kailangan malaman ko na kung siya nga talaga to.
"Oh, malapit lang pala bahay nyo eh oh. Nandito ung address mo sa ID mo."
Unang Pagsusulit: Nagraragnarok kaya siya?
"Sana may bwing na lang sa totoong buhay para madaling maka uwi..."
"Haha! Sana nga eh. Samahan mo na rin ng Kafra Warp Service para wala nang traffic"
AMP. Nagraragnarok nga siya.
Pangalawang Pagsusulit: Kilala ba talaga niya si Camille?
"Kapatid mo ba talaga si Camille Santos? Anu ang section niya?"
"St. Alberta ata ang section niya"
HAHA! Mali! Sinungaling to.
"Ay hindi pala. St. Alberta siya nung 2nd year, ngaung 3rd year e St Agnes siya"
SHT! Tama! Pareho pang tama! Kaklase ko rin si Camille noong 2nd year at tama, Alberta nga kame noon.
Pangatlong Pagsusulit: Siya ba ang MaeMae sa Friendster?
"ate, san ka po nag tatrabaho?"
"Nagtatrabaho!? Estudyante pa lang din ako no."
"Ah ganun po ba? San ka po nag aaral?"
"CSB"
"Anu pong CSB?"
"College of Saint Benilde"
WAH! Yan din ang naka sulat sa Friendster niya!
3/3 Perfect ang score niya sa pagsusulit ko. Mukhang... Siya nga.
"Dame mo namang tanong..."
"Ah... eh.. Sorry po"
"San ka ba kasi nanggaling, delikado na sa gantong oras ah."
"Pinuntahan ko po kasi ung kaklase ko, e di ko na alam kung pano umuwi"
"Siguro nililigawan mo no? Tibay mo rin, sinadya mo pa talaga siya kahit d mo alam kung pano umuwi"
"Hindi no. Masyado pa akong bata para isipin ung mga ganyan"
"Sus, ako nga grade 5 nung unang nagka boyfriend eh"
"Grade 5? Sobrang aga naman nun..."
"Teka lang ah"
Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag, inipit ito sa pagitan ng kanyang ulo at kanang balikat at ibinalik ang dalawang kamay sa manibela.
"Akin na nga ulit ID mo"
Walang sabi sabi ay ibinigay ko ang ID ko.
"Oy Camz,"
Anakanang kabayong nangangati, wag naman ganun...
"Kilala mo ba tong... Jonard Mad...Langtuta?" "E heto eh, nakita ko pakalat kalat sa kalsada, nawawala daw. Hahaha!"
"Ano?"
"Ahhh! Siya ba yon?"
"Haha, sige sige, ako nang bahala"
.....
"Si... si Camille yung kausap mo?"
"Haha! Oo baket?"
"Wala"
"Sasama ka sakin ngayong gabi. Wag ka nang humurit, alam kong wala kayong pasok bukas."
"Ha? Bakit? San tayo pupunta?"
"Dyan lang. Maguusap lang tayo"
Anu kayang gagawin sakin neto? Mas natakot tuloy ako. Hindi naman siya mukhang gagawa ng masama pero ayoko ng pinag iisip ako. Ayoko ng ako pa ang magpupuno ng mga nawawalang parte sa isip ko. Aalis ako.
"Hindi pwede eh, papagalitan ako ng mama at papa ko"
"E nawawala ka nga e diba? Tsaka papagalitan ka na rin lang, lubus lubusin mo na."
"Eh, anong sasabihin ko pag uwi? Baka hindi na ako kilalanin bilang anak nila pag uwi ko?"
"Sasama ako. Sasabihin kong napulot kita sa daan na pakalat kalat. Mukha naman akong mabait at mapagkakatiwalaan diba?
"Hinde, hindi talaga pwede. Uuwi na ako."
"O sige, kung ayaw mo e ibababa na kita diyan sa kanto. Ikaw na bahalang umuwi."
Tiningnan ko ang labas ng kotse. Lalong hindi naging pamilyar ang paligid. Hindi ko na makita ang mga poster ng mga kandidato sa lugar namin. Mga ibang mukha at ibang pangalan na ang mga nakapaskil sa mga dingding ang nakikita ko. Ibig sabihin ay nasa ibang siyudad o munisipalidad na kame.
Wala akong ibang pagpipilian. Sasama ako o... Sasama ako?
"Sige sasama ako. Ikaw na lang bahala sakin pag uwi ko"
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:52:34 GMT -5
"Hoy! Gising na!"
"Huh? Ano?"
Nakatulog ako pala sa kotse niya. Parang antagal tagal ko nang nakatulog.
"Inaantok ka na ba?"
"Hindi pa naman.."
"Buti naman, d2 na tayo, wag kang umangal. Bumaba ka na dyan, papark ko lang to"
Nasaan kame? Andameng tao. Andameng kotse.
Nag park ang kotse. Lumabas siya...
....
...
"Hoy, para kang tanga jan"
"ha, eh, sori"
Ang ganda pala nitong babaeng to. Sabagay, kapatid niya s Camille, anu pa bang aasahan ko?
"Tara nga dito"
Bumalik kame sa kotse. Naka cover kame sa para hindi kame makita ng mga tao. Kakaiba ang tingin niya sakin.
"hmmmm, mukha kang totoy.."
"Ha?"
"konting ayos ayos lang... eto isoot mo"
Hinubad nya ang soot niyang itim hoody at inabot sakin.
"ha? anu to?"
"basta isoot mo na lang... yan. tapos itaas mo ung sleeves na hanggang sa siko mo.. yan"
"..."
"kaso mukha ka ring totoy..."
"bakit ba? san ba tayo pupunta?"
"basta, kakain lang tayo. teka ha. Dyan ka lang"
Muli siyang bumalik sa kotse at parang may kukunin. Pag labas niya ay may hawak hawak siyang pink na hoody at isang kaha ng sigarilyo.
Isinoot niya ang pink na hoody. Pagkatapos ay binuksan ang kaha ng sigarilyo. Sinindihan, hinithit at...
"Oh, hawakan mo to"
Binigay sakin ang sigarilyong may sindi.
"HA?! anung gagawin ko dito. hindi ako naninigarilyo. masama sa kalusugan yan! napanood ko nga sa tv na..."
"Hindi mo naman yoyosihin, hawakan mo lang"
Kinuha nya ulit ang yosi sakin at hinithit niya, siguro para lumabas ang usok.
"teka... i soot mo yang hood para hindi masyado kita yang totoy face mo."
"bakit? illegal ba tong ginagawa natin? bat hindi dapat makita ang mukha ko?"
"mamaya sa loob sasagutin ko ang lahat ng tanong mo. ngayon makinig ka muna sakin. susundin mo ko hanggat hindi pa tayo nakakaupo. eto ang mga hindi mo dapat gawin sa loob: una, wag na wag kang mag sasalita. yang boses mo na yan e hindi maikakailang pang totoy na pang totoy. pangalawa, wag na wag mong tatangkaing mang hipo sa loob. ayoko ng gulo. pangatlo, yang ulo mo e wag mo masyadong i yuko. i ladlad mo pa ung hood ng konti para hindi masyadong kita yang mukha mo pero wag kang yuyuko, mag mumukha kang kahina hinala nun. hmmm.. yang ID at bag mo, iwanan mo sa loob ng kotse muna. at eto, pag kinurot kita o tinapik kita sa kahit anong parte ng katawan mo e akbayan mo ako agad.."
"ha? akbayan?"
"diba sabi ko mamaya ka ang tanong? basta sundin mo na lang ako. akin na ulit yang yosi... yan. ganto mo hawakan..."
Kinuha nya ang kamay ko , inilagay ang yosi sa pagitan ng aking hintuturo at hinlalato at pinasayad nya ang aking hinlalaki sa filter.
"tingin nga... ayan! hindi ka na mukhang totoy! pogi ka pala pag naayusan eh"
"ikaw din maganda ka. he he"
"aba siyempre. haha! tara na!"
"pero teka, san ba talaga tayo? anung klaseng lugar ba to? bat mo ba ako dinala dito?"
"siyempre, hindi pwedeng hindi marunong gumimik ang magiging boyfriend ng kapatid ko noh, tara na!"
Ha? tama ba ung narinig ko? Hindi na ako nakapag isip dahil kinaladlad na niya ako patungo sa direksyon niya.
Naglakad kame patungo sa karatula kung san nakasulat ang Entrance. Nauuna siya. Kinuha niya ang wallet niya at nag bayad, pag lagpas namin ay pinag hiwalay kame, dun ako sa Male, dun siya sa Female. Kinapkapan kame. Medyo kinabahan pa ako ng konti pero nakalusot naman. Pag pasok pa ng konti ay tinatakan na kame. Pagka lagpas doon ay nakaramdam ako ng kurot sa aking bewang.
Aakbayan ko siya?
Isa pang kurot, tila pinagmamadali niya ako dahil mas masakit ang pangalawang kurot.
Bahala na..
Inangat ko ang braso ko at ipinatong ko sa balikat niya. Tama ba tong ginagawa ko? Ganto ba? Ah basta, sinunod ko lang siya.
Nakakatakot. Nakakatuwa. Ang hirap gumalaw habang nakaakbay ako sa kanya, andameng tao. Pero sige lang.
Umakyat kame ng hagdan. naghanap ng lamesa at naupo na kame.
Madilim, maingay, mausok at madameng nag sasayaw. Yan ang itsura ng lugar kung nasan kame ngayon.
"pwede na ba akong mag tanong?"
"chill ka lang totoy, kain lang muna tayo"
Maya maya ay may dumating na isang lalaki, may dalang apat na bote ng beer.
"oh anu gusto mong kainin?"
"kahit ano..."
"ok.. boss, dalawang sisig nga. ung extra spicy"
"wag!"
"ha? anung wag?"
"wag ung maanghang... hehe, di ko kaya eh"
"ok ok, boss ung isa hindi maanghang"
Umalis na ung lalaki at nakatingin pa sakin habang papalayo siya.
"sa susunod naman medyo lakihan mo ung boses mo, halatang totoy ka eh"
"bakit ba kasi? bawal ba ako dito?"
"medyo.."
"panong medyo?"
"bawal dito ang below 18, bawal humawak ng yosi ang below 18, at bawal uminom ang below 18. so technically, tatlong batas na ang sinuway mo. kriminal ka na"
"ano? wah?!"
"haha, ginogoodtime lang kita, to naman"
Dumating na ang lalaki ulit. Dala dala na ang sisig namin.
"o tara, kain muna. mamaya mo na ako tanungin"
Talagang kakain muna ako, wala pa akong kinain buong araw, extrajoss pa lang.
Takam na takam ako sa itsura ng sisig, sinungaban ko kaagad. Nag apoy ang bibig ko nang dumampi dito ang sisig.
"wah! bat maanghang! wahhhh!"
"ay nagkapalit tayo. haha!"
"san ako pwedeng uminom ng tubig?"
"tubig? yan oh.."
Tinuro niya ang dalawang bote ng beer na nasa harap ko.
"ehh, beer yan eh!"
"ah bahala ka, walang tubig dito"
Wala na, ininom ko na ng hindi nag iisip.
"aahhhh! ampait!"
"pait ka dyan, e halos maubos mo na ung bote sa isang tunggaan lang"
"e maanghang eh!"
"haha! sige palit na tayo, eto na yung hindi maanghang"
Kumain lang kame ng halos hindi nag papansinan. Ang sarap. Naubos ko ung isang bote ng beer. Wala akong pag pipilian. Mabulunan o iinom?
Ano ang masarap? Yung sisig? O dahil may kasama akong magandang babae dito. Kung alin man don sa dalawa ay hindi ko alam"
"yan, tapos na tayong kumain, pwede na akong mag tanong?"
"shoot"
"bakit mo ako dinala dito?"
"bakit? ayaw mo?"
"anu ba namang klaseng sagot yan.."
"hahah!"
"di nga? bat mo ko dinala dito"
"para mag usap."
"anu naman ang pag uusapan natin?"
"ikaw."
"ha? ako?"
"at si camille"
Narinig ko nanaman yang pangalan na yan. Kanina para lang akong may kabiruang tropa nahit hindi ko to kilala. Pero tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Camille ay para bang nalilito ulit ako kung bakit ba ako nandito imbis na nasa bahay na ako ngayon.
"ano? anung si camille?"
"hoy jonard madlangtuta, baka nakakalimutan mo, ate ako ni camille. natural lahat ng bagay e alam ko tungkol sa kanya. alam kong gusto mo siya."
Nahiya ako bigla. Para pa akong hinubaran sa harap ng taong hindi ko kilala. Pati ba naman ang bagay na sinisikreto ko kahit sa sarili ko ay alam niya.
Tinapangan ko na lang ang sarili ko. Ano pa bang magagawa ko? E nandito na rin lang ako eh. Mas maganda siguro kung ilabas ko na lahat.
"pano mo mo naman nasabi yan?"
"toyo ka ba? siyempre nag kukwento sakin un no. at isa pa, nung araw na sinundo ko siya e andun ka, kitang kita ung motibo mo eh"
"anong motibo?"
"na gusto mo siya. parehong pareho kayo nung highschool sweet heart ko. parehong pareho sa galaw."
"teka teka teka, e anu naman ang..."
"eto ha, didiretsuhin na kita. gusto ka din ni camille"
"ha?"
"gusto mong ulitin ko? GUSTO KA NI CAMILLE. yan. sige hindi muna ako amg sasalita, alam kong pag iisipan mo munang mabuti yang narinig mo eh."
"hindi sige, tuloy mo lang yang cnasabi mo"
"ok... gusto ka ni camille, ngayon alam naman natin na yang c camille e napaka... sabihin na nating bata. oo bata pa siya pero ayokong kung kailan siya college tsaka lang siya maoopen up sa mga ganyang bagay. tinuturuan ko siyang alagaan ang puppy love."
"..."
"ngayon mr. madlangtuta, gusto ko sanang malaman kung gaano mo ba ka gusto si camille?"
"panong gaano ka gusto?"
"idiscribe mo sakin kung anu ung nararamdaman mo sa kanya"
"gusto ko siyang... gusto ko ung lagi ko siyang kasama. gusto ko ung lagi kameng sabay sa lahat ng bagay. tapos gusto ko rin ung naipagtatanggol ko siya. gusto ko ung kapag kailangan niya ng tulong, agad kong maibibigay. ung parang ganun. tsaka gusto kong mas makilala pa siya. marami pa akong hindi alam sa kanya at gusto kong malaman lahat un"
"haha! wala pang nagsasabi ng ganyan sakin"
"talaga?"
"oo! ung unang boyfriend ko nung grade 5 e sinabihan ako ng i love you, tapos ang i love you too ako. ayun kame na! hahahha!"
"hahaha! ambilis!"
"teka may tanong pa ako, sabi sakin ni cams na nag raragnarok ka daw. kaya mo bang iwan yang ragnarok mo para kay camille?"
"teka, bakit ko naman iiwan? hindi ba pwedeng sabay. i mean, ragnarok, camille, magkaiba sila."
"ok ok.."
Bigla kameng natahimik pareho. Siya nag sindi ng sigarilyo, ako pinapanood ko lang siya.
"totoy.."
"ano?"
"alam mo gagawin ko bukas?"
"hinde, ano?"
"sasbaihin ko kay camille na: Cams, mahal ka nyang jonard mo, kaya wag ka nang matakot"
"teka teka teka teka! wag naman ganun"
"at bakit? ayaw mo ba?"
Ayoko ba? Gusto ko ba?
"baka hindi siya matuwa?"
"matagal ka na niyang kinukwento sakin. sinasabi niya na meron daw siyang gustong lalaki sa skul pero hindi niya alam kung gusto rin siya nito. ngayong ano sa tingin mo ang mararamdaman ni camille pag nalaman niyang gusto pala siya nung lalaking matagal na niyang gusto?"
"aba ewan"
"ikaw, alam kong ngayon mo lang talagang nalaman na gusto ka rin ni camille, anu naramdaman mo?"
Ano naramdaman ko? Parang... Parang... Naaalala ko. Gusto ko ng PSP. Gustong gusto ko ng PSP pero wala akong kakayahang bilin to. Sa hindi malamang dahilan e bigla na lang sakin sinabi ni mama: "oh jon, ok na ba sayo ang PSP for christmas?" Isang malaking "OPO!" na lang ang nasabi ko, pero sa loob ko e tuwang tuwa ako. Sino ba naman ang hindi matutuwa? Isang bagay na matagal at pasikreto mong ginusto ay mapupunta din pala sayo! Pero sa kasamaang palad, hindi ko nakuha ang PSP na ipinangako sakin. Apat na araw bago ang pasko ay umalis ng bansa sila mama at papa. Bumalik na ng early january, tapos na ang pasko. Marahil nakalimutan na nila ang PSP na ipinangako sakin. Hindi ko na ipinaalala.
"uhhm.. ok lang.."
"HA!? ok lang?! Un lang ang naramdaman mo?"
"ahh ehh..."
"Hay nako! tara na nga!"
Bumaba siya ng hagdan, sumunod ako. Lumabas kame sa lugar na iyon at dumiretso kame sa kotse.
"tara na ihahatid na kita"
Hindi na ako nag salita, marahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Nahiya naman tuloy ako.
"anung kulay ng gate nyo?"
"yan, yang blue, dyan ako. paki baba na lang ako dyan"
"magpapaliwanag pa ako sa magulang mo diba?
"hinde, wala diyan ang magulang ko, nasa ibang bansa nanaman sila"
"ah ganon ba, sige ibababa na lang kita dyan."
"sige salamat.."
Bumaba na ako ng kotse, dala dala ang mga gamit ko. Biglang nag bukas ang bintana.
"teka, kunin ko muna number mo, may cellphone ka naman siguro"
"oo meron kaso... di ko kabisado number eh.."
"pffft..!"
Sabay harurot ng kotse papalayo.
Bakit kaya siya biglang na badtrip sakin? Hay... Bahala na.
nag doorbell ako, binuksan ni aling Lucy ang pinto.
"hay nakow ser! saan ba kayo naggaling!!! nakatulog na ang mami mow sa kakahentay!!"
Hindi ko siya pinansin, nag dirediretso ako sa kwarto upang matulog na. Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may ang txt ba o wala, wala naman. Anong bago?
Agad akong humiga sa kama at nakatulog ng hawak hawak ang cellphone at soot soot ang damit ko kagabi, hindi ko na nakuhang mag palit.
...
Kinabukasan... nagising ako ng vibration mula sa aking cellphone..
Calling.. Mae-Mae RO
bat nanaman kaya tumatawag to? Ang aga aga..
at..
Ampf.. soot soot ko pa rin ung hoody ng ate ni Camille?
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:53:00 GMT -5
JON’S MEMOIRS
Naalala ko noong bata ako, tuwing nagpapalipad kame ng saranggola at walang hangin, ang kailangan lang naming gawin ay sumipol. Sipol lang ay tiyak may darating na hangin upang dalhin ang aming munting laruan patungo sa kalangitan. Hindi ko malaman kungt bakit ganoon. Wala akong mahanap na eksplanasyon, o siguro ay hindi talaga ako ang hanap. Kuntento na ako na tuwing sisipol ako ay may dadamping malamig na hangin sa aking katawan.
Pero ngayong ako'y tumanda na ng konti ay pilit kong hinahanapan ng kasagutan ang lahat ng bagay. Masyado akong naging analitikal sa lahat ng nangyayari sa paligid ko. Masyado akong naging matanong. Pero itong pag sipol na ito ay tulad din ng maraming bagay na kahit anung pilit kong hanapan ng sagot ay talagang wala akong makuha. Siguro ay tama lang iyon. Dahil amsyado tayong natutuon sa paghahanap ng kasagutan ay nahihirapan ang sarili natin. Siguro kailangain din nating maging bata paminsan minsan.
Mangyayari ang mga bagay na nakatakdang mangyari, yaan ang sinasaan ng batas ng tadhana. Parang pagpapalipad lang din ng saranggola yan. Pag masyado mong binatak ang tali kontra sa hangin ay tiyak mapuputol ang tali mo, eektad ang saranggola mo at hindi mo na ulit ito makikita. Sundan mo lang kung san ka dadalin ng ihip nh hangin.
-Jonard Madlangtuta
BBrrrr... Bbrrrr... Bbrrr....
Patuloy parin ang pag vibrate ng aking cellphone. Kakagising ko lang, hindi ko pa kayang mag isip. Ang ginawa ko na lang ay tinanggal ang baterya ng aking cellphone, mamaya ko na lang siya tatawagan. Alas otso ng umaga. Bitin pa ang tulog ko. Holiday nga pala kaya wala kameng pasok. Ibig sabihin kupleto kameng pamilya. Alas otso... Sigurado kumakain sila ngayon. Bababa na ba ako para sabayan silang kumain? Oo tama. Pag bumaba na ako ngayon ay magmumukhang normal lang ang lahat. Walang makakaalam na inumaga na ako ng uwi...
"hay nakow ser! saan ba kayo naggaling!!! nakatulog na ang mami mow sa kakahentay!!"
Ay oo nga pala, nakalimutan ko yang sinabi ni aling lucy na yan. Ibig sabihin... alam ni mama. Si papa kaya? Oo, alam din ni papa yan. Papagalitan ba nila ako? E kung matulog na lang ako hanggang umalis sila maya maya at... Ay, holiday nga pala. Walang pasok.
Ah basta, bahala na lang.
Dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto, bumaba ng hagdan at umupo sa hapag kainan.
"Oh jon, kumain ka na dyan"
Bakit parang tahimik? Galit ba sila sakin?
"Jon anak, matanong nga kita..."
"Ano po yon, pa?"
"San ka galing kagabi at inumaga ka na ng uwi?"
"Wag po kayong magalit sakin pleasE! magpapaliwanag po ako! kasi po nung..."
"Teka teka teka, huminahon ka! Haha! Hindi kame galit sayo. Gusto lang namin malaman kasi sabi ng ate mo nanchix ka daw. Haha! Totoo ba yon?"
Teka, ano to? Inaasahan kong magagalit sila sakin pero bakit ganto? Sige sasakyan ko na lang.
"Ah.. Ehh. kasi ano.."
"Oh! Sabi sayo pa nanchix yan eh! Hindi makasagot oh!"
"Aba, binata na nga ang anak natin hon!"
"Oo."
Matipid at mahinhin ang sagot ni mama. Marahil siya ang hindi natuwa sa ginawa ko.
Kumain lang kame habang nagtatawanan si ate at si papa. Ano pa bang magagawa ko kundi maki ride na lang. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso akong muli sa aking kwarto upang ituloy ang naudlot kong tulog. Nakahiga na ako nang...
"Jon anak? Pwede bang mag usap tayo sandali?"
Nako, si papa!
"Sige po pa, tungkol saan po ba?"
Kinuha niya ang upuan na ginagamit ko sa computer, itinabi ito sa aking kama at umupo.
"Kayo na ba nak?"
"Ha ano po?!"
"Nak, kung merong tao kang pinagkukwentuhan tungkol sa buhay pag ibig mo e ako na dapat yon! Alam mo namang matinik sa chix ang papa mo dati! Haha!"
"Hindi, wag kayong maniwala kay ate, hindi totoo yon?"
"Kung gayon e saan ka galing?"
Sa nakikita ko e natutuwa si papa na nalaman niyang "nagbibinata" na ako. Sabagay, ngayon lang naungkat ang ganitong bagay tungkol sakin. At hindi naman siguro nararapat na mag sinungaling pa ako. Pero dapat "safE" pa rin ang isasagot ko...
"Dun po sa bahay ng kaibigan kong babae"
"At ano naman ang maaaring gawin ng isang gwapong binatang tulad mo sa bahay ng KA-ibigan niyang babae na inabot sila ng madaling araw?"
"Ha? Ano po?"
Noon pa man ay ganyan na si papa. Nakikita ko noon kung pano sila mag usap ni ate tungkol sa una niyang legal boyfriend. Pero kahit ganon ay alam naman ni papa ang limitasyon niya.
"Ano ba anak? 1st base? 2nd base? 3rd base? O homerun agad?"
"Ano pa? Di po kita maintindihan."
"Haha, nag bibiro lang ako, basta eto lang anak, kung kailangan mo ng opinyon ng lalaki, andito lang ako. Isipin mo na lang na barkada mo ako pag dating sa mga bagay na ganyan. Lalaki ka naman eh, hindi kita lilimitahan, sa ganyan kasi eh mas matututunan mong disiplinahin ang sarili mo, if you know what i mean *kindat*" "Sige po, pag may tanong ako, sa inyo ko agad unang itatanong"
"At nga pala anak, hindi ko naman sinasabing sundin mo ang prinsipyo ko sa ganyang bagay pero gusto ko lang malaman mo kung ano ang opinyon ko, minsan na rin akong dumaan diyan kaya't masasabi kong mas marami na akong alam sayo. Kaya gusto kong sabihin sayo to: Tatlong beses mo lang pwedeng paiyakin ang babae"
"Tatlong beses?"
"Ganto anak, unang beses na iyakan ka ng babae, ok lang. Pangalawang beses na iyakan ka ng babae, medyo tagilid ka na. Sa pangatlong beses, iwanan mo na"
"Ha? Bakit po?"
"Masyado mo nang pinapahirapan ang babae. Hindi naman iiyak ng walang dahilan yan eh. Mas magandang hiwalahan mo na dahil may mas mabuting lalaki siyang mahahanap kaysa sayo pag dumating ka na sa ikatlong pag iyak."
"Err... Ok."
"Yang nanay mo, dalawang beses ko lang napaiyak yan. Una, noong nahuli kame ng kuya ng mama mo, si Tito Jojit mo, nakita kame niyan ng mama mo habang pinapanood namin ang pag lubog ng araw sa manila bay, takot na takot ang mama mo, ayaw umuwi dahil lagot daw siya. Hindi pa kasi kame legal non."
"E yung pangalawa po?"
"Yung pangalawa? Nung tanungin ko na ang mama mo ng: handa ka bang samahan ako, habambuhay? Sabagay, karamihan naman ng babae e iiyak sa tuwa pag inaya mo nang magpakasal. Haha! Joke lang, hindi counted yung iyak na yon pero sinama ko na rin"
"Sige po pa. Sainyo ko po unang sasabihin kung meron man.."
"Basta anak ha, naiintindihan mo naman yang mga pinagsasasabi ko. Disiplina lang. Alamin mo lang ang limitasyon mo"
"Opo"
Binigyan ako ng isang mahigpit na akap ni papa at lumabas na ng aking kwarto.
"Nga pala anak"
Biglang bumalik si papa, may nakalimutan atang sabihin.
"Normal lang ang marating mo ang una hanggang ikatlong base, kung suswertehin ka e hohomerun ka pa. Ikatutuwa ko iyon para sayo dahil alam kong lalaki ka. Pero sana lang ha, hangga't maaari, e wag na wag kang mag uuwi ng trophy dito na nanggaling dun sa hi-nomerun mo. Ok?"
"Uhhm.. Ok."
"At isa pa nga pala, handa na kameng makilala siya. Sabihin mo lang at mag set tayo ng petsa."
...
Lahat ba ng magulang ganto? Noon pa man ay wala kameng masyadong koneksyon ng aking ama. Oo araw araw kameng nagkakasama pero hindi kame ganon ka dikit. Mas close sila ni ate. Siguro eto na nga ang hinihintay niyang pagkakataon upang magkalapit kame. Eto na ang unang father-son activity namin.
"Salamat, pa"
"Uy ano yan?"
"Bat hindi mo tikman?"
Ano to? Alak? Alak na nasa kupita. Nakalagay sa lamesa kung saan ako nakaupo. Para sakin ba to? Kung hindi ay bakit naka pwesto ito na kala mong gusto talagang ipainom sakin? Nilapit ko ang ilong ko sa alak at nilanghap ko ang amoy. Napaka bango. Tila ba lalo akong naakit na inumin ito. Pero ayoko. Hindi ako siguradong sakin to eh. Pano kung mamahalin pala to, edi magbabayad pa ako? Pano kung mabango lang to pero hindi tlaga masarap? Pano kung may lason to?
"Inumin mo na.."
Sa bawat segundong naka titig ako sa alak ay tila ba lalo akong inaakit nito upang inumin siya.
"Tikman mo na ako.."
"Ayoko nga, baka may mangyari pang hindi maganda"
Kasabay ng nagsabi ko nito ay ang kusang pag galaw ng kamay ko upang kunin ang alak. Hindi ko na mapigilan ang kamay ko. Inilapit nito ang alak sa aking labi, papalag pa ba ako? Siguro gusto ko ring malaman kung anu talaga ang lasa nito.
"Sir masarap ba?"
"Ha?"
"Sir.."
"Sir kakaen na pow tayu! Tanghalean pa poh!!"
"Ah, o cge cge, bababa na ako"
Alak? Kakaiba, kakaibang panaginip. Hindi ko na pinahirapan pa ang sarili ko upang alamin kung ano ang ibig sabihin ng panaginip kong iyon. Dreams are random naman diba? Walang ibig sabihin yon.
Bumaba na ako at dumeretso sa hapagkainan.
"Patay jon ah, lalabas lang ng kwarto pag kakain na ah. Pagod ka kagabi no?"
"Psst oi, tigilan mo na yang kapatid mo. Nag usap na tayo kagabi diba jon? *kindat* "
Tahimik si mama, hindi pa rin kame nag kikibuan. Bakit kaya? Hindi ko naman kayang mag tanong sa kanya.
Habang kumakain kame ay bigla akong nag salita.
"Ma, Pa, aalis po ako mamaya, mga 1pm po."
Tumango lang si mama na nag sasabing pumapayag siya. Pero maharot talaga tong tatay ko, biglang nag liwanag ang mukha at ngumiti na tulang nito .
"Aba, mukhang napapadalas anak ah. San kananaman pupunta?"
"Dun lang po sa mga kaibigan ko"
"Wahahahahahahahahahahahaha!" Yan ang tunog ng walang humpay na sabay na pag tawa ni ate at papa.
"Sige anak ha, basta yung mga sinabi ko sayo. Wag mong lilimutin un."
"Err.. Ok."
---------------------------------
Wallet, cellphone, panyo. Ok, kumpleto na. Nakaayos na ako at handa na akong umalis ng bahay. Kailangan ko pang magpa level. Ilang levels kaya ang makukuha ko sa 3 hours? Meron ako ngayong 50 pesos. 15 per hour so... 15x3=45. May 5 pesos pa akong sobra.
"Alis na po ako."
"Jon! Teka lang."
Ibinaba ni papa ang binabasa nyang dyaryo at dali daling tumungo sa direksyon ko"
"Ano po yun pa?"
"Baka kapusin ka sa lakad mo ngayon?"
"Ano po?"
"O heto, go get your girl something nice. Pasiyahin mo ah! Sige na alis na! Dali!"
May isinuksok si papa sa bulsa ko na hindi ko malaman kung ano. Tinulak niya din ako palabas ng pinto kaya hindi ko agad agad itong nakita. Palabas na ako ng gate, dinukot ko kung ano ba itong bagay na isinuksok sa bulsa ko.
Hindi naman siya gaanong malaki... Manipis lang. Na parang... Ah tingnan ko na nga lang.
Pag dukot na pag dukot ko sa bulsa ko ay nakita ko si Ninoy! At hindi lang isang Ninoy! Anim na pirasong Ninoy!
"Shet, Tatlong libo?"
Ngayon lang ako nakahawak ng ganto kalaking pera na para sakin lang talaga. Pwede ko tong gastusin sa kahit anung gusto ko. Kahit tatlong pirasong FAW pwedeng pwede! Kaso...
"O heto, go get your girl something nice. Pasiyahin mo ah! Sige na alis na! Dali!"
Binigay sakin ni papa to kasi akala niyang makikipagkita nanaman ako sa inaakala nilang girl ko. Hindi ko kayang mag sinungaling kay papa. Ah basta, bahala na.
"Ate pa open po number 3"
Narito nanaman ako sa mundo ng Ragnarok. Ay teka... Yung pustahan! Ano na bang nangyayari? May kapustahan ako sa neko mimi ko. Yung kapustahan ko ay pinaghihinalaan kong kapatid ng ni Camille na nakasama ko kagabi. Pero... Wala pa rin akong solidong pruweba. Hindi ako kumbinsido. Kailangan sa kanya mismo manggaling. Oo nga pala, tumatawag siya sakin kanina. Teka, Kung iisang tao nga ang ate ni Camille at si MaeMae RO... Yung pag tawag niya sakin kanina ay siguradong tungkol sa Ragnarok. Hindi ko nga pala naibigay ang number ko dun sa kasama ko kagabi bago kame mag hiwalay. Ang kaso... Kung ang kapatid ni Camille at si MaeMae RO ay... Pwedeng itanong niya kay Camille ang number ko. Kung ganon nga ang nangyari ay alam na ni Mae na ako ang knight na si Jaube na kapustahan niya dahil pag sinave niya ang number ko na nanggaling kay Camille doon sa cellphone niya kung saan naka save ang number ko bilang Jaube ay magtataka siya kung bakit nakasave na ang number ko dun. Pero... Pero bakit naman ako tatawagan ng number na yon bilang si Mae at hindi MaeMae RO... Yung hoody! Patay...Hinde hinde, easy lang.
Binabaybay ko na ang daan tungo sa Byalan. May nakita akong priestess. Anu ba ang gagawin ng kahit sino man pang nakakita ng Priest? ctrl+3
Jaube: pa buffs po please! ~*Mae*~: ampf! buti naman at nagkita tayo! tadhana nga naman.
Anu to? Si ~*Mae*~? Priestess na naka Flying Angel Wing?
Jaube: ampf anung level kana? ~*Mae*~: well, nagpa job 50 muna ako. so dun pa lang olats ka na. Bago mag job level 50 ang 1st job sa GH ay aabot siya ng base level 63 dba? Jaube: oo.. ~*Mae*~: ayokong mag yabang kaya idedeal na lang kita, makikita mo naman level ko dun diba? at kung pwede rin, paki sabay na ung premyo KO dyan sa deal na yan?
~*Mae*~ Requests a deal Lv. 68
Level 68 na. Talo ako sa pustahan. Pero hindi naman ako gaanong na lungkot dahil kaya ko nanamang bumili ng FAW. At umpisa pa lang naman tagilid na talaga ako.
Jaube: wow ha.. talo ako. ~*Mae*~: ehem ehem.. neko mimi ko po? Jaube: anu ka, diba mag memeet tau at dun ko ibibigay sayo yon? ~*Mae*~: amp na yan. o sige sige dun pa din, dun sa netopia sa may monumento sa grand diba? anong oras? Jaube: lunes, siguro gawin na nating alas sais ng gabi. ~*Mae*~: sige, tulad ng sinabi ko dati. i'll wear yellow. e ikaw? Jaube: hindi naman ako pwedeng mag palit ng damit kasi galing akong school nun eh. sige mag sosoot na lang ako ng green na cap. ~*Mae*~: o sige sige. at wag na wag mo akong balaking iscamin ah. huhuntingin kita totoy. Jaube: d ako scammer lul, sige pa level na ako. ~*Mae*~: san ka pa level? gs2 mo boost? Jaube: sa byalan 4, sure ka boost mo ko? ~*Mae*~: oo sige, wala na rin naman akong gagawin eh. tsaka masaya ako dahil magkaka neko mimi na ako. tsaka nakakaawa ka rin eh. level 59 ka pa rin ata eh. wahhaha! Jaube: sige sige, i'd appreciate that ~*Mae*~: tara!
Ang galing mag support ni Mae, kahit nappk na kame sa byalan e hindi kame mapatay. Hahaha! Ambilis ng kamay nya, Pagka decrease agi ay biglang lalabas ang lex devina. Makakatakbo na kame.
Jaube: pwedeng mag tanong? ~*Mae*~: sige anu un? Jaube: ikaw ba ung tumawag sakin kanina? ~*Mae*~: uu ako un. binabaan mo nga ako eh amp Jaube: ah. bagong gising kasi ako nun eh. hehe. ~*Mae*~: excuses! Jaube: pwede pa ulit mag tanong?
"Jon, extend pa?"
Jaube: ay sige, ttxt ko na lang ung tanong ko sau. kailangan ko nang umalis eh. salamat nga pala sa boost ah. ~*Mae*~: ampf nambitin. i teks mo ah. sige. Jaube: Ty ult! :kis:
Nasa kalsada na ako pauwi nang mag vibrate ang cellphone ko.
1 Message Recieved: MaeMae RO
"O anu na ung tanong m0?"
Oo nga pala, nakalimutan kong mag text.
Tama bang sa kanya ko itanong to? Iba iba kasi ang isasagot sakin kung iba ibang tao rin ang pagtatanungan ko. Pero naisip ko na kung sakanya ako magtatanong ay masasabi niya sakin kung anu ang bagay na papaboran niya sa gantong bagay. Tama.
Reply
"Pan0 manligaw?"
Sent.
"Kung tama ang iniisip ko, maibibigay mo sakin ang sagot na hinahanap ko"
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:54:32 GMT -5
Ano ba talaga ang plano ko? Sino ang nakakaalam ng lahat ng bagay tungkol sa isang tao bukod sa sarili niya, hindi ba't ang taong pinaka malapit sa kanya? Sa kasong ito, ang pinaka malapit na tao kay Camille ay si Mae. Sa kanya ngayon ako kukuha ng impormasyon kung paano pa lalong mahuhulog ang loob sakin ni Camille. Kumbaga ba ay parang piprituhin ko siya sa sarili nyang mantika.
Ang kaso, lahat ito ay naka base lang sa teorya. Gagana lang ang plano kong ito kung Iisa lang ba talaga ang kapatid ni Camille at ang kalaro ko sa RO na si ~*Mae*~. Kung hindi man tama ang teorya ko, atleast nalaman ko at hindi na ako magtataka pa sa huli.
"Pan0 ba manligaw?"
Sent.
1 Message Receieved.
"Twagn na lang kta. Mahrap xplain sa txt eh"
"Brrrr... Brrr...
Hindi pa man din ako nakakapag react sa huling mensahe ay eto na, tumatawag na agad siya.
"oh totoy, bat mo naman naitanong ha? chix ba chix?"
"ehh, naisip ko lang, since babae ka naman, kung may nakakaalam kung anu ang gs2 ng mga babae e kapwa babae din nila dba?
"oo tama... unang tanong... pogi ka ba?"
"naman... kailangan ba yon?"
"haha! hindi biro lang, kahit mukha kang pwet, basta ma diskarte ka kaya mong mabihag ang damdamin nya"
"e panong diskarte ba yon?"
"kailangan lagi kang tatatak sa isip niya. kailangan maging unique ka! un."
"pwedeng pahingi ng example?"
"o sige, pero wag kang maingay ha! ganto kasi yon... high school kame. may isa akong kaklase. di naman siya ganung kagwapuhan. anu un, maingay, joker, minsan bastos pa ung mga jokes nya. para lang siyang generic friend. super friend ng karamihan kumbaga. hindi ko alam may gusto pala sakin ang loko. mula nung pumutok ung balita, medyo hindi na siya maingay sa klase. tthitahimik na lang. then came valentines day. wierd kasi ang aga niyang pumasok nun. madalas kasing late yan."
"bat mo alam? type mo na ata ung lalaki sa simula pa lang"
"uy hindi ah. wala kayang kadating dating un. kaya ko alam kase secretary ako ng klase. ako naka incharge sa pagrerecord ugok!"
"ahh, sige sige tuloy mo."
"syempre, ako naman, dahil may chismis na umiikot na may gs2 sakin tong lalaking to e aaminin ko, medyo inisip kong baka may gawing kakaiba to ngayong araw na to. pero ayokong i entertain ung thought na un kasi baka madissapoint lang ako o ano."
"o, kala ko ba d mo type ung lalaki, bat ka nag eexpect?"
"HALEER! babae ako no! hindi mo to maiintindihan pero... iba ung feeling pag may mag bbgay sau ng ganun, like, ang haba ng hair ko! gets mo?"
"ah ok ok gets. o tapos?"
"ayun, madame nang kaguluhang nangyayari. madame nang nag bibigayan ng bulaklak madame nang nagkakaaminan. typical na nagyayari pag highschool valentines day. un, lunch na wala pa siyang gnagawa, hanggang mag uwian"
...
Bigla kameng nanahimik pareho. Parang hindi na niya alam kung anu ung susunod na mangyayari sa kinunkwento niya.
"o dali tuloy mo na. wag na mambitin."
"ah, sige. edi un. uwian na. walang dumadating. wala pala tong lalaking to. tapos maya maya... may tumatawag sakin..."
Flashback
"mae! mae!"
"oh ryan? bakit?"
"o, pra sau, happy valentines day"
"un... tapos bigla nang tumakbo."
"wenks ganun lang?"
"oo. wala ngang kadating dating eh. tapos ung inabot pa sakin, plain white na maliit na paper bag. wala man alng design medyo mabigat."
"oh anu laman?"
"ayoko na munang buksan, d ko pa feel eh. gs2 ko sana bubuksan ko pag kasama ko na ung mga girl frends ko. so nagkita kita na kame sa tambayan..."
Flashback
"oh mae, anu yang dala mo?"
"bigay ni ryan eh"
"sino? ung mataba? wahhahaha!"
"yabang mo naman! kala mo cya payat! hahhaha!"
"bsta bsta, buksan mo na!"
"nakakawalang gana eh, tingnan mo naman itsura nito. bato ata laman nito eh. ambigat bigat"
"e anung aasahan mo? ang tamad tamad nun eh. siguro pati sa panliligaw sayo e tnamad siya. haha!"
"andito na rin lang eh, buksan ko na noh?"
"oh anu laman?"
"teka, ako nagkukwento dba?! makinig ka na lang"
Flashback
"mae, sigurado kang para sayo to?"
"anak nang... anung klase to?"
"aba malay ko sau, tanong mo dun sa manliligaw mo"
"isang kilong milo na nakabaon sa lagas lagas na sampaguita? dapat ba akong matuwa?"
"layuan mo na yang lalaking yan, may problema sa pag iisip yan"
"isang kilong milo at sampaguita para sa valentines?"
"yeah. wierd no? wierd na nakakainis"
"anu ba naman un, parang nangiinis pa"
"wag mo agad i judge ung gift nya na yon. pag uwi ko kasi kinalikot ko ult ung regalo. nakita ko may naka tape sa likod nung milo. letter pala. don nakalagay kung bakit yan ang napili nyang regalo."
"aba may ganon pala, anu nakasulat?"
"well, ayoko nang sabihin lahat, super mushy kasi eh pero ung una... ginawan niya ng acronym ung milo... M-I-L-O"
"anu naman ibig sbaihin nun"
"Mae I Labyu Olways"
"ang korni ampf... "
"korni nga pero kinilig ako dun. ayiiie~"
"nakalagay ba dun kung bakit milo at sampaguita ung bnigay nya?"
"errm... oo... sabi nya dun..."
*Quote*
Tradisyon na ng mga pinoy na bigyan ng tsokolate at bulaklak ang dilag na kanilang napupusuan. Sa pagkakataong ito ay nais kong ibahin ngunit panatilihin ang nasabing tradisyon. Kaya heto, tanggapin mo sana 'tong aking Milo't Sampaguita. Pero huwag ka sanang agarang mainis. May dahilan pa rin kung bakit yan ang napili ko para sayo.
"aaaaaang korni grabe... anu pa kasunod?"
"eto pa..."
*Quote*
Ang pinili ko bilang tsokolate ay Milo, your olympic energy drink! Pag uminom ka ng milo hindi ba't mapupuno ka ng enerhiya upang gawin ang mga dapat mong gawin? Tulad na lang pag nakikita kita. Sa twing nakikita kita ay napapawi ang lahat ng pagod na nararamdaman ko at nabibigyan pa ako nito ng kakaibang saya. Isa pang dahilan ay: Hindi ba't gawa sa milyon milyong butil ang isang pakete ng Milo. Kung tutuusin nga e hindi ito kayang bilangin ng kahit sino man. Tulad ng pag ibig ko sayo, hindi kayang tapatan ng kahit anung numero. Nag uumapaw ito hanggang sa puntong hindi ko na kayang itago.
"teka seryoso ka ba? baka naman gawa gawa mo lang yan?"
"oo nga. bahala ka kung ayaw mong maniwala."
"sige tuloy mo, ung sa sampaguita naman pano?"
"ung sa sampaguita..."
*Quote*
Hindi ba't madalas inaalay ang sampaguita sa mga santo? At ang mga santo ay nirerespeto at ginagalang. Ganyan din ang turing ko sayo. Nirerespeto ko ang buo mong pagkatao tulad ng pagrespeto ko sa mga santo. Hinbi ba't ang sampaguita ay kahit na malanta ay nananatili pa ring mabango ang amoy? Maihahalintulad ko diyan ang pagibig ko. Kahit anong gawin ay mananatili ako sa iyong tabi. Hindi ako kailan mang malalanta. Kulay puti ang...
"tama na tama na tama na. d ko na kaya."
"yabang mo naman! wag mo namang laitin ang unang love letter na todong nagpa kilig sakin!"
"seryoso ka kinilig ka dyan?"
"oo. naramdaman ko kung gano cya ka seryoso... ata."
"so anong nangyari? naging kayo?"
"well, ineexpect ko na after sana nun e gagawa na siya ng move. i mean diba 1st step is always the hardest. e nalampasan na nya eh. kaso wala"
"anong wala" "wala, same same pa rin ang nangyayari. ganun pa rin ang pakiki tungo nya sakin. kung gumalaw lang sana cya..."
"so dahil sa gnawa nyang yon e na in love ka sa kanya?"
"uhhm... in a way. para bang... tinanim niya ang buto ng pag ibig sa damdamin ko. ang problema, ni minsan e hindi niya diniligan"
"so kung pinagpatuloy nya sana e sasagutin mo siya?"
"bakit hinde? maganda naman ang simula nya eh. sayang tlaga."
"ok ok, so isang factor para magustuhan ako ng babae e papakiligin ko siya sa pamamagitan ng sulat na may mga acronyms na pinilit at gagamitan ko ng malalim (at baduy) na tagalog?"
"hindi naman.. kailangan mo lang mahuli ang kiliti nya. ako kc natuwa ako sa letter eh. akalain mo ba namang paipagkonekonekta nya pa ung sampaguita at milo dba?"
"sabagay..."
"at isa pa, dahil sa ginawa nyang yan e tuwing tatanungin ako kung anu ang pinaka best o pinaka wierd na regalo na natanggap ko ay siya agad ang pmapasok sa isip ko. lagi ko tuloy siyang naalala. hanggang ngayon."
Sabay nanaman kaming nanahimik sa hindi malamang dahilan.
"hmmm... ung crush ko kc... ang name nya e cam..."
"camille?!"
"ah... hindi. carmela. hehe"
"ahm kala ko camille eh"
"may naisip na tuloy ako."
"ano?"
"CUM"
"CUM!? da hek?!"
"uu... Carmela Ur Mine, maganda naman diba?"
"wag naman ganun totoy. d nya magugustuhan un." "sige... so pano, andito na ako samin. tawagan na lang ult kita next time. salamat nga pala sa payo"
"teka teka teka, mmya mo na ibaba. usap pa tayo"
"baket?”
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:55:16 GMT -5
"bakit? may sasabihin ka pa ba?"
"kwento ko pa ung isa kong manliligaw"
"aba, andame mong manliligaw ah, maganda ka ba? hahaha!"
"aba, kung alam mo lang! tingnan mo na lang sa friendster"
Andito na ako ngayon sa tapat ng bahay namin. Pero dahil natuwa ako sa pakikipag kwentuhan dito sa babaeng to ay umupo muna ako sa tapat ng gate.
"sige, kwento mo"
"1st year college un. 18th birthday ko nun. nasa bahay lang ako. medyo pinaghahandaan na namin ung celebration ng debut ko. icecelebrate kasi namin 1 week after. gabi na non, mga alas nwebe. tumawag ung frend kong babae. sabi nya..."
Flashback
"ui mae, labas ka ng bahay"
"ha? bakit?"
"basta lumabas ka lang!"
"hindi na pwede, magagalit si papa."
"silip ka lang. sandali lang"
"anu ba kc un..."
"edi lumabas ka naman ng bahay?"
"ang plano ko nun, silipin lang sa gate, pag wala akong nakita e papasok na ult ako. umuulan kasi nun eh"
"oh anung nangyari?"
"pag baba ko ng kwarto, tinatanong ako ni papa kung san ako ppnta. sabi ko may sisilipin lang. nakikipag inuman si papa nun kay tito eh..."
Flashback
"o anak san ka ppnta, umuulan ah."
"diyan lang po, parang may narinig po kasi ako sa labas eh."
"pag labas ko... ayun.."
"anong ayun"
"may isang lalaki, nakatayo sa labas at may dalang boquet, naka puting polo. medyo nababasa na siya kasi umaambon nung mga oras na yon. una e hindi ko nilapitan, hindi ko kasi nakilala. tapos...
tapos..."
Flashback
"mae! happy birthday!
"jimmy?! jim! anong gnagawa mo dito?!"
"err... happy birthday? tama ba? december 21 ba ngayon?
"oo gagi! tara pasok ka muna! nababasa ka na dyan o!"
"hindi sige, dinaan ko lang yan dyan. aalis na din ako. may aasikasuhin pa ako e."
"dali na pasok na!"
"sino naman yung jim na yon?"
"si jim.. school mate ko din nung highschool. naging close kame nyan nung 1st year kame. lagi kameng tinutukso ng klase. pinag papair up kame. e since komportable naman kame sa isa't isa e sinakyan na lang namin ung joke. lagi nyang pabirong sinasabing mahal nya ako ganun... nagkalayo kame nung 2nd year and 3rd year pero naging close ult kame nung 4th year dahil magkaklase ult kame. minsan hindi ko na malaman kung biro pa ba o seryoso na ung mga sinasabi nya..."
"o bat natigilan ka? tuloy lng and2 pa ako"
"aaminin ko, medyo nadevelop ang feelings ko para sa taong yon. kaso hindi ko maintindihan kasi puro biro lang siya. pero minsan... naisipan kong itanong sa kanya..."
Flashback
"susungkitin ko ang lahat ng bitwin mula sa kalangitan at tatahiin ko sila gamit ang bahag-hari at gagawing kwintas para i alay sa iyo oh irog!"
"woooh, puro ka ganyan, totohanin mo nga?"
"asa ka naman!"
"pero kung humingi ako sayo ng wish, ibibigay mo ba?"
"bat naman hindi, basta a kaya ng powers ko eh"
"hawakan mo nga ang kamay ko at sabihin mong 'mae, mahal kita', un lang"
"aba, ikaw pa talaga nag insist ah, oh ano nangyari?"
"laking gulat ko, biglang tumigil yung kaka hagikgik nya, inabot nya ung kamay ko. alam kong sasabihin na nya. alam ko. nararamdaman ko. kaso..."
Flashback
"mae..."
"anu..."
...
"WAG MO KONG TINGNAN NG GANYAN! AMPANGIT MO! BWAHHAHAHHAHAHHAHA!"
"OH!? wahhahahaha!"
"tingnan mo tong taong to. hindi kaya nakakatuwa un.."
"sori na. nakakatawa tlaga eh. hahahha!"
"grabe ang pahiya ko nun sa sarili ko. parang... eto na ako, babae na ang nag bubuhos ng loob nya sayo, tapos pagtatawanan ka lang ng parang ganun. grabe tlaga. umiyak pa ako sa banyo nun eh."
"bat ka naman umiyak?"
"hindi ko din alam eh, hindi ko alam kung ung dahilan ba e dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko o dahil sobrang napahiya ako. siguro pareho."
"oh ano nangyari pagkatapos nun?"
"ayun, normal na ulit. kaso nga lang tumigil na ang kanchawan. nagkahiyaan na kame. para bang hinintay na lang naming parehong matapos ang school year. tapos college, college magkaiba kame ng skul, pero wala nang communication"
"pagkatapos nyong grumaduate ng highschool e nawalan kayo ng communication? tapos heto siya bigla pumupunta sa bahay nyo?"
"parang ganun na nga..."
"sige, tuloy mo ung kwento."
"edi un na nga... pinapasok ko siya ng bahay kasi basa na siya ng ulan.."
Flashback
"pa, si jim po, kaklase ko"
"ah kaklase mo. jim?"
"opo, magandang gabi po"
"ahh jim? bakit naman bulaklak ang naisipan mong ibigay sa anak ko sa birthday nya? pwede namang cake, damit, o kahit ano pang bagay bukod sa bulaklak"
"ahh. ehh wala naman ho."
"ahh ganun ba? kasi ako nung nanliligaw ako sa nanay nitong si mae e bulaklak ang binibigay ko. tanong ko lang, nanliligaw ka na ba?"
"nako, nakakatakot naman tatay mo"
"hindi, nantitrip lang yon. malakas kasi trip nun eh! lahat ng lalaking pumupunta sa bahay ginaganun nya"
"haha, o cge, tapos?"
Flashback
"ha? eh. anu po?"
"tinatanong kita kung NANLILIGAW ka na ba sa anak ko?"
"ah uhhm... ano.. hindi PA po eh."
"so pumunta ka lang dito para dalin lang yang bulaklak na yan sa anak ko para sa birthday nya?"
"ganun na nga ho.."
"sus anak!" mahina naman tong lalaking to, bukas na bukas din, lalakad tayo at ibibili kita ng madameng madameng bulaklak!"
"hindi, ano.. ang totoo po nyan e may isa pa po akong pakay kung bat ako pumunta dito."
"at ano naman yon?"
"kasi ho, talagang naakit ako ng anak niyo. sino ba naman ho ang hindi mahuhulog sa mga katangiang taglay ng anak nyo? ngayon ho... nais ko sanang ipag paalam sa inyo kung pwede ko ho bang suyuin ang anak nyo?"
"yan ang gusto ko iho! apir tayo dyan!"
"ha? so pumapayag po kayo?"
"wala akong sagutin dyan? dyan mo itanong kay mae, basta ako, kampante na ako basta alam ko kung sino ang kasama ng anak ko, o pumasok muna kayo sa loob. pakainin mo siya anak.
"mukang gusto ng tatay mo ung lalaki ah"
"ganun naman lagi yon eh. sabi niya kasi samin e gusto nya rin daw iparanas sa mga manliligaw sa mga anak niya ang mga naranasan nyo noon nung nililigawan pa niya si mama"
"ahh ganun. sige, tuloy mo na"
"edi pumasok kame ng bahay, umupo lang kame sandali sa sopa. sinubukan kong kausapin pero parang nanigas siya dahil sa presensya ng tatay ko. hahaha!"
"natatakot?"
"parang ganun na nga. edi yon, tinanong ko kung may payong siya, wala daw. kaya pinaheram ko siya. nung pareho na kameng dalawang walang masabi e nag aya na siyang umuwi. sabi ko kay papa e ihahatid ko lang siya sa sakayan ng jeep..."
Flashback
"sensya na hindi ako makapagsalita kanina sa loob, nakakatakot tatay mo eh"
" "
"natatandaan mo pa ba ung ginawa mo sakin nung highschool?"
"ah yung anu ba..."
"kung natatandaan mo pa yon e ang kapal ng mukha mo para puntahan pa ako dito!"
"ha... eh kc..."
"patapusin mo muna ako! alam mo ba kung gano kasakit yon? i mean heto na ako, babae, nagbubuhos na ng nararamdaman ko sayo non tapos pagtatawanan mo lang ako?! tapos ngayon babalik ka na parang wala lang nangyare!?"
"grabe yon, umiiyak na ako nun"
"bat ka naman umiiyak?"
"siguro nandun pa din ung galit at hiya ko. o baka siguro gusto ko pa din siya nun"
Flashback
"mae, pasensya na. hindi ko lang alam kung pano magrereact sa ginawa mo non. hindi ko rin alam kung ikaw naman ang nag bibiro o hindi eh"
"baket? kailan ba ako nag biro ng ganon sayo?" "mae, nandito din ako para humingi ng isa pang pagkakataon. nagkamali ako non. mapapatawad mo pa ba ako?"
"jim, hanggang ngayon dala ko pa din yung sakit ng kahihiyan na dinulot mo sakin non, tingin mo ganun kadali lang kitang mapapatawad?"
"ganun ka ba talaga nasaktan non?"
"isipin mo na lang ganto... nasugatan ako, malalim na sugat, ngayon may dalawang paraan lang para gumaling ang sugat, gagamutin mo o babayaan mong oras ang magpahilom dito. nung sinugatan niya ako, tiniis ko ang sakit. wala akong mapagbalingan ng atensyon, wala akong gamot. kaya ang tanging paraan nalang para gumaling ang sugat ko ay bayaang oras ang magpahilom dito, sa madaling salita e ibabaon ko na sa limot... kaso sa ginawa nyang pag balik nung birthday ko e para bang pilit niyang kinutkot ang sugat kong nagsisimula nang mag hilom. kinutkot niya hanggang tumulo ang dugo. masakit."
"mm.. masakit nga. so, ano ngayon ang nangyari?"
Flashback
"hindi ko alam kung sa papaanong paraan mo ako mapapatawad, pero nandito na ako. ako naman ang nagbubuhos ng nararamdaman ko para sayo at umaasa akong tatanggapin mo to"
"ANG SELFISH MO! nung ako ang gumawa nyan e binigay mo ba sakin ang sagot na gusto ko? hindi naman diba? ngayon gusto mong ibigay ko sayo ang gusto mo samantalang noon ay hindi mo lang ipinagdamot sakin yon, pinagtawanan mo pa ako!"
"hindi naman ganon pero..."
"jim, gusto kita. hanggang ngayon. yung mga biruang ginawa natin noon nung highschool? inaalagaan ko yon. isa yon sa mga napakasasayang alaala ko. pero pag naiisip ko ang ginawa mo sakin, naiiyak na lang akong bigla. alam mo ba kung bat hindi kita kayang bigyan ng second chance?"
"bakit?"
"kasi kung nagawa mo kong lokohin non, pwede mo ring akong lokohin ngayon"
"matured na ako ngayon, hinding hindi kong gagawin sayo ko"
"ANONG MATURED?! isang taon pa lang ang nakalipas mula nung gawin mo sakin yon, ang kapal mo naman para masabi mong matured ka na matapos mo lang makatapak sa college"
"mae..."
"jon, hindi ko tinatanggap ang sorry mo, hindi kita bibigyan ng second chance, umalis ka na lang dahil kung ako mahal mo e mas gugustuhin mong maligaya ako at ang paraan lang para lumigaya ako e yung hindi na kita makita at maalala habang buhay. gusto kitang burahin sa alaala ko."
"ang harsh mo naman. sobrang sakit non para sa lalaki"
Hindi na sumagot si Mae, imbis na boses ang marinig ko ay maiikling hikbi na nagpapahiwatig na umiiyak na siya.
"mae, ok ka lang?"
"ok lang ako *sniff*, ikaw kasi eh. dahil sa pagkwento ko sau nun naalala ko nanaman, parang kinalkal mo din ang sugat ko. hehehe... pero ok lang ako. matagal na yon."
"sorry na, e ikaw naman ang may gustong mag kwento eh"
" *sniff* so kasalanan ko pa ngayon? hahaha!"
Biglang naramdaman kong bumukas ang gate sa likuran ko.
"Jon? Anong ginagawa mo dyan?"
ANO TO JOKE?!!!!
"Happy birthday Tito Jon!"
"Aaaba... Nakakatuwa naman. Kumpleto pa kayo at pinuntahan nyo pa ako dito sa bahay ko"
"Hipan mo na ung mga kandila tito, then make a wish"
"Bakit ganyan naman yang cake ko, tadtad ng kandila. Hahahha!"
"e baket 'to, ilang taon ka na ba? 40 ka na dba? ayan, bilangin mo pa"
"hahaha! Sabagay. sige sige... *blows* "
O, wag kayong magulat. Ako pa rin to, si Jonard "El Guapoh" Madlangtuta. At oo, 40 years old na ako. Wala lang, naisipan ko lang i fastforward ang buhay ko.
Kasalukuyan na kameng kumakain ngayon. Nakakatuwa, talagang pinaghandaan talaga ng mga kapatid at pamangkin ko ang selebrasyon ng birthday ko kahit nais kong magtago sa araw na to. Nilapitan ako ng pamangkin kong pinaka dikit sakin, si Carlo, anak ni ate. Parang barkada ang turing ko sa kanya.
"To, matanong nga kita..."
"Sige, anu yon?"
"Bat wala ka pa ring asawa hanggang ngayon?"
"Aba, loko ka ah! Gusto mong bigwasan kita dyan! Hahahah"
"Nagtataka lang kasi ako, ang galing galing mong mag bigay ng tip sa panliligaw, kaya inisip ko e matinik ka sa chix nun. Pero bat wala?
"Ang doktor ba e kayang operahan ang sarili niya sa puso? Hindi diba? Hindi kayang gamutin ng doktor ang sarili niya, kaya mag hahanap siya ng ibang doktor para gumamot nito. TUlad din ng mga barbero, hindi nila kayang gupitan ang sarili nila."
"Ha? Di ko ma gets 'to"
"May mga taong magaling lang mag bigay ng payo pero hindi nila kayang i apply sa sarili nila, siguro isa na ako sa mga yon. Puro pag iisip at puro pag kakalap lang ng impormasyon tapos wala na. Puro teorya lang ang hawak ko. Teoryang gusto kong ipagawa sa iba kasi ako mismo hindi ko kayang gawin."
"Aling mga teorya? Yun bang mga style mo? Yung mga pasampaguita-milo effect na tinuro mo sakin?"
"Oo ung mga ganun nga."
"Gumana naman sakin ah, kaya ko nga napasagot si Kristine dahil dun eh. Hahaha!"
"Epektib nga. Hahaha!"
"Di mo ba tinry sa mga niligawan mo dati?"
"Wala akong niligawan."
"Wala? E sino ung mga kinukwento mo sakin dati, ung magkapatid?"
"Wala mga babae lang sila. Mga babaeng dumaan lang sa buhay ko. Napakarame na nga nila eh"
"E bat di mo sinubukan 'to?"
"Alam mo, kahit anu pang sabihin natin at anu pang gawin natin e wala nang makapagbabago pa dun"
"Hindi to, gusto ko lang marinig. Kwentuhan mo lang ako ulit."
"Andame dame kong nagustuhang babae, hindi lang ung magkapatid na yon, ang kaso lang e mahina tlaga ako sa chix"
"O..."
"Plano ng plano, isip ng isip. Puro pa haging pero hanggang dun lang."
"bat naman ganun 'to?"
"Alam mo ung pakiramdam mo nung una kang nagka crush? Yung tipong nahihiya ka dun sa babae?"
"Oh, ung parang puppy love?"
"Oo ung ganun. Sabihin na lang natin na... hindi ako umusad sa stage na yon. Dumating ang high school, college, hanggang magkatrabaho ako, di na ako naalis dun. Hanggang nawalan na lang ako ng interes dahil matanda na ako."
"Pero bakit nga 'to, kala ko pa naman e sayo ko namana tong ka-Guapoh-han ko. Kaya ka nga namin tinawag na El Guapoh kasi kala namin amtinik ka sa chix"
"Eh wala eh, ganun tlaga."
"Kwento mo naman, in full detail please?"
"Tang'na ka kokonyatan kita pag to kinwento mo kahit knino"
"Pramis 'to, sating dalawa lang"
"Ang babae e nag hihintay lang na may manligaw sa knila, ngayon pag nakalatag na sa harap niya ung mga sumusuyo sa knya eh dapat pumili siya ng isa. Ano ano ba ang katangian ng "boyfriend material" na lalaki? Pogi, macho, mayaman. Basta ung Alpha Male type."
"Hindi naman 'to, dame kong nakikitang magagandang babae tapos mukhang kalyo ung syota"
"Oo oo oo, ilang milyong beses ko nang narinig yan. Kesyo hindi daw importante ang looks, kesyo hindi daw importante ang pera. Hindi totoo yan. Importante lahat yan. Oo siguro pag nandun na kayo sa "love" na stage e hindi na importante yon, pero pano ung mga stages before love?"
"Huh? Di ko ma gets pero cge tuloy mo lang 'to"
"Bago maging kayo nung babae e dba dapat ligawan mo muna? Pano magiging kame kung bago pa lang ako manligaw e bagsak na ako? Para kasi payagan akong manligaw nung babae e dapat may konting bagay na positive muna sakin para atleast meron siyang pundasyon na dahilan para magpaligaw siya sa isang lalaki. Napaka paling factor dito ang kung ano ka sa labas. Magsisimula kasi yan sa infatuation. Pano magpapaligaw sau ung babae kung wala siyang nakikitang positive sa panlabas mo, mukha kang nerd, wala kang pam porma, wala kang kotse. Yung mga ganun."
"So sinasabi mo na sa mga nakaraang karanasan mo e pakiramdam mo na hindi ka ganun ka "pogi" para dun sa babaeng gusto mo?"
"oo, parang ganun na nga"
"pero who knows? malay mo naman diba?"
"Tang'na, ilang milyong beses ko nang narinig yang mga "who knows?" "what if?" na yan. Nakakasawa na"
"Pero diba, may chance ka pa rin. Kasi hindi mo naman nalaman kung gusto ka ba talaga nung babae, o may chansang magustuhan ka nung babae"
"Alam mo Carlo, hindi ganun ka simple un eh. Napakaraming bagay na humihila sakin. Maraming bagay na nagtutulak sakin para subukan pero mas maraming bagay na pumipigil sakin."
"Tulad ng ano?"
"Pinaka mahirap kalaban ang sarili. Wala kang laban don. Yung tipong ikaw mismo ang nag uudyok at pumipigil sa sarili mo. Walang sinong makakatulong sayo pag nangyari yon."
"Pero hindi nyo ba naisip kung ano ang sakaling mangyari kung naging matapang ka lang?"
"Pag iniisip ko yan e naiinis lang ako. Parang gusto kong ngatngatin ung pulso ko para mamatay na. Hahahah!"
"Sayang naman 'to"
"Isa pa sa mga iniisip ko nun eh, kaya ko bang ibigay ang sarili ko sa kanya. I mean... madame kasi akong pinagkakaabalahan na mga walang kwentang bagay non, hindi ko alam kung kaya ko bang bitawan yon para sa magiging 'chix' ko."
"hmmm..."
"Swerte nga kayo eh. Ikaw bata pa lang e marunong nang mag gitara. Kumbaga e angat ka sa ibang kaedaran mo. Ikaw kayang tumugtog, sila hinde. Nakakatanggap ka ng madameng papuri dahil don. Maganda yon dahil dyan mabubuild up ang self confidence mo. Makikita mo na may bagay na mas angat ka kumpara sa iba. Hindi yong tulad ng iba na habanbuhay na lang naglalaway sa mga kayang gawin ng mga tao sa paligid niya. Pag ganun kasi, lalaki ka sa paniniwala na lahat ng tao ay mas magaling sayo sa lahat ng bagay. Mahirap lunukin yung ganon lalo na kung totoo."
"Bat nyo naman na bring up yang pag gigitara ko?"
"Alam mo sa sarili mong magaling ka, dun nabubuo ung tiwala sa sarili. Isa yan sa mga gasolina mo sa panchichix. Nyahahhah! Makokondisyon kasi ang isip mo na 'Magaling ako, magaling ako'. Hindi tulad ko non, mas mababa pa ako sa normal na estudyante pag dating sa mga ganyang bagay. Hindi ko pinapansin kung san ako magaling. Nainggit ako sa mga musikero, sa mga varvity, sa mga artist sa school at sa paligid ko kaya hindi ko na napagtuunan ng pansin ang magay kung saan mas angat ako sa iba"
"Ang gara mo kasi 'to eh"
"Tang'na, parang ako na pinangangaralan mo ah. Baka nakakalimutan mo, Kinse ka pa lang. Kwarenta na ako, ako mas nakakatanda. Bat parang ako pa pinangangaralan mo ha! Umpog kita dyan sa pader eh."
"Jok lan tito, jok lang. Nyahahha!"
"Ah basta, nandito na ako eh. Wala na akong magagawa. Magiging miserable lang ako pag nanatili ako sa nakaraan. Sige na, mag videoke muna kayo dun, yoyosi lang ako."
"Sige 'to, salamat po ulit sa kwento"
"Tang'nang bata to, naalala ko tuloy. Shiet."
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:55:56 GMT -5
"Ayokong pumasok."
Yan ang una kong naisip pag dilat ng mata ko kinabukasan. Boring. Pero ngayon lang ako nakadama ng ganito. Hindi naman ako tinatamad sa pag pasok mula noon. Kung tutuusin nga ay dapat ganahan akong pumasok dahil nandiyan si Camille. Pero hindi ko alam kung ba't ako tinatamad.
Noon pag gising ko, ang laging unang pumapasok sa isip ko ay "Yes! Makikita ko nanaman si Camille! Ano kaya ang kulay ng ipit niya ngayon?" Pero sa pagkakataong to ay parang wala nang kasabik sabik. Wala nang kaabang abang. Bakit?
Wala akong nagawa. Pumasok na ako.
"Jon. Pwede sabay tayong mag recess at lunch mamaya? Please?!"
Aba, ang "Macho" ko naman. Akalain mong isa pa sa pinakamagandang babae sa batch namin ang nag aya sakin na sabay daw kameng kumain? Ano na lang ang iisipin ng mga taong umaapi sakin dati? Nerd daw ako? Geek daw ako? LOSER daw ako? Tang'na nilang lahat. Mamatay kayo sa inggit ngayon. Pero bukod dun, hindi ba't dapat lang na mas maligaya ako dahil ang babaeng matagal ko nang ginusto ng palihim ay siya nang lumalapit sakin at nagpapakita ng apeksyon?
Pero hindi.
Sa hindi ko malaman na kadahilanan...
Hindi ako masaya.
Para bang sa isang iglap ay nawala ang nararamdaman ko sa kanya. Oo gusto kong madalas kameng magkasama. Masarap ung pinagtitinginan ka ng tao at bakas sa mukha nila ang inggit sayo. Masarap din yung tatanungin ka ng mga kapwa mo lalaki na dati ay nilalapitan ka lang pag magpapaturo sa mga bagay na may kinalaman sa cosines at tangents, ngayon ay nagpapaturo nang manligaw. Pakiramdam ko ang galing galing ko na sa isang bagay na hindi ko naman inaral at pinagbuhusan ng pagod. Mas masarap ang "parangal" na natatanggap ko sa gantong paraan kaysa sa parangal na naibibigay ng mga medalyang sumisimbulo ng pagka lulong ko sa pagaaral.
Pero hindi ako masaya.
...
Kakaiba itong babaeng ito sa babaeng nakilala ko noon. Ang tahimik naging maharot at masayahin. Ang dating mahinhin, ngayon ay madaldal. Ang dating madilim niyang pagkatao ay napalitan ng nagsisilakbong kulay na sumasabog sa iba't ibang direksyon.
Ngayon hindi ko na alam kung anu ang nararamdaman ko. May mga bagay na nagpipilit sakin na lumapit pa sa kanya pero may mga bagay din na nagtutulak sakin na lumayo sa kanya. Hindi puro ang intensyon ko. Hindi to tama. Hindi to maganda. At nasisigurado kong hindi maganda ang kalalabasan nito pag hindi ko ginawan ng paraan.
Naramdaman ko na dati ito... Bata pa lang ako. Nakakita ako ng laruan sa patalastas. Ipinakita doon na kaya nitong magsalita, tumakbo, lumipad, magpalit anyo, humukay ng lupa, sumisid sa ilalim ng dagat at higit sa lahat... Ipagtanggol ang mundo mula sa lahat ng kasamaan. Naisip ko... "Pag meron na ako nitong laruan na ito, hindi na nila ako aawayin dahil ipagtatanggol ako nito."
Hindi ang tagal nakuha ko ang laruan. Pero bakit ganto? Hindi siya sinlaki ng pinapakita sa telebisyon. Hindi siya nakakalipad, hindi siya nakakapag hukay ng lupa, hindi siya nakakapag palit anyo, hindi siya nakakasisid dahil sinubukan kong ilaglag sa pool. Nahiga lang ito sa ilim. Hindi rin nito kayang ipag tanggol ang mundo sa lahat ng kasamaan. Pero... may isang bagay na totoo dito sa laruan na ito. Naipagtanggol ako nito sa mga kalaro kong umaaway sakin. Bakit? Ako lang ang may cool na laruan non, dapat kaibiganin nila ako para mapaheram ko sila. Nakuha ko ang isa sa mga ninanais kong epekto ng pagkakaroon ng laruan na yon pero hindi sa paraang inaasahan ko.
...
"Oh jon, san tau mag lunch?"
"Ikaw, san mo gusto?"
"Dun tayo sa may puno ng Chesa may lamesa sa banda dun diba?"
"O sige sige, bile muna tau sa canteen" "Wag na, pinagbaon ko tayong dalawa"
"Ha?"
"Nagbaon ako para satin. Ako pa mismo nag luto nyan ha!"
"Naks naman. Marunong ka palang mag luto"
"Siyempre naman no! Tara na!"
Habang kumakain... Kwento siya ng kwento. Sumasagot na lang ako paminsan minsan para hindi naman niya mapansin na masyado na akong nauumay sa pagsasalita niya. Ganto ba talaga? Pwede bang tumahimik muna tayong dalawa habang kumakain? Dahil sa patuloy niyang pagkukwento ay marami akong bagay na nalaman sa kanya na hindi ko akalaing ganun pala.
Nalaman kong mahilig siya sa maanghang. Nalaman kong mahilig siya sa PBB. Nalaman kong mahilig siya sa horror. Nalaman kong mahilig siya sa Naruto. Nalaman kong hanggang ngayon ay naglalaro pa rin siya ng barbie. Nalaman kong crush niya si Harry Potter. Nalaman kong matakaw pala siya. Nalaman kong fan siya ng Backstreet Boys hanggang ngayon. Pero higit sa lahat...
Nalaman kong marami pa pala akong bagay na hindi alam sa kanya.
Sino ba talaga siya?
Mukhang may mali. Pero hindi ko alam kung ano at hindi ko rin alam kung pano malalaman...
Uwian...
"Jon? Gusto mo punta ka samin, dun natin gawin ung assignment sa Chem?"
"Wala naman tayong assignment sa Chem ah."
"Ay! Sa Geom pala. Pwede? Nalilito kasi ako eh.."
Alam kong hindi assignment ang pakay nito. Mas magaling pa sakin sa lahat ng subject to eh. Magiging sagabal lang ako pag sinamahan ko pa to. Ayoko ding pumunta sa kanila... Base sa kwento ng "ate" niya, hindi ito bukas sa mga bisitang lalaki. At sigurado ako... kukwentuhan nanaman ako nito ng mga bagay na walaaaaaaaaaaang kinalaman sa dapat talaga naming ginagawa. Pag nakita nitong bored ako e baka mainis lang sakin to. Mas mabuting tumanggi na lang muna ako.
"Sorry... Pwedeng next time na lang? Masama kasi pakiramdam ko eh. Kaya di rin ako masyadong nagsasalita kanina. Nextime babawi ako. Promise."
"Ah... ganun ba. O sige, samahan na lang kita sa sakayan ng jeep. Baka kung mapano ka pa."
Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at sabay kameng bumaba sa hagdan papalabas ng school.
Nandito na kame sa sakayan ng jeep. Nakahawak pa sin siya sa kamay ko at talagang ayaw nilang bitawan.
"Oh, heto na jeep, sakay na ako ah."
"Sige jon, pagaling ka ha. Pag may nangyari sayo e malulungkot ako. Hahaha!"
"Naks naman.."
"Sige, bye"
Nag paalam na siya pero ayaw niya pa ring bitawan ang kamay ko. Lalo itong humigpit. Ilang sandali lang ay...
*kiss*
Humalik siya sa kaliwang pisngi ko sabay takbo papalayo sa direksyon ko.
"May kilig pa rin pala. Kala ko wala na"
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:56:37 GMT -5
"Tito Jon bat wala ka pa ring asawa?"
"Nak ng tupa naman, ayan nanaman yang tanong na yan Carlo"
"Hindi ka ba nalulungkot sa buhay mo tito?"
"Alam mo... tinanong ko na sa dyos yan eh. Sa kabila ng pagiging mabait at matulungin kong tao e hindi ako nabiyayaan ng isang taong magaalaga sakin hanggang sa katandaan."
"O, anu sabi ng diyos?"
"Literally, wala. Pero habang tinatanong ko sa kanya yon e may mga bagay na bigla na lang pumasok sa isip ko."
"Anu yon 'to?"
"Parang ganto eh... 1. Malusog ba ako? - Oo 2. Mahal ba ako ng mga kapamilya ko? - Oo 3. May sariling bahay ba ako? - Oo 4. Nabibili ko ba lahat ng gusto ko? - Oo 5. Nakakain ko ba lahat ng gusto ko? - Oo 6. Napupuntahan ko ba lahat ng gusto ko? - Oo 7. Marami ba akong kaibigan? - Oo 8. Tanggap ba ako ng lipunan? Oo 9. Mabuting mamamayan ba ako? - Oo 10. May mabuting asawa't anak ba ako? - Wala
Sa sampung bagay na tinanong ko sa sarili ko eh isa lang ang hindi maganda. Dapat pa ba akong umangal?"
"Pero tito..."
"Ano nanaman?"
"Kakain na.."
"Ha?"
"Kakain na...."
"Seeeeer! Kakaen na pow tayu!!"
Isa sa mga misteryo ng buhay ko kung bakit ba laging si aling lucy ang sumisira ng mga panaginip ko.
"Sige sige bababa na ako"
Pag baba ko ng kwarto, lahat sila'y nakapalibot na sa hapag kainan. Tila pa ako na lang ang hinihintay. Nagdasal at kumain na kame. Habang kumakain kame, pinilit kong alalahanin ang panaginip ko. Ano yun? Tumanda akong binata? At sino si Carlo?
"Ma, Pa, Ate, may kilala kayong carlo?"
"Si Doc Carlo, yung doktor sa mata ng papa mo." Sabi ni mama
"Carlo wala, pero Carlos meron" Sabi ni ate.
"Sinong Carlos un?"
"Bestfriend ko. Si kuya Caloy mo. Natuwa lang ako kasi kagabi lang nasabi niya na gusto niyang pangalan ng anak niya e Carlo."
"Ahh.. sige sige" At nagpatuloy kame sa pagkain.
Ano ngayon ang koneksyon? Wala siguro. Panaginip lang naman un eh. Dreams are random nga daw diba? Pero kinabahan ako. Ang panaginip ko na yon, kala ko talagang totoo. Dama ko doon na numinipis na ang buhok ko, dama kong lumaki ang tyan ko at dama ko din na tumangkad na ako. Para talagang totoo. At yung Carlo na yon, pakiramdam ko talagang kilala ko siya.
Hindi pwedeng mangyari ang nangyari sa panaginip ko. Hindi ako tatandang binata.
CUM
"Camille, Ur Mine."
Pagkatapos naming kumain, naligo at nag bihis na agad ako.
"Oh nak, san lakad natin?"
Flashback..
"Jon..."
"Bakit Camille?"
"May gagawin ka ba sa sunday?"
"Wala naman masyado, bakit?"
"Kasi anu... uhhm... ask ko lang sana kung pwede mo kong... kung pwede ba taong mag simba together?"
"Simba...? uhhm.."
"Hindi, kung ayaw mo ok lang sakin.."
"Gusto ko syempre, sige, magkita na lang tayo sa simbahan sa linggo. 2nd morning mass tayo ha"
"Sige ha... aasahan ko yan"
"Ahhm... Magsisimba lang po pa.."
"Oh, diba tuwing gabi tayo nag sisimba. Sabay sabay kasama mga mama mo at ate mo?"
"Sasama din po ako mamaya.."
"Bakit? Siguro... Ah... Sige sige. Alam ko na. Go anak! Yan ang gusto ko sayo!"
"Hehehe... Sige po pa.."
Ang galing ni papa. Alam na alam na agad. Basang basa na niya ang galaw ko. Siguro nga dapat simulan ko nang mag kwento sa kanya.
Sa tabi ng tindera ng sampaguita, nakaupo si Camille na tila bang naiinip na sa kakahintay sakin.
"Sensya na, knina ka pa ba dyan?"
"Hindi naman.. kakadating ko lang din. Tara pasok na tayo baka maubusan tayo ng upuan."
Sabay kameng pumasok sa loob ng bimbahan. Humawak siya sa kaliwang braso ko habang kami'y naglalakad. Marami-rami kaming nakitang batchmates at classmates namin na tila hindi makapaniwala sa nakikita nila. Pakiramdam ko naman napaka "Macho" ko. Minsan masarap din pala yung ganun...
Nakaupo na kame sa ikatlong hilera mula sa altar. Magkatabi kame pero walang nagsasalita samin. Si Camille ay paikot ikot ang ulo, kala mo batang hinahanap ang kanyang ina, ako naman ay nakayuko at nagtatanong sa panginoon.
"Diyos ko, tama ba tong ginagawa ko?" "Diyos ko, makatarungan ba tong naging desisyon ko?
"Magsitayo po tayong lahat..." Ang sabi ng isang boses na nagaling sa mga malalaking speaker sa tabi ng haligi ng simbahan. Nagsimula na ang misa.
Buong misa, pilit ko lang kinakausap ang sarili ko. Pilit kong hinahanapan ng sagot at kadahilanan ang mga bagay na pinagagagawa ko ngayon. "Lord, mahal ko ba talaga siya?" "Lord, tulungan mo kong alamin sa sarili ko." "Lord, ayokong makasakit ng tao." "Lord, sana taasan ang baon ko."
"Tayo po'y mag hawak ng kamay at dasalin natin ang dasal na itinuro ng diyos saatin."
Panahon na para kumanta ng Ama Namin. Kailangan hawakan mo ang kamay ng katabi mo habang ikinakanta ang dasal na may tinig.
Ang totoo ay nagaalinlangan akong abutin ang kamay ni Camille. Hinihintay ko na lang na abutin niya ang kamay ko. Pero hindi. Hindi gumagalaw ang kamay ni Camille. Magkadikit lang ang aming kamao pero hindi kame amgkahawak ng kamay. Nagsimula na ang kanta. Wala na. Hinawakan ko na ang kamay niya at iniangat ko. Napansin kong ngumiti siya bigla.
"Jon..."
"Bakit?"
"Pwede after mass wag muna taung umalis? May gagawin lang ako."
"Sige sige."
Hindi ko gaanong binigyang pansin ang sinabi niyang un dahil ang naisip ko ay baka mag aalay lang siya ng personal niyang dasal.
Matapos ang misa, umupo muna kame sa labas at hinintay maubos ang tao sa loob.
"Tara jon, punta tau sa altar."
Marahan kameng lumakad sa altar. Sa gitna pa mimo ng simbahan, animo'y bagong kasal. Yun nga lang, walang tao, walang kampana, walang pari, walang palamuti at walang selebrasyon pero... pero...
"Jon may sasabihin sana ako sayo, gusto ko lang may makakita eh."
"Makakita? Sino ang makakakita e tayo na lang ang tao. Mamaya pa ang susunod na misa."
"Siya oh.."
Tinuto niya ang krus na nasa altar mismo. Ang tinutuko'y niyang manonood ay si Hesus.
"Jon... naisip ko kasi na... Hindi ko kayang mag sinungaling sa diyos at wala ring silbing mag sinungaling sa diyos dahil alam niya ang lahat. Gusto ko lang gawin to para malaman mo, at malaman na rin niya ang totoo."
Teka teka teka... Hindi na tama to ah. Ano to kasal-kasalan?
"Uhhm... Sige game na baka may dumating pang iba.."
Lumapit pa siya ng ilang hakbang papalapit sa krus at hinila niya din ako. Nakatungo siya sa sahig na tila ang iisip ng malalim. Matapos ang isang malaking bugtong hininga ay nagsimula nanaman siyang magsalita.
"Jon...
Mahal kita"
Sa totoo lang alam ko na na eto ang sasabihin niya. Hindi ko lang binigyang pansin ang iniisip ko na iyon dahil hindi ko inisip na makakatanggap ako ng ganung kabibigat na salita sa gantong pagkakataon. Hinawakan niya ang kamay ko na animo'y kakanta ulit ng Ama Namin.
"Jon, ginawa ko to dahil totoo tong nararamdaman ko. Parusahan na sana ako ngayon din kung nagsisinungaling ako."
nagsimula nang tumulo ang luha mula sa gilid ng mga mata niya. Malumanay na pag iyak lang. Luha lang at wala pang hikbi.
Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay niya habang ang iisip ako ng kung ano ang gagawin. Inilabas ko ang panyo ko ay ipinunas ko sa luha niya...
"Oh... tama na. Wag ka nang umiyak."
Nakaupo na kame sa gilid ng altar. Nakasandal siya sa balikat ko at nakaakbay naman ako sa kanya. Dito nagsimula na akong makarinig ng maliliit na hikbi. Inigihan ko pa ang pag punas sa luha niya.
Teka... Hindi ba dapat magsalita din ako? Inaasahan din ba niya ang mga katagang 'Camille mahal kita?' Tumayo siyang muli. Tumayo din ako. Naka balik na kame sa kanina naming posisyon.
"Jon..."
Sa oras na iyon gusto kong patigilin ang oras. Hindi ko gustong sabihin ang 'Camille mahal kita' sa tapat ni Hesus. Ayokong mag sinungaling. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pa. Masyado akong namamadali. Hindi ko inisip na ang Camille na nakilala ko bilang isang Maria Clara ay masyadong mabilis sa mga gantong bagay. Nabuhay ako sa paniniwalang lalaki dapat ang unang nag bubukas ng mga ganyang paksa. Lalaki dapat ang nagdadala. Pero bat ganto? Bakit ako ang nadadala? Bakit ako ang naiipit? Dyos ko, ayokong mag sinungaling. Gusto ko siya pero hindi ko sigurado kung mahal ko siya. Ayokong makasakit ng tao. Alam kong yon ang gusto niyang marinig sakin at hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang nararamdaman ko.
Ano ba ang dapat kong sabihin?
'Camille mahal din kita' - Tulad nga ng sinabi ko knina, ayokong maging madali sa mga nararamdaman ko. 'Camille hindi kita mahal' - E kung sakin gawin to? Malamang nagpakamatay na ako. Hindi pwede... 'Camille, uwi na tayo' - Pwede kaso... Gumawa lang ako ng rason para tumakas sa sitwasing ikinaipitan ko. 'Camille, Alien oh!' - Hindi ako pwedeng mag biro sa mga gantong pagkakataon..
Wala... Walang ibang paraan. Hindi ko pwedeng sabihin ko sa kanya na 'Camille mahal din kita' dahil pag ginawa ko yon ay tatlong tao agad ang niloko ko. Siya, ang diyos at ang sarili ko. Hindi ko naman pwedeng ireject na lang basta basta ang bubuhos ng damdamin ng isang dalagita sakin. Magsinungaling o direktang manakit? Ano ang mas matimbang?
Isinasamo ko ang lahat ng santong maaaring tumulong sakin sa mga oras na iyon. Kailangan ko ang gabay ng espiritu santo, talino ni Haring Solomon at ang lakas ng loob ng mga desipulo. Kailangan lang makatakas kami dito. Kailangan may isang bagay na amg tulak samin para makaalis kame sa kinatatayuan namin na kasalukuyan kaming nakatali at naninigas.
Kailangan ko ng himala.
Ilang segundo pa ang hinihintay ko... Mukhang hindi nila pinapakinggan ang kahilingan ko. Parang pinipilit pa akong maging masama.
Manloko o makasakit?
Sige na. Sasabihin ko na lang na 'Camille mahal din kita' malay ba natin na tuluyang mabuo ang nararamdaman ko sa kanya. Baka masyado lang talaga akong nabibigla sa mga pangyayari. Masyado lang mabilis ang pagdedesisyon ko. Masyado lang akong naiipit.
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, pinilit kong utuin at lokohin ang sarili ko para gawin ang isang bagay na tingin ko ay hindi tama. Pero sige, iisasaalangalang ko ang sarili kong kalinisan para lang hindi ko mapaiyak ang dilag na ilang taon ding nagtulak sakin para pumasok ng eskwelahan.
"Camille..."
"Jon...?"
"Ma..."
………
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:56:55 GMT -5
"Tatlong beses mo lang pwedeng paiyakin ang babae..."
Itay, isang beses ko na siyang napaiyak. May dalawang pagkakataon na lang ako.
Hindi naman ako pwedeng habang buhay na mamuhay na pinipilit kong maging malinis ang sarili ko. Nagiging makasarili na ako, sa pagpapanatili ng imahe ko sa sarili ko ay maaari na akong makasakit ng tao. Sige Camille. Hindi kita lolokohin. Sarili ko na lang. Gusto kita pero hindi ko alam kung hanggang saang punto.
"Mahal din kita..."
Sa pag sambit ko ng mga salitang yan ay humigpit ang hawak niya sa kamay ko ay yumakap siya sakin ng napaka higpit. Lalo ring tumindi ang pag iyak niya na alam kong luha ng kaligayahan. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong naibsan ko ang sandaling kalungkutan ni Camille, pero hanggang kailan to? Hanggang kailan ko maipapaktia na mahal ko nga siya? Hindi talaga to tama kahit sang angulo mo tingnan.
Akala ko iyon lang ang nais niyang mangyari, ang malaman niyang "Mahal" ko rin siya. Pero hindi.
"Jon, ayokong matapos tong sandaling to."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hinigpitan ko na rin lang ang yakap ko para lang na malaman kong naintindihan ko ang sinabi niya.
Hindi ako manhid. Dama ko ang emosyon na gustong iparating ni Camille sakin. Sa totoo lang, natutuwa naman ako sa mga nangyayari ngayon pero hindi. Hindi ito ang inaasahan kong pakiramdam pag nangyari na sakin to. Akala ko mangyayari sakin yung parang mga nasa pelikuya ni Judy Ann at Wowie na halos patayin sa kilig ang mga manonood.
Natutuwa ako. Pero sa ibang lebel.
Matagal kameng magka yakap nang hindi nagsasalita. Wala ring pumapasok sa simbahan. Mistulang ibinigay talaga ng panginoon ang oras, lugar at pagkakataon na ito para samin.
Kailangan ako na ang gumalaw. Masyado na siyang matagal na naka yapos saakin.
"Camille upo muna tayo."
Tumingin siya sakin, ngumiti at sumunod. Nakaupo kaming pareho. Magkahawak pa rin ang kamay at hindi nag sasalita. Isinabit niya ang buhok niya sa kaliwa niyang tenga at tumingin sakin.
"Yan... di na ulit ako iiyak"
"Bakit naman?"
Umusod siya papalapit saakin. Magkadikit na kame ngayon.
"Kasi alam kong mahal mo din pala ako. Hindi ko na kailangang manghula oh anu.."
"I feel the same way.."
Isa nanamang kalahating kasinungalingan. Kalahati totoo, kalahati hinde.
"Jon, kung may hihilingin kang dalawang bagay ngayon, anu yon?"
"Ako? Hmm... Teka ah... HMm... Wala akong maisip eh. Pwede ikaw muna?"
"Sige... Una. Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, ayokong matapos tong pagkakataon na to. Jon, sayo ko pa lang nararamdaman to. Pangalawa...
Jon...
Can we kiss?"
Ikinabigla ko ang sinabi niyang yon. Hindi na siya nakontento sa pagsasabi ng mga salita, gusto pa may pasunod na aksyon. Pero ang totoo niyan... Ngayon ko lang naramdaman na nakapagpapaligaya ako ng ibang tao. Nararamdaman ko na talagang masaya si Camille ngayon. Sa puntong ito, kaya kong isaalang alang ang sarili kong kalinisan mula sa kasalanan para lang mapanatiling maligaya itong babaeng ito. Sabagay, nakuha ko nang magsinungaling kanina eh lubos-lubusin na natin.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung pano reresponde sa sinabi niyang yon. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin sakin. Pano gagawin ko? Gagayahin ko ba ung sa pelikula na hahawakan sa batok? O idadampi ko lang ang labi ko sa mga labi niya at hayaan nang pagalawin kame ng mga emosyon namin.
Bubukas na ang bibig ko para magsalta ng mga salitang hindi ko pa naiisp kung ano. Pero sa huling segundo ay nanahimik nanaman ako. Tama bang sayangin ko ang 'unang halik' ko sa babaeng hindi pa ako nakakasiguro kung mahal ko nga? Tama bang kunin ko ang 'unang halik' niya samantalang hindi pa naman buo ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nagnanakaw ako at ninanakawan din ako. Pero hinde. Hindi ko na kayang basagin ang kaligayahan ng babaeng matagal kong pinangarap.
Nagtagpo ang aming mga mata. Humigpit ang hawak namin sa isat isa.
"Kung yun lang ba eh walang problema..."
Baka...
Baka... Gusto ko din talaga siya?
Naglapit ang aming mga mukha.
Nagtagpo ang aming mga labi.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:57:18 GMT -5
Tahimik kameng nakaupo ni Camille at magkahawak ang kamay ng biglang may pumasok na isang grupo ng matatandang babae. Senyales ito na magsisimula na ang susunod na misa. Napagdesisyunan namin na umuwi na. Binigyan ko ng huling punas ang kanyang mga mata gamit ang aking panyo bago kame tuluyang lumabas ng simbahan.
Habang naglalakad kame ay nakikita kong masayang masaya si Camille. Hinaharot ako, kinikiliti, at kumakanta pa. Taliwas sa ipinapakita ng mga namamaga niyang mata. Pano nya kaya ipapaliwanag sa bahay yon?
"Cams, pano pag nagtanong mga tao sa inyo kung bat namamaga ang mata mo?"
"Edi sasabihin ko pinaiyak mo ko.."
"Wahhh!! Wag naman... Baka barilin ako ng tatay mo.."
"Haha, wag mo nang alalahanin un, ako na bahala."
"Haha, sige ah..."
"Ay nga pala Jon... Yung jacket daw ni ate.."
"Ah, sige. Dalin ko na lang bukas tapos..."
"Hindi siya pupuntang school, puntahan mo na lang daw siya sa Netopia sa Grand, yung malapit daw sa LRT? Sabi niya nasabi niya na daw yun sayo"
Teka teka teka... Lunes bukas at wala namang sinasabi sakin ang ate ni Camille na magkikita kame dun, ang alam ko lang ay.... Bukas namin gagawin ni ~*mae*~ yung deal namin sa Neko Mimi... At dun din sa lugar na yon.
Teka teka, kahibangan to. Ako, pinipilit kong isipin na hindi parin alam ng kapatid ni Camille at ni ~*mae*~ na ako yung manliligaw ng kapatid nya at ka deal niya sa RO. Sa madaling salita ay parang gumawa ako ng dalawang pagkatao. Sa ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung ang kapatid nga ni Camille at si ~*mae*~ ay iisa nga kahit marami na akong nakalap na ebidensiya. Gumagawa din kaya siya ng dalawang pagkatao at iniisip niyang hindi ko rin ito alam? Argggh! Nakakalito!
Bukas... Makikipagkita ako kay ~*mae*~ para sa Neko Mimi deal. Bukas ay makikipagkita din ako kay Mae Santos para isoli ang hoody niya. Posibleng sa parehong oras kame mag kita dahil doon lang akong available, pagkatapos ng klase.
Ano bang iniisip niya? Pag nangyari yon ay malalaman ko na iisang tao lang ang dalawa, kung tama ang iniisip ko. Oh baka naman... dalawang magkaibang tao talaga sila. Pero hindi... Malabo. Alam kong iisang tao lang sila, hindi ko lang mapaniwala ang sarili ko. Ang ibig sabihin ba nun ay gusto na niya talagang ipakta sakin na siya talaga pareho iyon? Anong pakay niya?
Ano ba ang mga pinaghahawakan kong dahilan para masabi kong iisang tao lang si Mae Santos at si ~*mae*~? Sa totoo lang ay konti lang pero mukhang sapat na ito para mapapaniwala ang isang normal na tao, pero hindi ako normal. Una, pangalan. Pangalawa itsura. Yung nasa friendster at yung babaeng nagdala sakin sa club ay PARANG magkamukha. Hindi ko lang sigurado dahil madilim sa club at nahihiya akong tumingin sa kanya. Pangatlo, ung hoody. Makikita sa Photo # 65 sa album niya na 'Girls night out!' sa friendster niya ay parehong pareho. Pang apat, pareho silang nag lalaro ng RO, hindi ba't binigyan ko siya ng maliit na pagsusulit nung nasa sasakyan na kame? Pasadong pasado siya.
Iisang tao nga lang ba talaga sila?
Ah ewan, bukas ko na lang malalaman yan.
"Ahh oo sige sige, bigay ko na lang sa kanya."
"Sama ako huh!"
"Sama ka?"
"Uhhm... Oo, kasi after nun, aalis kame ni ate. So kung pwede e sabay na tayong pumunta."
Anak ng kobrang payat, posible kayang may alam din tong si Camille?
"O sige"
"Oh pano Jon, dito na ako."
"Sige, ingat. Bukas na lang ah" "Sige bye!"
At nagsimula na siyang maglakad papalayo.
Teka.
Kiss ko..?
Wait, nag eexpect ba talaga ako? Sheesh! Pero... Oo... nag eexpect ako. Dahil ginawa na nya satin to noon, kala ko gagawin nya ulit. Bat wala akong kiss? Anong nangyari? Kung kelan pa... Hay. Nagsimula na rin akong maglakad papalayo... Nang biglang...
*kiss*
"Love you Jon! Bye!!"
Hahaha! Camille talaga. Ang hilig sa ganun.
---
Ano ang talagang pakay ni Mae?
Ang hirap mag isip nang ganto. Napakaraming posibilidad. Nakakatakot din mag isip dahil hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Baka naman sa sobrang pag iisip e may magawa ako sa lunes na hindi nararapat.
Teka teka. Kung baliktarin ko kaya ang sitwasyon? Hindi ba't malaki ang posibilidad na alam ni Mae/~*mae*~ na ako, si Jonard Madlangtuta at si Jaube ay iisa. Kung gumawa kaya ako ng paraan upang gawin kong mali ang iniisip nya?
Pero pano?
Pwedeng kumuha ako ng isang kakunchaba na magpapanggap bilang si Jaube at siya ang magpapakita doon. Magpapakita din ako bilang si Jonard. Siguradong malilito un. Pasensya Mae, nagkamali ka ng taong piniling paikutin.
Tingnan natin... Alas kwatro ang uwian ko bukas. Ang usapan namin ay alas sais.
Alas sais, kung titingnan ay walang sinabing oras si Mae Santos pero ang napagusapan naming oras ni ~*mae*~ ay alas sais. Kung tutuusin, gagana lang ang plano ko KUNG tama nga ang teorya kong nalito si Mae nung sabihin niya kay Camille na...
"Hindi siya pupuntang school, puntahan mo na lang daw siya sa Netopia sa Grand, yung malapit daw sa LRT? Sabi niya nasabi niya na daw yun sayo"
Sa pagkakaalala ko kasi ay kame ni ~*mae* ang nag usap ng tungkol sa oras at lugar. Hindi pa kame naguusap ni Mae Santos tungkol doon.
What are the chances na sinadya niya itong pagkakamaling to? Sigurado akong nagkamali ka dito Mae, kundi man eh... Ah basta, sigurado akong nagkamali ka dito.
Alas kwatro hanggang alas sais. Meron akong isa't kalahating oras dahil ang biyahe ko mula school hanggang Grand ay 30 mins dahil rush hour ng mga oras na iyon. Sa loob ng isa't kalahating oras na yon ay kaya ko nang mag hanap ng kakuntsaba sa gagawin ko.
Pupunta ako don bilang bilang si Jonard Madlangtuta at makikilala nya ako agad dahil nga kasama ko si Camille. Si Jaube naman ay pupunta don nang nakasoot ng paguusapan namin ni ~*mae*~. Itetinext ko na sa kanya noon kung ano ang isosoot ko. Ang sabi ko ay naka school uniform ako at naka green na cap. So pagsosootin ko ng green na cap ang kakuntsaba ko at solb na kame.
Ako ang unang magpapakita, pagka bigay na pagka bigay ko ng jacket ni Mae at aalis na agad ako para puntahan ang kakunchaba ko sa taguan niya at sabihin kong pumunta na siya. Wala kameng dalang cellphone dahil bawal sa school, hassle naman kung uuwi pa ako.
Madali na siguro yun, ibibigay ko lang sa kakunchaba ko ang username at password ng account ko at ibibigay nya lang naman ang neko mimi at aalis na din siya. Madali lang diba?
Alam ko Mae/~*mae*~ na alam mong iisa lang kame ni Jaube, gusto ko lang malaman ang reaksyon mo pag nalaman mong nagkamali ka sa kabila ng maigting mong pagpaplano.
GUSTO LANG KITANG MAPAHIYA.
Pero sino ang pwede kong ka kuntsaba...
Hmmm...
"Papsi, pde ka tom aftr clas? May favor sna ako e."
Sent.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:57:36 GMT -5
"Oi Jon, ano nanaman yung pinagkakakana mo kagabi sa textness?"
"May hihingin sana akong favor eh. Ok lang ba sayo? Mamayang hapon sana after class."
"E ano naman yan ha? Baka kung anong kalokohan-ness yan. At anu naman ang kapalit?" "Kapalit? Ahhm... Ah! Makakakita ka ng magandang chix!"
"Oh talaga!?"
"Oo. College girl na yon. Mga kasing tanda mo na siguro yon."
"Ganun ba? Sige tol, pramis. Gagamitan ko ng mga swabe-ness moves ko yon"
Inakupow... Mukhang mali ata yon ah.
"Ah, hindi wag muna. Ahhm... May ipapagawa muna ako sayo. Pero wag ka munang gumawa ng kahit ano. Tsaka mo na pormahan. Ok ba yon? Baka kasi mabigla sayo yung babae eh"
"P0taness tol. Sige na nga. Bahala na lang mamaya."
Ayos. Napapayag na si papsi. Sana lang wag gumawa ng mga bagay na hindi kanais nais tong kumag na to.
-----
Nakipagpalit si Camille ng pwesto sa kaklase ko. Ngayon magkatabi na kame. Hindi na maitatago sa buong silid namin na merong bagay na namamagitan samin. Kahit wala pa kameng kahit anong binabanggit, hanata sa kilos at arte namin. Buti na lang nakikisama naman sila dahil wala na akong naririnig na mga pang aasar, di tulad noon. Mga pakana ni Papsi. Speaking of Papsi, masyado ata siyang tahimik ngayon. Wala akong kahit anong narinig sa kanya buong araw bukod sa pagpapaliwanag niya kung bakit wala siyang soot na sinturon.
Si Camille naman ay walang nababanggit tungkol sa magaganap sa hapon na iyon. Hindi man lang niya itinanong kung dala ko ba ang jacket ng ate niya na dapat ay itanong niya sakin umaga pa lang. Pero dala ko naman eh, wala na akong dapat alalahanin pa.
Uwian. Handa na ang lahat. Si papsi na sinabihan kong kitain ako kela Aling Josie at sabay kameng pupunta sa Grand. Hindi ko pa nasasabi sa kanya kung ano ang gagawin niya.
Bago lumabas ng classroom, napasulyap ako kay Camille.
Ay potek.
Kasabay ko nga palang pumunta si Camille don.
"Jon, what time tayo pupunta don?"
Saktong sakto pagkasabi ni Camille sakin non ay eto na si Papsi, papalapit na saakin at nararamdaman kong iyon din ang tanong na ibabato niya sakin. Bago pa man mangyari yon ay inagapan ko na agad. Hinila ko si Camille papalabas ng classroom at sinenyasan ko si Papsi na maghintay lang siya. Sumilip ako sa pangalawang pinto at sinenyasan ko ulit si papsi na magkita kame sa baba. Sana lang sapat ang katalinuhan niya para maintindihan ung mga sinenyas ko.
Naka upo kame ni Camille sa tapat nila aling Josie at heto nanaman si Papsi, papalapit nanaman. Tumayo ako at hinarangan ko si Papsi. Kumuha ako ng singkwenta pesos sa aking bulsa at bumulong ako sa kanya:
"Papsi, kain ka muna. mga alas singko punta ka sa netopia sa may Grand. Nandon kame pero sumilip ka lang. Pag nakita kita e lalabas ako at maguusap tayo at dun ko sasabihin sayo kung ano ang gagawin ha?"
"Taena pare, stress-ness tong pinaggagagawa natin. Pag tong chix na to hindi maganda, kukutusan kita"
Bumalik ako sa upuan namin ni Camille.
"Ano yun?" Tanong niya.
"Ah wala, may pinabigay lang ako. Tara punta na tayo dun"
Sumakay na kame ng jeep. Syempre, ako magbabayad.
Bumaba kame ng jeep. Dumiretso sa Netopia.
Kabado.
Anong mangyayari. Gagana ba ang pinlano ko?
Pinauna ko si Camille sa loob ng Netopia para malaman kung andun na nga si 'Mae Santos'.
4:48. Dose minutos pa bago sumakay si Papsi ng jeep.
"Tara Jon andito na si ate."
Dahan-dahan akong pumasok. Nag iisip. Anong gagawin ko?
"Ate, si Jon"
Teka.
Ba't ba ako kinakabahan? Kailangan ko lang namang iabot ang jacket sa kanya. Tapos. "Ah, yan ba yung boyfriend mo?"
ANO?!
"Ateeeeee~"
Tumingin ako sa kanya, kasalukuyan siyang nakaupo sa isang unit. Kamukhang kamukha nung nakita ko sa friendster. Kamukhang kamukha ni Camille. Kamukhang kamukha din nung babae sa Club. Kaya pala pamilyar siya nung una kong makita sa friendster.
Ibinaba ko ang bag ko mula sa aking balikat, binuksan ito. Imbes na kunin ko agad ang jacket ay natigilan ako. Nasa bag ko pa pala ang green cap na isosoot sana ni Jaube. Bulilyaso agad.
4:55. Siguro nag aabang na ng jeep si Papsi ngayon.
Inilabas ko ang hoody na isosoli ko.
Dinukot.
Lumakad patungo sa kanya.
Iniabante ang aking kamay tungo sa direksyon niya.
"Salamat"
Kakaiba lang ang pagkuha niya saaking kamay. May haplos pang hindi mo maintindihan. Yun bang ginagawa ng mga 'pervert' sa TV.
"Oh, upo ka na."
"Ha?"
"Pa open mo na yang PC Sa tabi ko"
"Baket?"
"Diba may ibibigay ka pa sakin?"
Ayan. Sabi ko na. Iniisip niyang ako, si Jonard Madlangtuta at si Jaube ay iisa. Lalo mo lang pinaigting ang pagnanais kong isulong ang plano ko.
5:02. Patungo na si papsi dito. Halos kalahating oras pa bago siya makarating.
Papsi. Kailangan na kita ngayon.
Teka, si Camille nga pala. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya. Asan na siya ngayon?
Lumingon ako sa direksyon papalayo sa kung saan ako nakatingin kanina. Inikot ang ulo ko. Kaliwa. Kanan.
Wala.
Nasan siya?
"Si Camille?"
"Ewan, kasama mo diba?"
Pagkakataon na ito.
"Labas muna ako, hanapin ko lang sandali."
Iniikot ko ang katawan ko patungo sa pinto. Pero sa huling segundo at hinawakan niya ang kamay ko at sinabing:
"Wag na, andyan lang yan. Pabuksan mo na yang PC mo at mag internet ka muna"
Papsi kailangan na kita ngayon.
"Sige"
5:10. Pano kung na traffic si Papsi?
Hindi gagana ang plano ko kung wala ka. Utang na loob naman. Dumating ka na. Sana sinuway mo ang hiling ko sa pagkakataon na to. Papsi dumating ka na.
Sa kalagitnaan ng paghihinagpis ko sa kawalan ng pagasa ay may maingay na boses na bumatingaw mula sa pinto patungo sa aking tenga
"PAPINESS!! Der u are my friend!!"
|
|