|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:57:52 GMT -5
"PAPINESS!! Der u are my friend!!"
Alam ko ang boses na yon. Pero ayokong maniwala na si Papsi nga yon. Itinungo ko ang ulo ko kung san nanggagaling ang tunog. Ayun nga, si Papsi nga kasama ni Camille na tila nagtataka. Nagtataka nga ba? O yun ang gusto kong isipin niya. Isang malaki, matigas at malutong na mura ang pilit kumakawala sa bibig ko dahil sa nangyari pero hindi pwede. Tumayo ako ng walang sabi sabi at sinenyasan ko si Papsi na tumungo muna kame sa labas.
"Di ka rin marunong sumunod ng simpleng utos ano?!"
"Teka teka teka Jon. Easy-ness ka lang muna. Hayaan mo kong magpaliwanag"
"Ok fine. Explain"
"Kasi ganto yan. Pagka baba ko ng Jeep bumili ako ng mane. E ung nabili kong mane ung may balat. Diba dalawang klase yon? Yung maneng hubad. Yung malalaki at kulay puti. And nabili ko ung maning may balat. Ung kulay red-brown. E nung kinain ko, napadame ata. Nasamid ako dun sa balat. E wala akong mahanap na bilihan ng inumin. Ubo ako ng Ubo. Di na nga ako makahinga eh. Kaya pumasok na ako ng Grand at dun ako bumili ng C2."
"**** naman, ano kinalaman nun?"
"Teka-ness naman chong. Edi yun nga. pagkabili ko c2 e nakita ko bigla si Camille na bumili din ata ng c2. Tapos sabi niya sakin..."
FLASHBACK
"Oh Jason, anong ginagawa mo dito?"
"Ah, eh kasi, sabi sakin ni Jon punta daw ako dito, may ipapagawa siya sakin. Nakita mo ba siya?"
"Ah! Oo kasama ko siya. Andun siya sa Netopia kasama si ate. Tara sabay na tayo."
"IMBECILE! Bat mo naman sinabing hinahanap mo ko!?"
"Eh baket, sinabi mo bang wag kong sabihin? Lokoness ka pala eh"
"Ugh... All is lost. Sira na plano ko"
"Hayuuup... Umiingles"
"Tsk. Sige ganto na lang, antabay ka na lang sa labas ng Netopia. Tawagin na lang kita kung sakali."
"Eh yung chix na pramis mo asan na? Nagpapoginess pa ako oh. Tingnan mo naka wax pa buhok ko" "Sus, sinira mo na nga plano ko eh. Basta sasabihan na lang kita."
Ok. Ano na nga ba ang meron ako ngayon. Meron akong kasamang punong walang lilim, ano ba ang pwede kong ipagawa dito? Ngayon sira na ang plano ko. Hindi ko na sila mapapaniwalang si Papsi ay si Jaube. Sabagay, ang paglimot ko na kasama pala si Camille ay bulilyaso na agad dahil kilala ni Camille si Papsi. Ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Diyan ka lang, wag kang aalis."
Pumasok ako sa loob ulit ng Netopia. Umupo sa isang unit. Wala na. Sinira na rin lang ni Papsi ang plano, gawin ko na lang kung ano ang totoo.
Binuksan ko ang bag ko.
Kinuha ang green na cap.
Sinoot.
"Open mo na RO mo" sabi ko.
Hindi nag salita si Mae. Pero naka ngiti siya.
"Oh yan ha... level 65... Malianaw na malinaw"
"Oo sige... Eto na ung neko"
"Oh bat parang malungkot ka? Importante ba sau yang Neko Mimi?"
Bat nga ba ako nalungkot? Dahil ba mawawala na yung Neko Mimi ko? Kung ano mang dahilan man yun ay hindi ko pa alam sa kasalukuyan.
"May itatanong lang ako" sabi ko.
"Sige ano yon?"
"Alam mo ba talaga na ako ang maygamit nitong Jaube?"
"Oo."
"Pano?"
"Sa friendster."
"Panong sa friendster?" "Edi pangalan mo sa friendster. Tapos pangalan mo sa ID. Ganun ka simple. Halata ngang ayaw mo pang magpahuli eh. Hahaha!"
"Anong ayaw magpahuli?"
"Ayaw mong malaman kong ikaw yung dalawang yon kahit halatang halata naman. Hahaha!"
"Pano mo nasabi?"
"Ayan oh, nag sama ka pa ng decoy. Hahaha! Sa susunod naman hanap ka ng kasing gwapo mo, wag ung ganyan, mukhang kawatan eh."
Imbes na matawa ako sa pagbibiro niya sa pagmumukha ni Papsi e mas binigyan ko ng pansin kung gano niya kasimpleng pinagdikit dikit ang mga bagay. Mga simpleng butas na pinilit kong hindi tingnan dahil inakala kong sing kritikal ko ang kalaban ko.
"Oh, nanigas ka na diyan. Ganto na lang... Isipin mo na lang first time natin mag meet. Isipin mo na lang ngaun mo lang ako nakita, nakilala at nakausap in real life. Ok ba yon?"
"Ok" na lang ang nasabi ko.
"Sige... Ok pano ba pag formal meeting... Ah eto..."
Binitawan niya ang mouse at kinuha niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa keyboard gamit ang kanyang kaliwang kamay. Ipinosisyon niya ang kamay ko sa kamay niya. Hinigpitan niya ang hawak at sinabing...
"Hi! I'm Dawn Mae Santos, and you are?"
"Jon... ard... Madlangtuta."
"Oh yan ha, now we've officially met"
Nakahawak pa din siya sa kamay ko.
"Yeah... Officially.."
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:58:27 GMT -5
I promise to never fall in love with a stranger...
"Yeah... Officially.."
Sino ba tong Dawn Mae Santos na to? Ano ba ang alam ko sa kanya bukod sa alam kong kapatid siya ni Camille? Nakahinto ang oras. Nakahawak pa din ako sa kamay niya.
Ang ganda nya nga.
Sa oras na yon, may isang bagay lang na pumasok sa isip ko. Bago ka makaramdam ng pagmamahal sa isang tao, dadaan muna ito sa attraction or infatuation. Magiging crush mo muna siya bago mo siya maging love, hindi ba? At pano mo siya magiging crush? Syempre tutuon ka muna kung ano ang mga katangiang panlabas niya. Dito titingnan mo ang disposisyon niya sa tao at syempre, kasama ka na doon. Pwede rin ang mga abilidad niya, ang mga kaya at hindi niya kayang gawin.
In short, kung maganda o gwapo ka at talentado ka ay maraming maiinfatuate sayo.
Hindi ba gwapo at maganda ang mga artista? Hindi ba, talentado ang mga basketball player, singer at dancers?
Oo.
Kaya nga maraming nagkaka crush sa kanila eh. Dahil iyon ang disposisyon nila sa tao. Iyon ang nakikita sa kanila. Naalala ko tuloy yung pinsan kong babae. May boyfriend siya pero may crush daw siyang basketbolistang katunong ang pangalan ni Kim Chui. Chris Tiu ata o Chui, kung ano man yon, wala na akong pakelam.
Pero nakakapagtaka dahil napakaliit na porsyento ng mga taga hanga nila ang nagpupumulit isulong ang nararamdaman nila para sa kanilang hinahangaan? Teka, mas maganda atang sabihin na: Bakit hindi sila kayang mahalin ng normal na tao?
Sa mga ganyang sitwasyon kasi, pilit nating nilalagyan ng bakod ang ating sarili. Sa umpisa pa lang sinasabi na natin na hanggang pangarap lang na makapiling mo habang buhay ang isang magandang dilag na sa telebisyon mo lang nakikita. Ito ngayon ang dinidikta ng utak natin sa puso natin kaya nagkakaroon ito ng dalawang panig. Isa sa ating tunay na mahal(A), at isa para sa ating MGA hinahangaan(B).
May isang punto sa buhay natin na mababasag ang manipis na pader na nag hihiwalay sa Crush at Love. Pero nangyayari lang ito sa isang panig ng damdamin natin, ang panig A. Sa panig B kung saan ay nanroon ang mga hinahangaan mong "mataas na tao" ay masyadong makapal ang pader na itinayo mo upang buwagin ng sarili mo. Dito lumalabas ang pagiging malapit sa realidad ng tao. Alam mo sa sarili mo na 1 out of 100,000,000,000,000 ang chance na maging kayo ni Kim Chui. Sa kabilang banda naman, maipapalagay mong meron kang 1 out of 1000 na chance na maging kayo ng highschool crush mo. Kahit hindi mo isipin, alam mong mas madaling mapaibig ang kahit sino sa mga kaklase mo kesa sa isang celebrity.
Sino ba tong Dawn Mae Santos na to? Ano ba ang alam ko sa kanya bukod sa alam kong kapatid siya ni Camille?
Wala.
Sa hindi ko malamang kadahilanan, nailagay ko si ~*mae*~ sa panig B ng puso ko.
Bakit?
Ang ganda nya eh! Di hamak na mas maganda kumpara kay Camille sa maraming aspeto. Maganda. Pero hanggang doon na lang. Parang si Heart Evangelista, imposible. Sinimulan ko nang buuin ang malaki, matigas at makapal na pader na pipigil sa damdamin ko na umibig sa isang dalagang gawa sa porcelana.
Pero may pagkakaiba.
Hindi celebrity si Mae. Nandito siya ngayon sa harap ko, nakakausap at nahahawakan. Kapatid din siya ng kasintahan kong si Camille. Malapit lang ang aming bahay sa isa't isa. Iisang komyunidad lang ang aming ginagalawan. Nakasakay na din ako sa kotse nya, nakainuman ko na siya, naisoot ko na ang damit niya, madalas ko siyang ka txt at madalas ko din siyang kausap NOON.
Kung tutuusin ay napaka daling ilagay siya sa panig A ng damdamin ko. Hindi ko rin alam, pero... Dapat sa panig A ay isang tao lang ang laman nito. Pinalaki akong naniniwala na isang tao lang ang dapat mong mahalin. Nakabaon ito sa kultura at tradisyon kung saan ako ipinanganak. Marahil isa na din tong salik kung bakit inilagay ko siya sa panig na yon. Kung ano man ang totoong dahilan, hindi ko alam.
Panig A: Camille Panig B: Mae
Dalawang magkapatid ang naninirahan sa magkabilang panig ng damdamin ko.
"Boy, nasa realidad ka pa ba?" Sinabi sakin ni Mae habang ikinakaway ang kaliwa niyang kamay sa mukha ko.
"Ah, oo" Gulat pa ako at hindi malaman kung andito ba talaga ako kanina bago ako mahulog sa dagat dulot ng malalim kong pagiisip.
"Alam mo bang mahigit tatlo't kalahating minuto kang naka hawak sa kamay ko at nakatitig sa mukha ko?"
"Ay, sorry. Medyo disoriented pa ako eh."
"Pano sablay plano mo! Wahahhaha!!"
"hmpf..."
Binitawan ko na ang kamay niya at ipinatong ito sa keyboard para i type ang username at password ko.
Si Camille?
Inikot ko ang ulo ko mula kaliwa, pakanan. Hinahanap ko si Camille.
Ayun. Nasa labas, kausap si Papsi. Nagtatawanan sila. Malamang nagkukwento nanaman tong si Papsi tungkol sa Hapon, Pinoy at Amerikano. Sa nakikita ko, talagang bigay todo siya, kahit hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila, kita mula sa kinauupuan ko, with actions pa siya mag kwento!
"Wag mong alalahanin yang si Camille, hindi lalayo yan." biglang sabi ni Mae. Nahuli niya ata akong nakatingin.
Sumilip siya sa screen ko. Nakita niyang naglalakad ako mula byalan lvl 4 papuntang pront. Mukhang matatagalan to.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya..
"Ha? Bakit?"
"Tara kain tayo! Treat ko!"
Tumayo siya, nag alt f4 sa screen niya. nag alt f4 din sakin. Dumiretso sa counter. Nagbayad.
Pati akin?
"Tara na!" Nagmamadali niyang sabi.
Hinila niya ang kamay ko papalabas ng netopia, pag labas niya, andun si Papsi at Camille.
"Tara Camz, kain tau. Bring your friend na rin!"
Inihagis niya ako papasok ng kotse sa harap. Sinalpak ang pinto. Si Papsi at Camille ay sa likod nakaupo.
Masyadong mga mabilis ang mga pangyayari. Hindi ko na nakuhang magreact sa pagkakaladkad at pag hagis niya sakin. Medyo masakit pero ayus lang. Gutom na din naman ako eh.
"All set?" Tanong niya.
"Tara na ate! Gutomness na tayong lahat eh!" Sabi ni Papsi.
"kapal ng mukha nitong.."
"Oo nga ate! Gutom na din ako!" Sabi ni Camille.
"Oh ikaw Mr. Madlangtuta?"
"Ha? Anong ako?"
"Wala.. O sige.. Tara na!"
Parang lahat sila masaya ah. Ako lang ang hindi... Pati si papsi na kantanod lang naman dito ay parang komportable sa paligid ni Mae at Camille.
"Next stop, our house!"
San daw?!
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:58:43 GMT -5
Tahimik ang lahat sa loob. Walang umiimik. Walang nag sasalita. Walang nagpaparamdam.
Traffic. Nakakabagot. Gutom pa kame.
Tumalikod si Mae, kinuha ang bag, inilabas ang ipod at isinaksak.
Makalipas ang ilang segundo ay bigla na lang tumugtog ang isang maganda at pamilyar na tono muna sa mga speaker.
Wala pa ring umiimik.
I Will Never Find Another Lover Sweeter Than You Sweeter Than You Alam ko ang kanta na yan! Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang bumukas ang bibig ko at nagsimulang kumanta.
"And i will never find another lover... More precious as you, more precious as you.."
Mula sa pagkakatingin ni Mae sa traffic na tila hindi gumagalaw ay bigla siyang napaharap sakin.
"Uii, alam mo yang kanta na yan?"
"Yeah, isa sa mga paborito ko yan.."
"Talaga! Ako din eh!" Humarap siya sakin. Kumikislap ang mata at ang ngiti ay abot tenga. Nagpatuloy siya sa pag kanta...
"And you are my only one and everything... And for you this song i sing..."
Nilaglag niya ang tono, siyempre kinuha ko. Pinilit kong ituloy ang kanta.
"All my life... I prayed for someone like you..."
Hindi ko inaasahan na kakanta din siya matapos kong magsalita.
"And I thank God... that I... that i finally found you..."
Sabay na kameng kumakanta.
"All my life... I prayed for someone like you..."
Inakala kong sa susunod na linya ay sabay pa rin kame. Pero nang nag simula na akong mag salita... Tumahimik siya.
"And I hope that you feel the same way too..."
Medyo napahiya ako kaya't di ko na binigkas ang susunod na lyrics. Pero siya naman ang kumanta.
"Yes i pray that you... Do love me too..."
Ohh... Medyo nakakahiya na ang mga pangyayari. Di muna ako kakanta.
Tahimik ang dalawa sa likod. Tiningnan ko sila sa pamamagitan ng rear view mirror. Imbis na dalawang tao ang makita ko, ang nakita ko ay mata.
Mata ni Mae.
Nakatingin sakin. Naniningkit.
Tumingin ako sa kanya ng mata ko lang ang iginagalaw ko.
Nakatingin siya sakin.
Nakangiti.
Ngumiti din ako sabay iniiwas ang tingin pakanan.
Pumikit.
Kinilig.
Oh baka naman nilalamig lang ako sa aircon.
Tuloy pa din ang pag tugtog ng kantang kanina lang ay sabay namin kinakanta ng isang babaeng hindi ko pa lubos na kilala.
Matapos ang instrumental ay nagsimula nanaman siyang kumanta.
"Said... I promise to never fall in love... with a stranger.."
Never fall in love with a stranger? How ironic.
Tumingin ako sa likod. Tumingin din siya.
Kinalabit ako at sumenyas ng wag daw akong maingay. Nakatulog na ang dalawa dahil sa traffic.
"Wag ka nang kumanta" sabi niya sakin. "Ampanget ng boses mo eh"
"Sorry ah, maganda kasi boses mo eh."
"Joke lang oh, ang sensitive mo naman."
Patuloy pa rin ang kanta.
All My Life (Ohhhh..Baby, Baby) I Prayed For Someone Like You And I Thank God That I...That I Finally Found You All My Life I Prayed For Someone Like You And I Hope That You Feel The Same Way Too Yes, I Pray That You Do Love Me Too "Bat alam mo yung kanta?" Tanong niya sakin.
"Maganda eh.."
"Ahh.. ako kasi pinapakinggan ko lang yan pag malungkot ako or... in love ako"
Kumunot ang noo ko. Tumaas ang kilay ko. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.
"Ahh talaga..."
"Yeah!! Eto din oh. Tingin ko alam mo din tong kantang to..."
Kinuha niya ang ipod. Inikot ang daliri at inilapag itong muli. Dahan dahang tumunog nanaman ang isang malumanay at pamilyar na tono.
Baby, now that I've found you I won't let you go I built my world around you I need you so, baby even though You don't need me now
"Ay syempre alam ko yan..." Mahina kong sagot..
"Sige nga ituloy mo!"
"Ayoko nga, kakasabi mo lang pangit boses ko eh."
"Dali na!! Hahalikan kita!"
"Ayoko nga eh. Tsaka pambabae yan eh. Hindi babagay boses ng lalaki dyan."
Baby, baby, when first we met I knew in this heart of mine
That you were someone I couldn't forget. I said right, and abide my time
"Dali na! Kala mo nag bibiro ako? Kahit ung chorus lang please!"
"Ayoko nga! Ang kulet mo naman eh."
Kasalukuyan akong nakatingin sa traffic na tila patindi ng patindi. Hindi ko kayang tumingin ng matagal sa kanya, hindi ko alam kung bakit.
Tumahimik siya. Tanging ang tunog na lang ng makina at ang magandang kanta na lang ang naririnig ko.
Spent my life looking for that somebody
May humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa direksyon ni Mae.
to make me feel like new Now you tell me that you want to leave me
Napakalapit na ng mukha niya sakin. Wala nang oras para pumalag.
Nag dikit ang aming mga labi.
But darling, I just can't let you
Ayokong umalis dito...
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:59:12 GMT -5
"Hoy kaung dalawa dyan sa likod, gising na!" Pasigaw na sinabi ni Mae sa dalawa habang tinatapik tapik niya ang tuhod ni Camille. "Malapit na tayo!"
Si Mae, hindi ko alam kung nang iinis ba, dahil sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay tinataas niya ang isa niyang kilay at maglalabas ng kalahating ngiti. Magandang tingnan sa isang banda pero mas naiinis ako dahil parang may itinatago ang ngiti niya na yon na hindi ko ikinatutuwa.
Ako naman? Hindi pa rin ako makapaniwalang kanina lang ay may hinalikan ang babae na hindi ko pa kilala at kasama ko pa ang kasintahan ko habang ginawa ko iyon. Isang malaking kasalanan, oo. Pero ang totoo niyan...
Nagustuhan ko naman.
Sumimple ako ng tingin kay Mae. Kailangang mas maging maingat ako ngayon dahil gising na ang dalawa. Tumingin ako pa kaliwa. Napaka payapa ng mukha ni Mae, animo'y walang problema sa mundo. Sa mukha pa lang niya ay mararamdaman mo na na masayahin siyang tao. Wala kang makikita ng bakas ng paghihirap sa mukha niya. Ang mga mata niya ay mistulang patak ng ulan sa dulo ng dahon sa umagang malamig. Napka payapa at napaka hinhin. Ang mga labi niya... Ang mga labi niya... Hindi ako makapaniwalang kanina lang ay nakadikit ang mga labi na yan sa mga labi ko. May mga bagay na nagtutulak sakin upang gustuhin ko at hangarin ko na maramdamang muli ang halik na iyon pero may mga bagay din na humihila sakin papalayo. Kung tutuusin hindi tama na gustuhin ko ang isang bagay na hindi naman talaga tama sa umpisa pa lang.
Hindi ko namalayan na habang nakatingin ako sa lagi niya ay ginagalaw ko ang mga labi ko kung paano ko siya ginalaw kanina. Muli kong binubuhay ang halik sa ala ala ko habang nakatingin ako sa mga labi ni Mae.
"Oh, anung ginagawa mo?" Tanong ni Mae sakin na tila may bahid ng tukso sa dulo. "Bat mo kinakagat yang labi mo? Nagugutom ka na ata eh!"
Nanahimik ako. Maaari bang alam niya ang iniisip ko? Nagtawanan ang lahat.
Ilang sandali na lang ay nakita ko na ang pamilyar na gate nila ng bahay nila. Bumusina siya. Dali daling may lumabas na isang lalaki upang buksan ang gate at alalayan ang sasakyan sa pag pasok.
Mula sa likod ko, may humawak sa aking balikat. Si papsi pala. Bumulong sakin.
"Tol, may nakita ako kanina, wag kang mag alala secretness lang natin yon."
Nilamig ako.
Kung tama ang iniisip ko, nakita ni papsi na naghalikan kame ni Mae. Inakala kong tulog sila pareho noong mga oras na yon. Pero hinde. Isa pa, kung nakita ni Papsi yon, may posibilidad din na nakita ni Camille ang mga pangyayari.
Malamig na dugo ang mabilis na dumaloy sa mga ugat ko paakyat ng aking ulo. Bumalik si Papsi sa dating pwesto niya. Ako naman at nanatili sa posisyon ko, hindi ako makagalaw. Naghalong hiya at takot ang nagtali sa mga binti at braso ko.
Nang papasok na kame ng gate pinilit kong iikot ang ulo ko sa direksyon ni Camille. Gusto ko lang makita ang mukha niya dahil kung nakita niya ang mga pangyayari ay nasisigurado kong hindi matutuwa to. Makikita ko ang bakas ng kalungkutan sa mukha niya at hindi niya ito maitatago sa kahit anong pamamaraan.
Iiikot ko na dapat ang ulo ko ngunit biglang huminto ang kotse. Inihagis sakin ni Mae ang mga gamit at bag niya sabay sabing "Paki pasok sa loob ha." Sinabayan na rin ito ng pagbaba ni Camille sa sasakyan. Hindi ko na nakita ang reaksyon niya.
Pumasok kame ng pinto. Nauna si Camille, sunod si Papsi at ako ang nasa huli. Si Mae naman ay nasa labas pa at inaayos ang ang pag papark niya ng kotse.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw!!" Sabi ni Papsi na tila na bigla sa mga nakikita niya. "Bangis-ness naman ng bahay niyo!"
Agad tumungo si papsi sa sofa, nilapag dun at naupo.
"Uy tumayo ka muna!" Sabi ko habang hinihila ang polo niya. "Hindi pa naman tayo pinapaupo eh!" Hindi ko alam na nandoon na pala si Mae.
"Sige upo na kayo diyan."
Si Camille ay nagdirediretso paakyat ng hagdan dala dala ang lahat ng gamit niya. Hindi ko na ito pinansin dahil normal lang naman na mag bihis ka pagkadating mo galing paaralan.
"Oh, ano ang gusto niyong kainin?" Sabi ni Mae.
"Kahit ano po" Sabi ko.
"Po?"
"Huh?"
"Wag mo na akong i-po, masasaktan ka sakin."
"Ahhm.. Sige."
Dumiretso si Mae sa isang parte ng bahay, ang kusina ata. Hindi ko masabi dahil ngayon pa lang naman ako nakatapak sa loob nito.
"Pre" Kinalabit ako ni Papsi. "Pano mo nagawa yon?"
"Nagawa ang alin?"
"Yung ginawa mo sa kotse."
"Alin? Ano? Di kita maintindihan?"
"Anak ng p0taness naman tol. Pati ba ako lolokohin mo pa? Sabi ko nga sayo diba, nakita kong naghalikan kayo nung kapatid ni Camille."
"Hinaan mo naman boses mo!"
"Taeness tol, ang ganda nung chick na yun. Pano mo ginawa yon?"
"Pwede ba wag na nating pag usapan?"
"Bangis eh, H-H-W-K pa kayo eh."
"Anong H? H? W? K?"
"Holding Hands While Kissing. O ha!"
"Utang na loob Jason, tsaka na natin pag usapan pag wala tayo sa bahay na to."
Ikinapit ni papsi ang braso niya sa palibot ng leeg ko. Inipit ako sa kili-kili niya at ikiniskit ang buto ng kanyang hinlalato sa bumbunan ko.
"Aray masakit!!"
"Taeness ka! Pag di mo sinabi sakin sikreto mo sa chix ako hahalik sayo!"
"Kahit ano! Wag lang yon!"
Sabay kameng nagtawanan.
Hindi naman pala masamang kasama si Papsi. Sablay lang minsan.
Habang nag haharutan kame sa sala nila ay limabas ni Mae mula sa kusina na naka maikling short at naka pink na apron na kasing haba lang din ng short niya na kasalukuyan niya pa lang itinatali sa kanyang likod. Ang buhok niyang kanina lang ay naka lugay ay ngayon naka pony tail na. Itinuro niya sa direksyon namin ni Papsi ang hawak hawak niyang siyanse at sinabing..
"Tulungan mo naman ako dito sa pag luluto."
Agad tumayo si Papsi mula sa kanyang kinauupuan. Pero bago pa lang nila makumpleto ang unang hakbang ay humirit agad si Mae:
"Tara Jon."
Napahiya si Papsi kaya muling bumalik sa pagkakaupo niya. Ako naman ay agad na tumayo. Nagmamaali pa.
"Asan si Camille?" Tanong ni Mae.
"Umakyat eh" Sabi ni Papsi.
"Ah ganun ba. Hintayin mo na lang siya. Manood ka na lang muna ng TV diyan habang nagluluto kame."
Nakasimangot si Papsi habangi tinugunan niya ng tango si Mae.
Naghahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang papasok kame ng kusina. Kabado ba ako dahil hindi ako marunong mag luto? O dahil may nararamdaman ang mangyayaring hindi ko pa balak gawin sa edad kong ito.
Malaki at malawak ang kusina nila. Kumpleto sa kagamitan. Kung iisipin, napaka laki ng kusina na ito para lang sa pamilya nila. Mukha ring hindi pa nagagamit ang dalawang burners sa malayong parte ng kusina dahil may dalawang burners pa na medyo malapit sa kinatatyuan namin ngayon.
"Jon, paki lock." Ang sinabi sakin ni Mae habang muli niyang inaayos ang buhok niya.
Tumingin ako sa pinto.
"Lahat?" Tanong ko. nagtanong ako dahil merong tatlong lock sa pintuan na yon na talaga namang nakakapagtaka. Ang unang kandado ay ang normal na kandado ng pintuan na nakadikit sa doorknob. Ang pangalawang kandado ang ang klase ng kandado na may maliit na kadena na kadalasang nasa mataas na bahagi ng pinto na ikinakabit upang hindi agarang mapwersa ang pag bukas ng pintuan. At ang pinaka huli, simpleng kandado na nakalagay sa gitnang bahagi ng pinto na isinasabit mo lang ang nakalawit na bakal sa maliit na butas sa kabilang bahagi.
"Oo" Sabi niya.
Binuksan niya ang lahat ng ilaw, nagkalad patungo sa ref. Naglabas ng mangilan-ngilang sangkap sa mga lulutuin namin.
"Jon, marunong ka bang mag luto?" Tinanong niya sakin habang naglalabas pa siya ng ilang bagay mula sa ref.
"Hindi masyado eh."
"Halika dito.." Mahina niyang sinabi. "Tuturuan kita."
Napalunok ako ng tuyo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Dahan dahan nang nabuo ang butil ng pawis sa aking noo. Nagsimula akong maglakad patungo sa direksyon niya.
Sa countertop ng kusina kung saan siya malapit ngayon ay may nilatag siyang dalawang chopping board at nag labas siya ng dalawang kutsilyo. Sinenyasan niya ako na tumabi sa kanya, sa tapat ng chopping board na nakalaan sakin. Inabot niya rin ang isang kutsilyo sakin at inabutan ako ng isang sariwang Carrot.
"Isa sa mga basics ng pagluluto ay ang paghihiwa. Ito kasi ang paraan mo ng paghahanda lalong lalo na kung mga gulay at karne ang lulutuin mo. Kailangang matututunan mo muna ang basics bago ka mag advance diba?"
"Yeah" na lang ang naisagot ko dahil hindi ko rin naman alam ang mga pinagsasasabi niya.
"Hiwain mo nga yung taas ng Carrots, yung may tangkay"
Hinawakan ko ang kutsilyo. Nararamdaman kong nanonood siya sa bawat galaw ko.
"Mali!" Bigla niyang sigaw sakin. "Mali ang paghahawak mo ng kutsilyo, maaari kang masaktan niyang ginagawa mong yan."
"Pano ba?"
Binitawan niya ang kutsilyo at ang Carrots na hawak niya. Pumunta sika sa likod ko at hinawakan niya ang kamay ko habang hawak hawak ko ang kutsilyo. Ginabayan niya din ang kaliwang kamay ko sa tamang pag hawak ng Carrots. Mustulang nakaakap siya saakin ngayon. Dama ko rin ang kanyang baba na naka patong sa aking kanang balikat. Naaamoy ko din ang mabango niyang hininga at nadadama ko ang init ng kanyang katawan.
"Jon, concentrate"
Sino ba naman ang makakapag concentrate sa ginagawa namin ngayon. Naiilang ako pero natutuwa din ako. Ang mga braso niya at ang mga kamay niya ay nakapatong sa akin. Ang buong katawan niya ay naka sandali sa likod ko at ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko.
Priceless.
Tumigil ang kamay niya sa pag galaw. Tumigil din ang kamay ko. Nakaramdam ako ng bugtong hininga mula sa kanya. Hindi na kame gumagalaw pero nanatili kame sa posisyon namin.
"Jon," Malumanay niyang binigkas ang pangalan ko. "Nahalikan mo na ba si Camille?"
Natakot ako sa tanong niya, hindi ko alam kung pano ako sasagot dahil hindi ko alam kung ano ang pakay niya at kung ano ang sagot na gusto niya.
Nanahimik kameng dalawa. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng buso naming dalawa at ang hininga niyang patuloy na bumibilis.
Binitawan niya ang kamay ko at lumayo ng kaunti sakin.
"Jon.."
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sakin.
Humawak siya sa balikat ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.
Naramdaman ko na lang muli ang labi niyang nakalapat sa akin. Muli kong naramdaman ang isang bagay na hindi ko na ulit inisip mararamdaman ko.
Walang mahalaga ngayon. Nakabukod nanaman ako mula sa realidad.
Iginalaw ko ang mga braso ko at iniakap sa kanya.
Habang tumatagal, lalo kong hinihigpitan ang pag akap ko sa kanya.
Sa lahat ng mga pagkakataon na sinabi kong "Ayoko nang matapos ang sandaling ito"
Sa totoo lang..
Heto pa lang ang sadaling iyon. Ayokong matapos to.
Halos batakin ko ang oras mapanatili lang ang nararamdaman ko ngayon.
Kung mamamatay ako matapos ito, walang problema. Mamamatay akong masaya at walang pagaalinlangan.
Nag hiwalay ang aming mga labi. Nakapikit pa ang mata ko.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa kanya..
"Jon," Sabi niya. Kasalukuyang nakapatong ang kanang kamay ko sa kanyang balikat ang ang kaliwa ay nakahawak sa kanyang bewang. Para kameng magsasayaw.
"Ano yon?"
"Sayo pa lang ako nakatikim ng halik na ganto."
Ipinalibot niya ang braso niya sa aking bewang. Ganon din ang ginawa ko.
Dahil mas matangkad siya sakin medyo nakatingala ako sa kanya at siya naman nakayuko saakin.
Nakayakap lang kame sa isa't isa walang gumagalaw. Walang kumikibo.
Camille, patawarin mo ko.
Bumitaw siya sakin. Bumitaw din ako sa kanya.
"Oh tara na," Tumalikod siya sakin. "Magluto na tayo.."
"Tara.."
"Paki tawag na din si Camille. Andun yun kwarto niya sa pinaka tabing pinto ng hagdan sa 2nd floor."
"Akyatin ko lang?"
"Oo, katok ka. Sabihin mo pinapatawag ko."
Dali dali akong lumabas ng kusina at umakyat ng hagdan.
Cam'z Room - Do not Enter
Yan ang nakaulat sa unang pinto sa tabi ng hagdan. Malamang eto na ang kwarto ni Camille.
Kumatok ako ng tatlong beses. "Camille! Camille! Tawag ka ng ate mo.."
Tumugon ng mahina ang tao sa loob "Jon? Ikaw ba yan? Pasok ka.."
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Agad kong nakita si Camille na naka uniform pa rin at naka harap sa computer.
"Tawag ka ng ate mo," sabi ko. "Magpapatulong ata sa pagluluto."
Tumayo siya. Tumungo sa direksyon ko. Nakatingin siya sakin habang naglalakad.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko.
"Jon.."
Hinawakan niya ang batok ko, inilapit sa mukha niya.
Muling nagtagpo ang aming mga mainit na labi.
Nakakapagtakang isipin, dahil sa mga pelikula, lalaki dapat ang gagawa ng ginawa ni Camille.
Hindi totoo ang pelikula. Hindi maikukumpara ang nararamdaman ko ngayon.
Dito ko napagtanto na magkaiba ang nararamdaman ko para sa dalawa.
Pero sa isang punto ay pareho rin.
Dinama kong mabuti ang halik na ibinigay sakin ni Camille.
Binitawan niya ang aking batok.
Nag hiwalay ang aming mga labi.
"Ngayon.." Sabi niya. May halong pagka tuso ang tono ng pagkakasabi niya.
"Sino ang mas masarap samin humalik ni ate?
Inakupo...
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:59:29 GMT -5
"Tagal naman nila..." Sabi sakin ni Papsi habang nakaupo kame dito sa hapagkainan. "Nagugutom na ako."
"Hintay ka lang, lalabas na yon."
Ano na nga bang nangyari? Wala. Bumaba na lang ako matapos ng mainit na tagpo namin sa taas. Hindi ko alam. Para bang kinokonsensya niya ako sa mga pinagagagawa ko. Bumalik ako sa kusina at nag sisimula nang magluto si Mae. Sumunod na rin si Camille. Pinalabas ako ni Mae at sinabing hintayin na lang daw namin ang pagkain sa labas. At heto na nga kame ngayon, nag hihintay.
Ginamit ko ang oras na to para pagnilayan ang mga nakaraang mga nangyari.
Ako lang ba ang nakakaranas ng ganito? Pinagdadaanan ba ito ng lahat ng lalake sa edad ko? Bakit ako binibigyan ng gantong mga pagkakataon at sitwasyon? Parusa ba ito o biyaya? Tingnan natin..
Kiss - Good Kissing a beautiful girl - Better Kissing TWO beautiful girls - Best
Kung tatanungin ang pagkalalaki ko, talagang maganda ang mga nangyayari ngayon. Ikaw ba naman ang halikan ng isang katulad ni Mae eh sino bang hindi matutuwa?
Pero sa kabilang banda, mahirap ito para sakin. Bakit?
Una, dahil may kasintahan ako. Kahit sa papaano mong paraan tingnan, maling mali ang ginawa ko.
Pangalawa, nahuli ako. Oo alam ko, hindi ako ang nag simula. Pero hindi naman magagawa yun kung walang kooperasyon ko diba? Hindi naman ako baldado para pagsamantalahan ng ganun ganun na lang. At ang pagkakahuli samin ay nagsimula na ng lamat sa sinisimula pa lang naming ikinis na pagsasama.
Pangatlo, nalilito na ako. Mahirap mang paniwalaan pero ang totoo nyan, parang mas malakas ang dikta ng puso ko ngayon kaysa sa isip ko. Ngayon alam ko na kung ano ang kayang gawin ng isang halik. Hindi ba't nasabi kong gumawa ako ng pader sa pagitan namin ni Mae para manatili lang siya sa panig ng puso ko kung saan hindi ko siya pwedeng mahalin? Sinabi ko din na gumawa na ako ng isang mataas, matatag at matigas na pader na imposibleng buwagin?
Ang totoo nyan..
Hindi ko pa rin kayang buwagin..
Pero sinisimulan ko nang akyatin para makita kung ano man ang meron sa kabila.
Mali ito, mali.
Camille, patawarin mo ko.
Dyos ko, patawarin mo ko.
Dad... Patawarin mo ko..
Dito lang ako naliwanagan sa lahat ng mga bagay na gumugulo sakin noon.
Hindi ko namalayan na papalapit na pala samin si Mae at may dala dalang isang lalagyan na gawa sa salamin.
"Yan ha! Special lasagna ko yan!"
Aba aba aba. Nilapag niya ang 'Special Lasagna' niya sa harap namin.. at talaga naman... Talagang mukhang masaap at katakam takam. Mula sa salamin na gilid ay makikita mo ang mga layers ng pating patong na lasagna na napapagitnaan ng mapula at makapal na tomato sauce at punong puno pa ng tunaw na keso sa itaas. Makikita mo si Papsi na hindi na makapaghintay na kainin ito.
Tumingin ako sa pinto ng kusina. Tumingala ako kay Mae na kasalukuyang nagpupunas ng pawis niya sa noo.
"Si Camille?"
Tumingin din siya sa direksyon ng pintuan at sinabing...
"Andun nagluluto."
"Hintayin natin bago tau kumain ah.."
Umupo si Mae sa bakanteng upuan sa tabi ko at sinabing..
"Wag na, mauna na tayo," Umakma siyang sasandok na ng dala niya "Matatagalan pa yon eh.."
Hindi pa man din sumasayad ang siyanse ni Mae sa Lasagna ay dali daling bumukas ang pinto ng kusina, lumabas si Camille at may dala dala rin.
"Oh.. My special no-bake blueberry cheese cake!"
Mula sa pagkatitig namin ni Papsi sa lasagna ni Mae at nabaling ang atensyon namin sa dala ni Camille. Wow. Pano niya nagawa ang ganto kagandang cake sa loob ng napaka ikling oras? Maputing cake na tila gawa sa malambot na puting keso at may minatamis na blueberry sa taas. Hindi man magarbo at perpekto ang itsura, mukha pa ring nakakatakam!
"Pfft, andali dali lang gawin nyan eh.." Pabulong na sinabi ni Mae..
Umupo si Camille sa isa pang bakanteng upuan sa tabi ko.
Tahimik ang lahat. Parang ayaw kumain.
"Tara kumain na tayo." Sabi ni Camille na may seryosong tono.
Iniangat ni Mae ang siyanse niya
Iniangat ni Camille ang kutsilyo nya
Ibinaon sa lasagna
Inibaon sa cake
Isinalin sa plato
Isinalin sa platito
Sabay silang tumingin sakin habang iniaabot ang kanya-kanyang putahe. Sabay din nilang sinabing...
"Ryan oh"
Inabot ko ang lasagna sa kaliwang kamay. Ang cake naman sa kanang kamay. Inilapag ko sa harap ko pareho.
Pareho silang nakatingin sakin at nag aabang. Para bang inaabangan nila kung kanino ang una kong titikman.
May dalawang tinidor sa harap ko. Isang maliit, para sa cake, isang malaki para sa lasagna.
Ano ang una kong titikman?
"Jon, tikman mo na ung lasagna ko" Sabi ni Mae. "Mamaya na yang desert na yan, huli naman lagi kinakain ang desert eh."
Ui, maganda ang point niya. Pupulutin ko na sana ang malaking tinidor nang biglang..
"Hindi jon, mas magandang unahin mo muna tong cake, para ma ready yung dila mo sa panlasa."
Hmmm, tama din naman.
"Ano ka ba?" Sinabi ni Mae na may parang pagka irita sa boses. "Ang cake eh sa huli kinakain kasi desert!"
"Eh hindi ko naman ginawa yan bilang desert eh" Hirit ni Camille sa parehong tono. "Ginawa ko yan bilang appetizer!"
"Woah! Imbento ka ah! Kelan pa naging appetizer ang cake!?" Sigaw ni Mae.
Sa puntong ito, hindi na maitatago na may kakaibang nangyayari dito sa dalawang magkapatid bukod sa pagkaing inihain nila.
"Hey ATE, FYI lang ha, mas malakas maka apetite ang sweets kumpara sa iba pang pagkain!"
"Imbento ka ha! Kelan pa nangyari yun aber?"
"Well ate, I'm talking about JON in particular. Since MAS MATAGAL ko na siyang kasama eh mas kilala ko na siya at mas marami akong alam tungkol sa kanya. Isang bagay na dun ang nagigising ang apetite niya sa matatamis."
Kalmado na ang boses ni Camille, pero dama ko pa rin ang gusto niyang iparating.
Nanahimik ang lahat.
Walang umiimik
Walang kumikibo.
"Ah, ganun ba." Sabi ni Mae. "Sige."
"Yep ate, ganun nga. You can even ask him. Diba jon?"
Sa totoo lang, hindi totoo ang sinabi ni Camille. Hindi totoong nagigising ang gana ko sa pagkain sa twing nakakatikim ako ng matamis. Oo, masarap ang matamis, pero hindi naman tulad ng gustong iparating ni Camille. Hindi ko nga alam kung san niya nakuha yon eh.
Ayoko nang magsinungaling, wag mong itanong sakin please.
Pag ako ay tinanong niya at nagsabi ako ng totoo, mapaphiya si Camille. Wag naman sana ganun.
Tumayo si Mae at naglakad papunta sa kusina. Sinabi niya samin na kukuha lang daw siya ng keso sa loob nang hindi man lang tumitingin sa direksyon namin.
"Oh, Jon, tikman mo na."
"Hintayin natin ate mo, para sabay sabay na."
"Ok, sige"
Tumayo si Camille at kumuha ng dalawang platito at nilagyan ito ng cake. Nilagay sa tapat ng upuan ni Papsi at ni Mae.
Medyo natatagalan ata si Mae sa kusina kaya napagdesisyunan na rin ni Camille na lagyan na ng lasagna pa ang mga natitirang plato.
Lumabas si Mae sa kusina at huli sa aktong ginagalaw ni Camille ang lasagna na ginawa niya.
"Bat mo pinapakealamanan yan?" Sabi ni Mae habang nakatayo sa harap namin.
"Antagal mo eh, nagugutom na si Jason."
"Eh lalagyan ko pa ng cheeze yan eh!" Muli nanamang tumaas ang boses ni Mae.
"Oh, sige. Sorry na dahil nag magandang loob ako ha!"
"Sheesh! Nakekealam kasi ng hindi sa kanya!"
Ngumiti si Camille, Itinaas ang isang kilay, ipinatong ang siko sa braso at sinabing...
"Ha! Ako lang ba ang nakekealam ng hindi sa kanya?"
Natahimik si Mae. Yumuko. Kumuha ng durog na keso mula sa dala-dala nyang mangkok at nilagyan ang plato ko.
"Kumain na lang tayo." Mahinang sagot ni Mae.
Lahat may pagkain na sa harap. Pero wala pang gumagalaw. Kahit si Papsi na gutom na at hindi pa rin kumakain.
Akala mo sinadya, sabay nag angat ng tinidor si Camille at Mae. Si Camille, ang maliit na tinidor para sa cake. Si Mae, malaking tinidor para sa Lasagna.
Sumubo sila pareho nang hindi nag titinginan.
Si Papsi, unang kinuha ang malaking tinidor. Sumubo ng lasagna. Napangiti.
"Ang sarapness naman nito!"
Walang pumansin sa kanya.
Ako na lang ang natitira...
Malaking tinidor?
o maliit?
Nakakabusog na Lasagna?
o Matamis na Cake?
Mae...
Camille...
Inangat ko ang kanang braso ko.
Sana patawarin mo ko.
Kinuha ang malaking tinidor.
Tumusok sa Lasagna.
Isinubo.
Nilunok.
Ngumiti.
"Ansarap naman!"
Camille, patawarin mo ko.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 1:59:54 GMT -5
Inlove ako sa isang kolehiyala, hindi ko maintindihan. -Ely Buendia
Tapos nang kumain ang lahat. Halos maubos namin ang pagkain. Tahimik pa rin ang lahat ng biglang...
"Hik!"
Sabay sabay kameng tumingin sa direksyon kung nakaupo si Papsi. Sininok. Yan ang napapala ng mga matatakaw.
"Hehe.. Sorry." Sabi ni Papsi habang kumakamot ng ulo. "Napasarap kasi eh. Hik!"
Tumayo si Mae.
"Wait, kuha lang ako ng maiinom."
Dali dali akong tumayo habang nginunguya pa ang natitirang laman ng bibig ko.
"Tulungan na kita."
Tumingin sakin si Camille na kasalukuyang inuubos ang natitirang laman ng plato nya.
"Wag na, kaya na ni ate mag isa yan."
Diresiretso lang si Mae papasok ng kusina ng walang imik. Bago siya pumasok ng pinto ay sinabi nyang.
"Oo Jon, kaya ko na to."
Pumasok siya sa pinto at ako'y umupo na pero hindi pa man sumasayad ang pwet ko sa malambot na upuan ay biglang nag bukas ang pinto na kakasara lang.
"On second thought, maybe I can use a hand."
Para na lang may pwersang humigop sakin papasok sa kusina nang hindi na tumitingin sa mga kasama ko sa lamesa.
Sa loob ng kusina, nasa tapat ng ref si Mae. Naglabas ng isang pitsel na puno ng tubig.
"Jon, kuha ka ng apat na baso."
Nilapag ni Mae ang pitsel sa tabi ng ref, lumapit sa pinto at tulad ng ginawa niya kanina, kinandado nanaman ang lahat ng kandado sa pintuan na yon.
Isa
Dalawa
Tatlo
Sumandal siya sa pinto. Pinagpatong ang dalawang braso. Tumingin sakin.
Wala siyang ibang ginagawa kundi nakatingin lang sakin. Kung ikaw ay normal na tao, maiilang ka at magtatanong. Yon ang ginawa ko.
"Bakit?"
"Wala lang." Isinabit niya ang nakalugay niyang buhok sa kanyang tenga. "Gusto lang kitang tingnan."
Nilapag ko ang mg abasong hawak hawak ko. Dinukot ang panyo ko at ipinahid ito sa noo ko na noo'y nagsisimula nang tuldukan ng maliliit na butil ng pawis. Binasag niya ang panandaliang katahimikan.
"Alam mo.." Nagsimula siyang lumapit papalapit sakin. "Parehong pareho kame ng taste ni Camille."
"Ano?"
"Seryosong tanong lang, nahalikan mo ba si Camille bago mo siya mapasagot?"
Pakiramdam ko lumiliit ang distansiya sa pagitan namin. Lumiliit ang kwarto at pilit kameng pinagdidikit.
"Ahhm.. Dapat siguro ilabas na natin tong inumin, baka nabubulunan na si Papsi dun.."
May dalawang pwersang humiila sa akin sa ngayon sa magkaibang direksyon. Alam kung san nanaman mauuwi ang pangyayaring ito kung hindi ko gagawan ng paraan.
"Jon, ano bang nagustuhan mo kay Camille?"
"Ha?"
"Magkamukha naman kame diba? Mas matangkad lang ako. You like tall girls right?"
"Errm..."
Papalapit na siya ng papalapit sakin.
"Bat, parang natatakot ka? Nakakatakot ba ako?"
Ano nga ba ang kinakatakot ko?
Alam mo ba kung ano ang kinakatakutan ng karamihan? Takot tayo sa hindi natin alam.
Naaalala ko noon, may ikunwento ang guro namin. May nahuling isang tao na may mataas na katungkulan sa isang rebeldeng grupo sa amerika. Kinausap siya ng pinuno ng hukbong sandatahan. Pinapili siya sa dalawang pinto. Sa unang pinto ay may isang hilera ng mga armadong kalalakihan. Firing squad. Pag pumasok siya doon ay siguradong kamatayan ang haharapin niya. Sa pangalawang pinto ay... Kadiliman. Hindi kita kung ano ang laman sa loob. Sinabi ng pinuno na bago siya mamatay ay bibigyan pa rin siya ng kalayaan na kontrolin ang huling desisyon na gagawin niya sa buhay niya.
Naging malikot ang isipan ng rebelde. Inisip niya na kahit anong desisyon ang gawin niya ay kamatayan ang dadatnan niya. Inisip niya na baka ang nasa ikalawang pinto ay isang torture chamber. Sino ba naman ang gusto pang mahirapan muna bago mamatay? At sanay na rin naman siya sa tama ng bala. Ang pagkamatay sa harap ng firing squad ay magdadagdag lang sa karangalan niya.
Pinili niya ang unang- pinto. Agad siyang piniringan at hinatulan na ang kanyang buhay.
Nang inilalabas na ang kanyang bangkay, nagtanong ang isa sa mga bumaril.
"Sir, ano ba ang nasa ikalawang pinto?"
"Simple. Ang kalayaan niya. Lagusan yan patungo sa masukal na kagubatan sa tabi ng kampo natin."
Kung naging matapang lang ang rebelde, nadugtungan pa sana ang buhay niya at naipaglaban niya ang bagay na nagdala sa kanya sa kamatayan.
Pero hindi natin siya masisisi. Lahat ng tao ganyan na. Human nature kumbaga.
Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.
Pero sa ibang pamamaraan.
Bat hindi ko pagbigyan ang hinihingi ng pagkalalaki ko? Hindi naman araw araw nangyayari ang mga gantong bagay hindi ba?
"Jon.."
"Mae..."
Pamilyar nanaman ang sitwasyon ko ngayon. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Ngayon ko lang tuloy naisip: Ano bang meron sa halik ko?!
"Mae... teka. Alam mo naman siguro diba?"
"Na?"
"Alam mo naman na girlfriend ko si Camille, ang nakababatang kapatid mo.."
"Uhhm.. Oo."
"Eh bat mo ginagawa sakin to? Bat mo ko inaakit?"
"Di mo pa rin ba naiintindihan?"
"Ang alin?!"
"Gusto kita. Higit pa sa nararamdaman ni Camille para sayo."
"Hindi to pwede. Respeto man lang sa kapatid mo diba?"
"Alam mo Jon, alam kong gusto mo rin ako eh. Kaya kung ako sayo... Go with the flow na lang..."
"Anong flow? Look. Hindi naman na ni rereject kita. I mean, napaka ganda mo. Napaka bait. Lahat. Pero may mga bagay lang talaga na hindi pwede."
Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? Ang kapal naman ng mukha ko para sabihin to kay Mae. Pero sa totoo lang, alam kong tama ako. Pero sa kabilang banda, nanghihinayang din ako sa ginagawa ko.
"So ayaw mo sakin? Ganun?"
"Hindi sa ganun--"
"Ha! So gusto mo nga ako?"
"Hindi din sa gan----"
"Eh anu ba talaga?
"Mae... Mahal ko si Camille. With all due respect, hindi pwede ang dalawa."
"Alam ko.."
"Alam mo naman pala eh."
"Isa nga lang."
"Yes Jon, isa lang."
"O.."
"Alam mo na ang gagawin mo."
Wala siyang sinabi pero alam na alam ko ang gusto niyang sabihin sakin. Talk about dirty tactics. Pinaglalaruan ni Mae ang pagkalalaki ko. Alam niya ang kahinaan ko. Alam niya ang Achiles's Heel ko. Alam niya ang Cryptonyte ko.
Pinapapili niya ako ng isang babae? Sus, no competition. Kung sa matinong taong tulad ko, alam ko ang pipiliin ko. Alam ko ang tama. Pero...
Ngayon ko lang nalaman na hindi ko pa pala kilala ang sarili ko. Ngayon ko lang nalaman na ang karakter na idinidikta ko sa sarili ko ay hindi pala talagang ako.
Mahina ako.
Marupok ako.
Tao ako.
"Sige pagiisipan ko."
Inilapit niya ang mukha niya sakin. Hinawakan ako sa pisngi. Binigyan ako ng isang mabilis na halik. Halik na punong puno ng kasalanan at pagsisisi. Halik na bawal.
Masarap ang bawal.
"Mae gets what she wants." Sinabi niya ng pabulong sa kaliwa kong tenga.
Tuso ka Mae.
Tuso ka.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:00:26 GMT -5
Alam nyo yung mga pagkakataon na para bang napunit ang pagkatao mo sa pagitan ng realidad at mundo ng panaginip? Yun bang hindi mo malaman kung totoo ba ang mga nakikita mo ngayon o likha lang ng malikot at makulit mong imahinasyon? Nah... Hindi to tulad ng mga pagkakataon na yon. Alam kong totoo ang mga mangyayari. Alam kong buhay ang mga tao. Sana nga panaginip na lang to para madali sanang takasan eh. Kaso hindi. Totoo ang lahat. Sana meron akong soft copy ng buhay ko para ieedit ko na lang sa word, ok na ang lahat. Kaso hindi nga. Totoo ang lahat. At walang ctrl+z sa tunay na buhay.
Ngayon ko lang naramdaman na talaga palang nag iisa ako. May mabigat akong dinadala ngayon na hindi ko mailabas. Unang una dahil wala akong mapag kwentuhan. Pangalawa ay may isang parte sakin na nagpipigil na ikwento ito sa iba. Pero tulad ng lahat ng tao, kailangan ko pa rin ng may makikinig sakin. Kailangan ko ng mapaglalabasan ng pighati at sama ng loob. Pero sino?
Pwedeng si papa. Willing naman tumulong si papa sakin sa mga ganyang bagay. Sinabi niya naman sakin yon at kita ko naman sa mga kilos niya. Kaso hindi pwede. Buti sana kung normal na sitwasyon lang tong pinasukan ko, kaso hindi eh. Baka nga hindi maniwala si papa pag kinwento ko sa kanya to eh. At isa pa, kahit pa asal barkada yang magulang mo, hindi mo kayang sabihin ang lahat ng bagay sa kanila tulad ng tunay na barkada. Kahit sila ang nagpalaki sayo at araw araw mong nakakasama, hindi mo kayang sabihin ang lahat sa kanila. Nakakapagtaka kung iisipin. Hindi mo mapagsabihan ng problema mo ang mga taong TUNAY na malalapit sayo. Pero tingnan natin, baka maikwento ko sa kanya.
Eh si ate kaya? Iba naman ang lebel ng magulang sa kapatid. Mas madaling mag kwento kay ate kesa kay mama o papa. Wala naman kameng matinding alitan ni ate. Ok naman kame sa isa't isa. Maganda rin dahil makakakuha ako ng ideya kung bakit ganun tumatakbo ang utak ng mga babae, lalong lalo na si Mae. Magkasing tanda lang si ate at si Mae. Kaso ang tanong e seseryosohin nya kaya ako?
Si mama? Nagpapatawa ka ba?
Matapos kong isa-isahin ang mga kapamilya kong posibleng tumulong sakin ay tumuuon naman ako sa mga tao sa eskwela.
Si Fred. Isa sa mga malalapit kong kaibigan na hindi ko pa nababanggit sa inyo. Bakit? Simple lang. Hindi siya nababagay dito. Siya ung mga klase ng tao na makikita mong lalaking mag isa at lulugmukin ang sarili sa pag aaral at trabaho. Nerd, sa madaling salita. Isa pa, pag kinwentuhan mo na yan ng mga bagay tungkol sa pag ibig ay babanatan ka na ng mga hirit niyang pilosopikal. Naalala ko tuloy noong crush crush ko pa si Camille, kinwento ko sa kanya, ang hirit ba naman sakin ay "Jon, hindi mo kilala ang sarili mo. Iba ang pagkakakilanlan mo sa sarili mo sa pagkakakilanlan sayo ng ibang tao at sa inaakala mong pagkakakilanlan nila sayo. The I and the me. Magkakaiba yan subukan mong kilalanin ang bawat... blah... blah... blah..." Wala akong naintindihan.
Si Calvin. Isa pa to eh. Mala Fred din tong tao na to. Mga walang pakealam sa ganyang bagay. Ang laging hirit nyan tuwing nakakarinig ng mga bagay na tulad nito "Sus! Yun lang? Tsaka na kasi yan, yayaman ka ba dyan?" Na may halong pag taas ng boses at pag kumpas ng kamay. Na brain-wash ata ng tatay niya na. Dahil nung minsang pumunta kame sa kanila, aba, nilitanyahan pa kame nung tatay niya. Ang sabi ba naman samin "Oh mga totoy, may focus muna tayo sa pag aaral, yang mga babae na yan, tsaka na yan! Pag meron ka nang mahusay na buhay at trabaho ay tsaka ka na mag hanap ng isa pang buhay na iintindihin. Madali nang humanap ng pag ibig pag kaya mo nang bumuhay." Hindi ko man masyadong naintindihan lahat, pero alam kong gusto nyang sabihin na wag muna kameng magpakabaliw sa mga babae na yan, tulad ng ginagawa ko ngayon.
Yan, yan ang mga kaibigan ko sa eskwelahan. Oo alam ko, malabong maintindihan nila ako at maintindihan ko sila sa mga gantong bagay. Pero kahit ganun pa man e kaibigan ko pa rin sila.
Nang malapit na akong lamunin ng maitnding depresyon dahil sinusunog ako mula sa loob ng matinding realisasyon na wala akong masasandalan sa mga gantong bagay, sumagi sa isip ko si Papsi.
Hindi man kame masyadong malapit ni Papsi... Pero alam niya ang mga nangyayari. At isa pa, matanda na rin si Papsi. Kahit ganto umasal yang tao na yan, alam kong matutulungan niya ako sa pagkakataon na to. Siguro naman may karanasan na siya sa gantong bagay.
Kinabukasan, sa skul. Normal ang lahat mula sa pagpasok ko hanggang sa flag ceremony. Si Camille, normal din. Parang wala lang nangyari kahapon ah.
1st class, geometry. Hindi na ako makapaghihintay pa, ikukwento ko na. Nakipagpalit muna ako ng pwesto sa katabi ni Papsi. Nag paalam din ako kay Camille syempre.
"Paps," Kinalabis ko siya.
"Oh bakit tol," Sabay palo sa likod ng malakas. "Parang problemado tayo ah."
"Ikaw lang ang pwede kong mapaglabasan ng mga nangyayari, ok lang ba?"
"Tol, parekoy, repapips, alam mo namang game ako sa ganyan. Sige ano ba yang problemness natin?"
"Tol, tungkol kay Camille tsaka dun sa Ate nya."
Umiling iling si Papsi na para bang sinasabi nyang 'Sabi ko na eh..'
(Paunawa: Mula sa punto na ito ay susubukan kong mag bigay ng mga translations sa mga pinagsasasabi ni Papsi. Minsan kasi ang mga salita nito ay hindi akma sa mga taong wala sa paligid niya.)
"*****ina tol, nakaka ulol nga yang sitwasyon mo.."
(Trans: tol, nakaka baliw yang sitwasyon mo)
"Oo nga eh, pero may mga bagay pa atang hindi mo alam na nangyayari din eh."
"Dehins nga pre? Shareness naman diyan. *******, in full detail ah"
(Trans: Di nga pre? Kwento mo ng buong buo ah dahil menyak ako)
"Di ko na kailangang ikwento ng buo pero kasi... Para bang tinutukso ako nung ate niya eh. Para bang inaakit ako..."
"Oh, e anu naman ang problemness dun parekoy? Gusto ka nung isa, gusto ka din nung isa at alam kong gusto mo din sila pareho."
(Trans: i-two time mo na.)
"Nak ng tupa nmn Papsi, kailangan ko ng seryosong sagot, ikaw lang ang makakatulong sakin!"
Bago pa man din makapag salita si Papsi ay may narinig akong nakakairitang boses na bumatingaw mula sa harap ng silid-aralan patungo sa likod kung saan kame naka upo.
"Mr. Madlangtuta and Mr. Hermano, maaga agang chismisan yan ah! Want to share it to the class?"
Napangiwi ang mukha ako. Yari nanaman kame. Ako na lang sana ang magsasalita para wala nang gulo, tahimik ka na lang Papsi.
"Hindi po.. Wala po to.."
"Oh ganun ba?" Sabay kunot ng noo ng titser namin. "But i insist, c'mon. Share it to the class."
Kahit ba kaya kong barabarahin sa mga equations tong teacher ko ay meron pa rin akong hindi maipaliwanag na takot sa kanya. May pwerang humila samin ni Papsi sa harap at pinatayo kame sa platform.
It must me his eyes. Nakakatakot na para bang kakainin kame sa tingin.
"Go on, tell us kung ano ba yang pinag uusapan niyo at baka mas importante pa yan sa parallelogram."
Nakayuko lang ako, tila nang hihintay ng milagro.
Nagsalita si Papsi.
"Kinukwentohan lang po ako ni Jon kung gano kahirap mamili."
"Mamili ng ano, Mr. Hermano?"
Puno ng pagka seryoso ang boses ni Papsi. Malalim at matigas. Pinakinggan ko lang kung ano ang gsuto niyang sabihin.
"Minsan daw napunta siya sa grocery. Nabili na niya lahat ng gusto niya. Isa na lang ang nasa listahan. Ang Cereal."
Nag simulang mag tawanan ang klase. Nakarandam ng pagka irita ang aming guro.
"Siguraduhin mong seryoso yan Mr. Hemano kung hindi dadalin ko kayong dalawa sa prefect."
"Opo sir, patapusin nyo lang po ako."
"Class, quiet. Go on Mr. Hermano"
"Edi yun nga, napunta siya sa piliian ng Cereal. May nakita siyang tatlong klase."
Nanahimik siya sandali at umubo. Tila nakatuon ang buong klase sa sinasabi niya.
"Ang plano niya talagang bilin ay Coco Crunch. Una, dahil un tlaga ang gusto niya. Pangalawa, ito na ang nakasanayan niya. Pero sa pagkakataon na yon, tila ba inaakit o naakit siya sa Cereal sa tabing estante ng Coco Crunch."
"Ano yung katabi?" Hirit ng isa naming kaklase mula sa likod.
"Honey Stars. Hindi man madalas kumakain si Jon nito, natikman niya na ito at nasarapan din naman DAW siya. Pero kung yun lang ang pagbabasehan eh Coco Crunch na ang pipiliin niya. Ang kaso lang eh may libreng laruan yung Honey Stars."
******! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo Papsi!
"Pero hindi doon natatapos yon. Sa bandang itaas na estante ay may isa pang Ceral na tila nagpapansin din."
"Ano naman yon?" Hirit ng teacher namin na parang naniniwala na sa mga pinagsasasabi ni Papsi.
"Fruit loops sir. Hindi gaanong matamis, hindi gaanong matabang. tamang tama lang. Pero kung lasa lang din ang pagbabasehan ay hindi ito pipiliin ni Jon. Kaso nga lang, may promo ata noon. Mas malaki ang kahon nito at may nakalagay na 30% more. Yan ngayon ang problema ni Jon. Coco Crunch, Honey Stars, o Fruit Loops?"
Natahimik ang buong klase. Tila ba nagtataka sila at naninibago kay Papsi. Para bang naramdaman nila na ibinigay ni Papsi sa kanila ang hinihingi nila pero ikikubli ito sa katotohanan. Pati ang teacher namin ay natahimik na lang at sinabing...
"Ok, you both may sit down."
Pag kaupo namin ay nagkanya kanya nang sigaw ang mga kaklase ko, lalo na ang mga lalake.
"Pre, i'd go for Honey Stars! May libreng laruan oh!"
"Tol ako, Coco Crunch, fave ko yun eh."
"Jon, d ba pwedeng all of them na lang?"
Mula sa malayo, tinanaw ko si Camille.
"Jon!! Coco Crunch! Mas nauna yun eh.."
Naintindihan nya ba ang kwento ni Papsi?
Tumango na lang ako sa sinabi niya...
*wink*
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:00:45 GMT -5
"Bakit ba kasi?"
P.E. Class namin ngayon. Hinila ako ni Papsi sa likod ng stage.
"Mag uusap lang tayo."
Naupo ako sa sahig na nilatagan ko ng lumang kartolina na ginamit ata para sa isang bulletin board. Si Papsi naman ay nanatiling nakatayo lang.
"Lufetness ng ginawa ko knina no!"
"Oo paps, di ko naisip na makakapag imbento ka ng ganun!"
"Alam mo kasi..." Naging seryoso bigla ang tono ng pananalita niya. "Pareho lang tayo eh."
"Panong pareho?" Sabi ko habang pinapagpag ang maggas ng t shirt ko.
"Pareho lang tayong matalino, pareho lang tayung wafuness! Nyahahaha!"
"Oo! Agree ako dyan! Pwera lang dun sa wafuness part... lamang ako sayu dun di hamak!" Pabiro kong sabi na medyo pasigaw.
"Kaya nga nagtataka ako eh... Bakit gusto ka ni Camille."
Tumalikod siya sakin habang nag sasalita. Hinaharangan niya ang ilaw na nangagaling sa gilid ng stage.
Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Hindi mo siguro halata tol, pero gusto ko din si Camille. Noon pa."
Hindi ko alam kung paano ako mag rereact sa mga gantong pagkakataon. Seryoso ba siya?
"Kaya nga.. Medyo nasaktan ako nung nalaman kong "kayo" na. Nabigla ako eh. Hindi man lang kita naramdamang manligaw sa kanya. Hindi ko napaghandaan ang magiging reaksyon ko."
Tumingin siya sakin. Parang sinisilip niya kung anu ang sinasabi ng mukha ko. Nagpatuloy muli siya sa pagsasalita.
"Lalo pa akong nainis, hindi, nagalit pala, nung nakita ko yung ginawa mo kay Mae. Tol, katarantaduhan yon"
Ngayon ko lang naramdaman na ganto ka-seryoso si Papsi. Sa totoo lang, medyo natatakot na ako.
"Ayoko lang makealam nung una eh, bilang respeto na din sayo dahil boyfriend ka ni Camille. Pero pare, sobra na eh. Tang'na, kung alam ko lang na tatarantaduhin mo lang si Camille edi sana noon pa lang e ipinaglaban ko na ang nararamdaman ko sa kanya."
Ang tao nga naman pag napuno. Magpupumilit ilabas ito sa kanya kanyang paraan. Damang dama kong puno at naguumapaw na ang nararamdaman ni Papsi kaya siya nagkakaganto.
"Tek--" Pinigilan niya ako sa pagsasalita at ipinagpatuloy ang sinasabi ya.
"Oo alam kong bagsakin ako. Oo alam kong repeater ako ng ilang beses. Oo alam kong hindi ako sing gwapo miski ng kuko mo sa paa. Oo alam kong ganto lang. Pare! Ganto lang ako!"
Humarap siya sakin paulit ulit niyang sinabing "Ganto lang ako!" habang itinuturo ang sarili gamit ang kanyang dalawang hinlalaki.
Tumahimik sandali. Pareho kameng huminga ng malalim. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Pero tang'na, kung ganyan lang din ang itatrato mo kay Camille, sa tingin ko e mas magiging masaya pa siya sakin.."
Hindi ko na nakuhang magsalita. Tama si Papsi. Tama ang lahat ng sinabi nya. Kung patalim lang ang mga salitang binitawan ni Papsi, marahil patay na ako ngayon.
Nilakad niya ang maliit na distansya sa pagitan namin. Dahil naka tayo siya at ako naman ay nakaupo, yumuko siya sakin. Sinulyapan ko lang ang mukha niya pero hindi ko kaya. Pati sa taong to nahihiya na ako sa mga pinaggagagawa ko.
"Alam mong problema sayo tol?" Pasigaw niyang sinabi sakin.
Umiling na lang ako habang naka yuko. Kala mo bang pinapagalitan ako ng magulang ko.
"Nilamon na ng lib0g yang utak mo eh. Nakakita ka lang ng umbok at kurbada nagkaganyan ka na!"
Aray..
"Pre naiisip mo na ba yang pinagagawa mo? Isipin mo ha. May syota ka, tapos nakikipag landian ka sa iba? Ang masama pa don e hindi lang basta kung sino yung nilalandi mo, kapatid ng syota mo pre!"
Hindi ako nakaranas ng ganto sa mga magulang ko o kahit kanino pa man. May karapatan ba si Papsi na gantuhin ako?
"Hindi lang relasyon nyong dalawa ang sinisira mo, pati yung relasyon nung magkapatid pare. Galing. 2 in 1. Parang kape lang ah?"
Sa puntong ito, sinisipsip ko lahat ng pinagsasasabi ni Papsi sakin. Masakit, pero ano pa nga bang magagawa ko. Bigla ko na lang naramdaman ang mabibigat niyang palad na hinawakan ng mahigpit ang balikat ko at pinilit akong itinayo.
"PUT*NG*NA ka!? Nakikinig ka ba sakin!?"
Nanatiling walang reaksyon ang mukha ko.
"Oo.."
"TANG*NA, ako ata pinaglololoko mo eh. Baka hindi mo pa napagtatanto, pwedeng pwede kitang saktan ngayon. Pare galit AKO."
Hindi na ako nakapagiisip pa ng matino..
"Jason, saktan mo na lang ako. Alam kong mali ako."
Maliit ako. Malaki si Papsi. Lalong humigpit ang hawak niya sa malikat ko. Hinila niya ng malakas ang damit ko at inihampas ito sa kahoy na pader, siyempre kasama ako.
Damang dama ko ang pag tama ng likod ko sa haligi. Masakit. Inisip ko na lang na bayad-kasalanan tong ginagawa sakin ngayon.
Pero hindi pa sapat to.
"Taena pre, tropa tayo eh. Di ko lang matiis na nakikitang nahihriapan si Camille. OO pre mas matimbang si Camille kesa sayo."
Nanatili akong walang imik. Lalong nainis si Papsi. Tumalikod siya, astang aalis na. Sumuntok sa pader at sinabing..
"Tang'na walang silbe!" Sabay lumabas patungo sa gym.
Nanatili lang ako kung san ako iniwanan ni Papsi. Sa sahig, nakasandal sa pader, pawis at iniinda ang sakit sa likod ko.
Tama ang lahat ng binitawang salita ni Papsi.
Ano ngayon ang kailangan kong gawin?
Pumili ng isa?
Pumili ng wala?
Pumili ng... Dalawa?
Para akong madumeng panyo..
Panyo. Ang panyo ay dapat manatiling malinis dahil ipinampupunas ito sa mukha. Ngayon, pag ang panyo mo ay nalaglag sa isang madumeng lugar, malamang sa hindi, hindi mo na ito gagamitin sa mukha mo. Pwede mo na ngayon itong gamitin para sa sapatos mo dahil madume na ito. Pag nalaban naman ulit ito ay pwede na ulit sa mukha...
Pag madume na ang isang bagay, ok lang lalo pang dumihan. Lalaban naman eh.
Akala ko habangbuhay kong idedeklara sa sarili ko na mabuti akong tao, na malinis ang konsensya ko.
Siguro hanggang dito na lang yon.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:41:48 GMT -5
"Eh anu bang alam ko? Highschool student lang naman ako." Sinabi ko kay Mae ng pasungit. "Ikaw nga dapat ang may alam kasi ikaw tong nakakatanda at ikaw ang nag aya.."
"Taray mo ah!" Sabay tumingain siya sakin, pinasingkit niya ang singkit na niyang mata. "Gusto mo sampal!?"
"Ehh.. Joke lang nmn eh.." Sabay ngiting aso.
"Wag mo kong ngitian ng ganyan, lalamirutin ko yang pagmumukha mo!" Binitawan niya ang manibela ay kinurot ang magkabilang pisngi ko.
"Araaaaaay!!" Hinaplos haplos ko ang magkabilang pisngi ko. Seryoso, masakit ung lambing nya ah.
Umandar na ang sasakyan sa harap namin, iniabante na din ni Mae ang sasakyan.
Sigurado kong nagtataka kayo kung nasan kame ngayon at ano ang ginagawa namin (baka nga sa punto na to, chineck mo kung may na miss kang update dahil akala mo hindi eto yung karugtong). Andito kame ngayon sa kotse nya. Nasa edsa kame, on the way papuntang Trinoma. Trinoma? Nagtataka ka no? Wala lang, inaya niya kasi ako. Labas lang daw kame, "chill" lang daw. Pasyal pasyal ng konti. E pano naman ako makakatanggi diba? Si MAE yan eh! At isa pa, Sabado ngayon at ayon sa kanya, walang alam si Camille tungkol dito.
Camille, Camille, Camille...
Bat nga ba ako pimayag sa aya ni Mae? Eto ha, makinig ka sa sasabihin ko at sana maintindihan mo ko at hindi magiba ang tingin mo sakin. Tao rin naman ako. Kailangan ko rin namang lumigaya diba? At sa ngayon, eto ang kinaliligaya ko, ang makapiling si Mae. Tama na muna ang pagpipilit ko sa sarili ko. Naisip ko rin naman na kailangan kong pakinggan ang talagang gusto ko at kailangan ko rin namang lumigaya. Kailangan ko namang gawin ang mga bagay na gusto ko, hindi para kanino man kundi para sakin lang talaga. Sarili ko naman diba?
E pano na nga si Camille?
Sa totoo lang, hindi ko alam. Sa ginagawa kong to, malaking lamat ang magiging dulot kung malalaman niyang umalis kame ng ate niya. Baka nga mabasag pa eh.
Mabasag...
Hmm..
Tama. Mabasag. Binasag. Babasagin. Kung makakagawa ako ng isang bagay na hindi ikakatuwa ni Camille eh maaaring mainis siya sakin at... Tapusin niya ang relasyon namin. Tama tama. Hindi tama, alam ko. Pero sa ngayon, wala na muna akong pakealam sa iba. Sabi ko nga kanina, AKO NAMAN. Sarili ko naman. Ngayon lang oh. Sana pagbigyan na ako ng tadhana.
Pero..
Kahit ganto na nga... Ayoko pa rin namang maging masamang tao. Diba, mang two-two time ka na lang, sa kapatid pa ng girlfriend mo. Ang saklap na pakiramdam siguro nun sa mga babae. Minahal ko naman si Camille kahit papano kaya ayoko pa rin naman siyang saktan.
Hay nako... Aasa na rin lang ako sa super hero. Bahala na si Batman. Gusto ko munang magpakasaya ngayon. Go with the flow na lang. Things will work out naman eh. Sana..
Right now, my heart is owned by a college girl. Hindi ko naman kayang sabihing mahal ko siya agad. Ayokong mag madali. Kahit na ganto ang mga nagyayari, gusto ko pa ring makasigurado sa mga salitang binibitawan ko sa sarili ko. Sarili mo na lang lolokohin mo pa? Hmm...
Di ko namalayan, kasalukuyan na pala siyang nag papark. Natauhan na lang ako nang inaya na niya ako palabas ng kotse.
"Jon, san mo muna gustong pumunta?" Habang iniuunat niya ang soot niyang fitted na pink shirt.
"Ikaw bahala, tutal ikaw naman nag aya sakin eh."
"Di ka pa ba nakakapunta dito??"
Tumingin ako sa sahig.. Kumamot ng ulo.
"Hindi pa eh.."
"Weeenks.. Hay tara na nga, ilang ektaryang lupain tong trinoma, siguro naman marame tayong pwedeng gawin dito no?"
Tumungo kame papunta sa pintuan. Dama ko na ang malamig na hangin na nagmumula sa loob. Dumaan siya sa pambabae, ako naman sa panglalaki. Hinintay niya ako ng konti dahil mas maraming pumapasok na lalake ng mga oras na yon.
"Tara na" Ang sabi niya habang isinabit niya ang buhok niya sa kanyang kaliwang tenga.
Boom! Huli ako.
Sa tuwing ginagawa ni Mae sa harap ko yan, natitigil ang mundo ko. Minsan nga pag alam kong gagawin na niya yon ay umiiwas na lang ako ng tingin. Alam kong mag hahang nanaman ang sistema ko. Talaga namang napaka cute niya sa tuwing ginagawa niya iyon. Minsan nga pakiramdam ko sinasadya niyang gawin sa harap ko yun. Ah ewan. Ang alam ko lang ay natutuwa ako sa twing ginagawa niya yon. Kung pwede ko lang siyang kunan ng larawan habang ginagawa niya yon ay ginawa ko na. Tapos ipiprint ko to. Mag lalagay ako sa wallet ko. baka gawin ko pang cover ng notebook ko. O di kaya naman gawin kong unan o kurtina ng kwarto ko. Baliw? Oo. Ganyan pag umiibig.
Naglalakad na kame, walang tiyak na pupuntahan. Paikot ikot ang tingin, naghahanap ng gagawin.
Bigla nanamang pumalo sa isip ko. Sino ba tong kasama ko? Anong alam ko sa kanya bukod sa pangalan niya? Hindi ko alam. Siguro kaya ako nandito ngayon para malaman ang kasagutan.
Umakyat kame ng escalator.
Nagulat ako.
Humawak siya sa kamay ko.
Ang mga daliri niya ay pumasok sa puwang sa pagitan ng mga daliri ko. Walang pagkakailang na namagitan samin. Akala mo ba matagal na naming ginagawa ito. Kakaiba. Pero nakakatuwa.
Pagdating namin sa sumunod na palapag ay may nakita ako. "Powerbooks."
"Ay, dun muna tayo.." Itinuro ko ang nasabing tindahan.
"Ngekk!! Anu naman meron dyan?"
"Libro malamang.."
"Booooooooooooring... Ang nerd mo talaga." Sabay ihip sa bangs niya pataas. Kumaway ito sa hangin na tila ba nangaakit.
"Edi sige wag na.. Kanina lang tinatanong mo kung san ko gustong pumunta eh.. tapos..."
"Wooh! Eto naman nag tampo agad! Sinundot niya ang tagiliran ko na parang kinikiliti ako. "Tara na nga, baka sumbong mo pa ako sa mama mo eh."
Pumasok kame ng Powerbooks. Pagkapasok, dumiretso ako sa mga estante ng libro, nag hiwalay ang kamay namin dahil siya naman ay tumungo sa couch.
Sinuri ko ang mga libro hanggang mahanap ko ang hinahanap ko. Tumungo na ako kung nasan si Mae.
"Anong libro yan?" Sabi nya.
"Paulo Coelho to, isa sa mga paboritong authors ko."
Kinuha niya ang libro, tiningnan ang pamagat.
"By The River Piedra, I Sat Sown and Wept?" Sabi niya, sabay tumingin sakin ng nakataas ang isang kilay. "Napaka emo naman nitong libro na to."
Binuksan niya ang libro, nag hanap ng pahinang mababasa niya.
"By the river Piedra I sat down and wept. There is a legend that everything that falls into the waters of this river—leaves, insects, the feathers of birds—is transformed into the rocks that make the riverbed. If only I could tear out my heart and hurl it into the current, then my pain and longing would be over, and I could finally forget."
Binigkas niya ng malakas ang mga nababasa niya.
"Ang emo naman nito."
Nanatili akong walang imik. Pinabayaan ko lang siyang suriin pa ang libro. Binigkas niya ang susunod na talata.
"By the river Piedra I sat down and wept. The winter air chills the tears on my cheeks, and my tears fall into the cold waters that course past me. Somewhere, this river joins another, then another, until far from my heart and sight all of them merge with the sea."
Isinarado niya ang libro at inihagis sakin.
"Di ko keri yang mga ganyang babasahin. Masyadong heavy. hahaha!"
"Well, it's an aquired taste. Di mo naman agad siya magugustuhan sa unang basa."
"Wut eveah Jonard, ur such a loooozer.." Ginaya niya ang karakter ni Ogie sa bubble gang. Pero hamak naman na mas cute siya dun. "Bayaran mo na yan kung bibilin mo nang makakain na tayo, nagugutom na ako."
Lumabas kame ng powerbooks at tumungo sa Teriyaki Boy. Alam kong masarap dito dahil nakakain na ako dito dati kaya lalo akong nasabik.
Umupo kame, umorder at hinintay ang pagkain. Nagusap lang kame tungkol sa lahat lahat ng bagay na gusto namin pareho. Ragnarok. Ano pa ba? Ito ang bagay na nag uugnay saming dalawa. Eto ang ginawa naming parang diving board na nag simula nang pagkakakilanlan namin sa isa't isa. Pero ngayon, hindi lang basta simpleng laro ang naguugnay samin. May isang bagay na naguugnay saming dalawa. Isang bagay na hindi kita, pero ramdam. Hindi na namin kailangang banggitin pa sa isa't isa. Hindi na namin kailangan ng kahit anong bagay pa na maguugnay samin, magkaugnay na kame at mahirap na kameng paghiwalayin.
Alam ko..
Ramdam ko..
Maya maya pa ng kaunti ay dumating na ang pagkain namin. Wow! Natatakam na ako. Pagkarating ng pagkain namin, ang unang ginawa ni Mae ay kinuha ang lahat ng kutsara't tinidor at iniabot sa waiter.
"Paki palitan po ng Chopsticks."
"Sige po ma'am." Dali daling lumayo ang waiter.
"Teka teka teka!" Ang sabi ko kay Mae.
"Bakit anu yon?" Sinabi niya ng naka ngiti. Ngiting may laman.
"Ehh.. Hindi ako marunong mag chopsticks eh!!"
"Hahaha!! Alam ko.. Nabanggit na sakin dati ni.."
"Eh alam mo pala eh!! Bakit pinabalik mo ung mga kutsara?"
"Wala lang... Hahaha!!" Inilapit niya ang mukha niya sakin. "Gusto lang kitang pahirapan! Nyahahha!!"
Seryosong tanong ko sa sarili ko: PANO AKO KAKAIN!?
Hindi talaga ako marunong mag chopsticks. Hindi ko naman pwedeng kamayin to, sige nga ikaw kamayin mo yung noodles.
Dumating ang chopsticks. Ibinigay ni Mae ang isang pares sakin. Binuksan niya ang sa kanya. Pinagmasdan ko siya kung pano niya gamitin. Talagang gamay na gamay niya. Mapa maliit o malaking pagkain, nakukuha niya. Ako naman, pinilit ko... Wala talaga. Para bang pupulikatin ang daliri ko sa kakapilit.
Habang ako'y hirap na hriap sa ginagawa ko, si Mae naman ay nakatingin lang sakin at tuwang tuwa.
"Oi, hindi to nakakatuwa, masakit sa daliri.."
"Hahaha! Pansin ko nga eh..."
Kinuha ko ang isang pirasong Chopstick, tinusok ko ang isang California Maki, isinubo. Hay sa wakas..
"Oyy!! Madaya!!" Ang sabi niya habang iwinawagaywagy ang Chopsticks niya sa mukha ko.
"Eh ang hirap kasi eh!!" Ang sinabi ko na may halong gigil pa.
"Sige ganto na lang..."
Kinuha niya ang chopsticks na hawak hawak ko, inilapag. Kumuha pa siya ng California Maki gamit ang chopsticks niya at inilapit sa mukha ko.
"Say aaaaaaahh"
Ngumanga naman ako. Ipinasok niya ang pagkain sa bibig ko. Nginuya ko at nilunok.
"Para naman akong bata.." Sinabi ko ng nakasumangot. "Pano yan, uubusin natin to ng sinusubuan mo lang ako?"
"Oh bakit, ayaw mo ba?"
Ayaw ko nga ba?
"Uhhm..."
"Ayaw mo ata eh.." Matamlay na sinabi ni Mae. "Sige, papakuha na ako kutsara.."
"Wait lang!" Pinigilan ko siya sa pag tayo.
"Oh bakit?" Sabi niya habang umuupo ulit.
"Syempre... Gusto ko! Hehehe.." Inilapag ko ang kamay ko sa hita ko. Iniabante ang ulo ko. Binuka ang bibig ko na parang bata at sinabing... "Aaaaaaahh.."
"Hahaha! Kala ko Aayaw ka eh."
"Ikaw pa, lakas mo sakin!"
Kahit pinagtitinginan kame ng mga tao, wala kameng pakealam. Kame lang ang nasa mundo at walang makakapigil sa kasiyahan namin.
Hindi naibibigay ni Camille sakin ang ganto.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:42:06 GMT -5
"Pa heal naman.." Sinabi ko sa kanya habang kasalukuyan kong binabanatan ang isang Marc na sarap na sarap sa pag atake sakin dahil mababa lang ang flee rate ko.
"Ayoko nga!" Sinabi niya ng pasungit. "Bahala kang ma deds dyan!"
Nga pala, nandito kame ngayon sa isang computer shop sa katabing may SM north. Wala kameng makitang shop sa trinoma kaya dito na lang kame nag laro. Pa lvl daw kame. Pero sa mga nangyayari, mukhang mauubos pa exp ko dahil sa babaeng to.
"Nag priest ka pa kundi ka rin lang naman magheheal?" Hindi pa man din ako nakakapag react ay may dumating na isang Swordfish. Nataranta na ako. "Heal mo na ako dali! Baka ma waterball pa ako nyan!"
"Ayoko nga!!"
Kalahati na lang ang HP ko.
"Dali na kasi!! Please!!"
"Pilitin mo ko.." Binitawan niya ang mouse at keyboard at inayos ang buhok.
"Pleaaaaaase!?"
"Kiss muna!" Humarap siya sakin at ngumuso na parang bata.
Tumingin ako sa hotkey slots ko. May nakita akong pots! Kaso tatlong pirasong orange pots lang. Halos walang nadagdag sa buhay ko.
"Dali na kasi!!" Tinatapik ko na ang blaikat niya dahil talagang madededs na ako pag nagwater ball tong swordfish na to. "Madededs na akO!!"
"Kiss lang eh ayaw pa. Bahala kang ma deds dyan." Inupo niya ang character niya na. Talagang hindi ako iheheal nito.
"Promise mamaya pag hineal mo ako."
"Gusto ko ngayon na!"
Sobra na ang pagpapanic ko. Paulit ulit ko pa ring pinipindot ang f8 dahil doon nakalagay ang pots ko pero tulad nga ng sinabi ko kanina, wala na itong laman.
Napansin kong nag cacast na ang Swordfish, siguradong waterball na ang kasunod nito. Patay.
Tarantang taranta na ako. Nakaupo pa rin ang priest niya. Sa hindi malamang kadahilanan ay pinindot ko ang alt + e at nakakita ako ng liwanag.
Life Insurance.
Agad ko itong dinobol click at hinayaan na lang ang sarili kong mamatay. Hindi nagtagal ay humilata na ang character ko sa malamig na sahig ng byalan.
"Ayan deds ka tuloy..." Sabi niya. "Isang kiss lang kasi ayaw pa.."
"Hehe! Naka insu ako!" Lumingon ako sa kanya. "Blehh! Kala mu naman..."
"Damot nito sa kiss."
"E nakakataranta kaya!"
"Wala ka nang kiss sakin mamaya! CHE!"
"Edi wag!"
"Talaga!"
"Amf ka!"
"Che!"
"Lul!"
"Anong 'lul' ha?! Gusto mong sampalin kita, kaliwa't kanan. Pataas at pababa?"
"Subukan mo lang, iuuntog kita sa abs ko!"
"Sabunutan na lang!"
"Tara! San ba? Sa buhok sa dibdib!"
"Wala akong buhok dun.." Sabi ni Mae habang umiiling iling.
"Sa buhok sa hita!"
"Yuck! Feeling mo naman meron ako dun!"
"Sa ilong na lang!"
"Asa ka boy. Wala din ako dun!"
"Scared ka lang!"
"Scared!? Tara sabunutan ng pilik mata!"
"Tara!"
"Tara! Ano ha!"
At sabay kameng nagtawanan. Malakas at masayang tawanan.
Mae, pag kasama kita... Para bang lumalabas ang talagang ako. Hindi ko kailangang mag panggap, hindi ko kailangang mag isip. Naipapakita ko sayo kung ano ako dahil tinutulungan mo akong ilabas ito. Masaya ako pag kasama ka. Sana hindi na tayo mag hiwalay pa.
Matapos ang malakas naming tawanan, niresurrect na niya ako para masimulan na ulit ang pagpapa level namin. Tumungo kame papalapit sa entrance dahil madame kameng nakikitang mobs dun. Sa pagpunta namin ay may nakasalubong kame. Isang Agre na Assassin na babae. Talaga namang napaka agre, nag sonicblow agad nang nakita ako.
"Yuck, damage ba yan! Hahaha!" 98 lang ang damage ng sonic blow niya sakin per hit.
"Baka naka knife! Hahaha!" Sinabi ni Mae habang tumatawa.
"Noob mo naman! Pwede bang mag sonic blow pag naka knife!? Katar class weapon lang po!"
"Taena, whatever Jaube!" Tinawanan nya na lang ang nangyari. Pilit pa rin kameng nilalabanan nung assassin. Sonic blow, cloak. Paulit ulit lang. Dito ko nakita na ang galing mag FS ni Mae.
"Jon, bash bash mo lang."
Lumabas ang assassin sa pagkakatago sa pamamagitan ng ruwach ni Mae. Sinabayan ng Lex Divina at Decrease agi.
"Banat!!"
Hindi ko inaasahan na tatama ang bash ko sa assassin na iyon dahil 34 pa lang ang aking dex pero laking gulat ko nang may lumabas na mga bitwin sa ulo niya. Tumama ang bash ko at na stun siya. Paulit ulit kong binash sa pamamagitan ng Double Saharic Twohand Sword ko ang walang kwentang assassin. Akala ko ay mamamatay na pero sa kasamaang palad, naka pag cloak pa siya dahil natanggal na ang duration ng silence.
"Potek nakatakas!"
Hindi nagsaltia si Mae, sa halip ay nagpalabas siya ng Asul na bolang apoy (Ruwach) at lumakad papataas. Bigla ko na lang narinig ang "Pak!"
Sinalo ng ASAssin ang 300 dalage na ibinigay ng ruwach ni Mae.
"Hahahaha!! Namatay sa ruwak!" Sabi ko ng pasigaw.
"Ruwak? Eww.. Kadurdur mo nmn.. Its RuwaCH."
"Ruwach amp. Whatever. Galing mong chumamba ampf! Napatay mo pa yun!"
"Ehem..." Inilapit niya ang kamay niya sa kanyang bibig at umubo. "Abilidad ang tawag dun kaibigan at yon ang kulang ka."
Nandito na kame ngayon sa entrance at kasalukuyang inuubos ang Mobs. Medyo natagalan dahil naubos ang SP ko pang bowling bash.
Masaya kameg nagpapa level ni Mae nang biglang may nagrespawn na babaeng monk sa portal na malapit samin.
Natigilan kameng dalawa. Babanatan ba namin? Pano kung hindi naman siya agre?
Lumakad siya ng dalawang cell papalapit samin. Lumakad din kame ng dalawang cell papalayo. Tina nagpapakiramdaman kame. Laking gulat namin ng umupo lang siya at nagpakita ng bandila ng pilipinas at ng peace sign.
"Hindi naman pala agre eh. Hahaha!"
Nilapitan namin siya, mukha namang mabait kaya ninais naming makipag usap muna.
Jaube: hi po ate (IMG:style_emoticons/default/PHflag.gif) creampuff!!: hi din kuya, ate ~*mae*~: lvl mo po ate? creampuff!!: 90 po. pa buffs naman po ate.
Itinayo ni Mae ang character niya at binuffs ito. Kumpleto.
Matapos ang ilang sandali ay tumayo na rin si creampuff!!. Hindi ko napansin, kumpleto pala ang spirit spheres niya at naka vigor explosion siya.
Hindi to maganda.
"Silence mo mae!"
Naramdaman kong tatraydorin kame nitong monk na to at hindi nga ako nagkamali. Bago paman makapag react si Mae sa sinabi ko ay may lumabas nang mga intsik na letra sa itaas ng ulo ng monk.
Extrimity Fist !!
Nakita ko na lang ang bangkay ng character ni Mae.
"Ay bastos ang bruha!"
Alam ko na ang gagawin ko. Tumakbo. Kaya kong makaligtas dito dahil naka agi up naman ako at naka peco peco. Pero... Mabilis. Hindi pa man din ako nakakalayo sa lawak ng kita ng monk ay nakapag cast na siya ng decrease agi sakin.
Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !!
Masyado nang mabilis mag cast ang monk para pa takbuhan. Kung mag vivigor explosion pa siya at magcacast ulit ng limang vigor condensation ay may kakayahan pa akong makatakas. Pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa.
Finger Offensive !!
Wapakpakpakpakpakpak!
Tumama sakin ang libang asul na bola. Nakakabigla dahil hindi masakit ang bawas. Pero napansin ko na parang hindi ako makagalaw. Hindi naman ako naka freeze. Bakit hindi ako makagalaw?
"Sleep!!" Sigaw ni mae habang pinapanood niya ang umaatikabong pagtakas ko.
Lumapit siya sakin nag (IMG:style_emoticons/default/kis2.gif) at sabay ginawa ang ritwal.
Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !!
Vigor Explosion !!
Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !! Vigor Condensation !!
Wala na, katapusan ko na. -5 na matinde nanaman ako.
Jaube: sapak na dali
Yan na lang ang nasabi ko. Wala na rin naman akong magagawa eh.
Kasabay ng paglabas ng mga intsik na salita sa ulo niya ang ang pagsabi niya ng mga katagang:
creampuff!: jon, simba tayo bukas ah.
Extrimity Fist!!
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:42:28 GMT -5
Wat tym u uwi anak? From: Mama
Kaka out lang namin sa computer shop. Mukhang nabadtrip si Mae nung pagpapaslangin kame nung monk. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa, -5% ako pati si Mae -5 din. Palamig na lang daw muna kame.
Medyo bawas ang badtrip ko ngayon kasi may mas iniisip ako. Kilala ko yung monk na yon eh. Pamilyar ang pangalang creampuff!! Pero wala naman akong kilalang Monk talaga. Wala naman akong ingame friends pwera na lang sa mga kaibigan kong naglalaro din.
"Oh, bat ganyan pagmumukha mo?" Ang tanong sakin ni Mae habang hinihila niya ang manggas ng tshirt na soot ko.
"Wala wala, may iniisip lang ako."
"-5 lang yun noh! Wag mong masyadong isipin"
"Hindi hindi. Hindi yon eh."
"Saka alam mo..." Tumingin siya sakin at ininaas ang kaliwang kilay. "Ang noob mo din eh!"
"****, bakit nanaman?"
"Sana lumabas ka na lang ng portal nung nakita mong inasura ako." Iginuhit niya sa hangin ang ruta na inikot ng character ko nung mga oras na yon. "Umikot ka pa pabalik eh, nahabol ka tuloy."
Sabagay, tama siya. Ngayon ko lang din naisip na sana nga lumabas na lang ako ng portal.
"At isa pa..."
"Aba meron pa?"
"Oo meron pa!" Pasigaw niyang sinabi sakin. "Nung na sleep ka sana naman nag insu ka na lang para atleast walagng -5%."
Dinudutdot niya ang hintuturo niya sa noo ko ng paulit ulit habang sinasabi ang salitang "Noob! Noob! Noob!" ng paulit ulit.
"E dapat sinabi mo sakin kanino noh imbes na nagtititili-tili ka lang dun na parang nasagasaang daga."
"Ang kapal mo! Hindi ako tumitili!" Sabay pali sa braso ko.
"Tumitili ka! Tumitingin na nga sayo ung bantay ng shop eh!"
"Hindi nga!! Grrr!"
Kinurot niya ang malaman na parte ng braso ko at sa totoo lang... Masakit! Nakakapanghina sa sakit.
"Aray naman! Masakiiiiiit!"
Sa pagpigil ko sa kanya, lalo niyang dinidiinan at tulad kanina, halatang wala din siyang intesyon na bitawan at tigilan ang sakit na dinudulot niya sakin.
"Sinong tumitili ha?! Sino?!"
"Hindi ikaw! Hindi ikaw! Aray!!"
"E sino ha!? Sino?!"
"Ako!! Ako!" Namimilipit na ako sa sakit. Parang mapuputol na ung braso ko. "Ako yung tumitili!"
"Tumili ka ngayon!"
Wala na akong nagawa, tumili na lang ako at umasang sa ginawa kong yon e bibitawan na niya ang braso ko na kasalukuyan nang namimilipit sa sakit.
"EEEEEEEEEEEEEEEEEKK!!!"
Hindi na naging mahirap ang pagtili sakin. Sabagay, ikaw ba naman ang kurutin hanggang magpasa ang braso mo, mapapatili ka talaga. Maya maya pa, binitawan niya na rin ang braso ko.
"Haha! Parang badeng!"
"Kala mo kasi hindi masakit eh..."
Sadista tong babaeng to. Una hindi ako pinakain ng maayos. Pangalawa pinabayaan akong ma deds habang nagpapa level. Pangatlo, sinaktan ng walang pakundangan at panghuli, pinatili na parang baklita. Ano bang trip nito?
"Wag ka nang ma badtrip.. Lambing q lang un.. Hehehe.."
"E kung ikaw kaya lambingin ko dyan ha!"
"Oooohh.. Sige!" Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "Ang cute cute mo tlaga!"
Naglakad pa kame ng konti at nag aya siyang tumambay muna sa Starbucks.
Hindi ko siya kinibo habang papunta kameng Starbucks dahil sa Monk na yon. Kilala ko talaga yon! Pero sino yon? Nakakapagtaka talaga kasi bakit alam niya ang pangalan ko?
"Jon, simba tayo bukas ah."
At bakit aayain niya akong mag simba bukas? E kasama kong magsimba bukas eh si...
OMG
(IMG:style_emoticons/default/omg.gif)
Flashback..
"Ano yang nilalaro mo?"
"Ragnarok yan, online game"
"ahhh, so yan pala yon. turuan mo naman ako oh!"
"err... sure ka?"
"oo naman! bat hindi? tutulungan mo naman ako diba?" Sabay ngiti.
Si Camille!?
Tama tama... creampuff!! nga ung name na ginawa nya noon! Hindi ko alam na naglaro pa din pala siya. Wala naman siyang kainteres interes noon. Tapos ang galing na niya, grabe ano ba tong nangyayare na to.
Nakaupo na kame ngayon dito sa loob. Hinihigop ko ang paborito kong Moccha Frappe at siya naman ay ang kanyang Vanilla Frappe (ewww..)
"Mae... Parang kilala ko yung monk"
"Oh? Sino naman un nang masabunutan ko."
"Tingin ko si..."
Sasabihin ko ba? Sure ako na si camille yun dahil sa name.. Pero ano naman kaya mangyayari pag sinabi ko? Parang magaaway lang sila lalo. As if kulang pa AKO para pagawayan ng dalawang magkapatid (ehem). Sasabihin ko ba?
"Gag'u, wag mo nang sabihin sakin. As if naman kilala ko yan noh? Hahaaha!"
"Hehehe.. Oo nga."
Tumayo si Mae na parang nagmamadali.
"Jon teka lang, may kunin lang ako sa car."
Nakalayo na siya. Ano kaya kukunin nun?
Brrr.. Brrr...
Haberdey tol! Pa berger ka nmn!! Sender: Fred
Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa inyo. Birthday ko po ngayon. Wala lang. Simpleng araw lang, nothing special. Ayoko kasing sinecelebrate pa ang birthday. Minsan kasi maiinis ka lang. Akala mo dadagsain ka ng pabati, pero sa katapusan ng araw, isa o dalawa lang ang babati sayo, miski nanay o tatay mo di ka nabati kasi hindi naman kayo halos nagkikita sa bahay. So para sakin, simpleng araw lang ang birthday. Pero etong birthday ko na to, matinde. Syempre kasama ko si Mae, may mas sasaya pa ba? Kaso nga lang miski siya ata e hindi niya alam a birthday ko. Ok lang, at least masaya naman ako. This is my best birthday so far.
"Wag kang titingin dito."
May biglang humawak sa ulo ko nang madiin. Pinigilan niyang umikot ang ulo ko. Alam kong si Mae yon dahil sa boses.
"Mae? Ano yon?"
"Wag kang malikot, kukurutin ulit kita."
Itinali niya ang panyo niya sa mata ko. Ano nanamang kalokohan to?
"Hoy ano to?"
"Wait lang..."
Sinigurado niyang mahigpit ang pagkakatali at sinigurado niyang wala akong nakikita.
"Pag sinabi kong game, alisin mo na yan."
Parang nakita ko na sa pelikula to ah.. Kaso nga lang lalaki ata ang kadalasang gumagawa nito.
"Game!"
Walang pagaalinlangan kong inalis ang piring sa mata ko. Kinuskos ang mata at tumingin padiretso.
"Happy birthday jon!!"
Wow! Isang brown na teddy bear na may puso sa dibdib! Inabot niya sakina t kinuha ko naman nang walang pagdadalawang isip.
"Woah! Alam mo pala na birthday ko? Pano mo nalaman?"
"Kasi kameng mga modernong tao e meron kameng tinatawag na komputer, at sa kompyuter merong tinatawag na friendster.com at sa friendster.com e nakikita namin ang mga birthday ng mga taong nagtatago."
"Ayyy.. oo nga pala. Hahahaha!" Pinagmasdan kong mabuti ang teddybear... "grabe thanx ah!"
"Press mo yung heart, pakinggan mo sasabihin.."
Pinindot ko ang puso nung bear.
"i love u jon~"
"Isa pa dali!" Sabi ni Mae.
"I miss u jon~"
Boses ni Mae yon na nirecord at inilagay don sa bear. Kakaibang regalo naman to. Nakakatuwa. Nakakakilig. Pero ayokong ipakita.
"Boses ko yan." Sabi ni Mae. "Yakapin mo yan pag wala ako ah. Hahaha!"
"Grabe Mae... Hindi ko alam sasabihin. Salamat. Salamat talaga!"
Lumapit ako sa kanya at binigyan ko siya ng madiin na akap. Masayang masaya ako ngayon. Kung hindi ako nagpipigil ay baka tumutulo na ang luha ko sa kasiyahan.
"Ingatan mo yan ah!"
"Oo naman..!"
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Sana ganto na lang palagi. Sana palaging masaya, sana palaging nakakakilig. Sana lagi tayong magkasama. Sana hindi na matapos ang mga sandaling ito.
Brrr.. Brrr.. Umuwi k n d2. Bwal gumla pag bday. Sender: Mama
"Mae... Pinapauwi na ako ni mama.."
"Ay sayang naman.. Sige hatid na kita, baka mabadshot pa ako kay 'mommy'. Hahaha!"
"Sige, hatid mo ko samin, pakilala na din kita sa family ko."
"Papakilala mo ko?" Nanlaki ang mata niya na nagpapakita na nabigla siya.
"Oo.."
"Bakit?"
"Para malaman nila kung sino ung lagi kong kasama." Tumingin ako pababa at sinabi kong "Bakit?.. Ayaw mo ba?"
"Hinde sige, tara na!! To naman eh."
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kame patungo sa parking lot.
Habang nasa sasakyan, wala kameng ginawa kundi magkulitan at mag kwentuhan. Nagkantahan din kame ng mga kantang alam namin.
Ilang sandali pa ay nandito na kame sa bahay. Nagdoorbell ako at sinabihan ko si Aling Lucy na buksan ang gate dahil may papasok sa sasakyan. Sabay kameng bumaba ni Mae.
Pumasok kame sa pinto, parang antahimik ng bahay.
"Maaa~ Andito na ako."
"SURPRISE!!"
Totoo ba itong nakikita ko? Bigla na lang napuno ng ingay at confetti ang buong sala namin. Ang mga kaklase ko nandito lahat. May kanya kanyang dala ng lobo at party hats. Si papsi may dala ng cake na malaki, si fred at ang mga tropa may hawak ng banner na may nakasulat na "Happy Birthday Jon!". Nandito rin ang mga pinsan ko at ang ilan pa sa mga kapitbaghay at kamaganak namin.
"Ano to?!"
"Oh anak, baka pati sarili mong birthday nakalimutan mo na? Happy Birthday." Ang sabi sakin ni mama, sabay akap.
"Salamat ma. nga pala ma, si Mae po. Friend ko po."
"Good afternoon po."
"Oh good after noon din, kain muna kayo doon."
Grabe, andameng tao, magulo, maingay, masaya! Eto na talaga ang pinaka masayang birthday ko! Hindi kame naghiwalay ni Mae, ipinakilala ko siya sa mga kaklase at kaibigan ko, pati kela mama at papa. Hawak hawak ko pa din ang teddy bear na ibinigay niya.
Kumuha ako ng punch para smaing dalawa ni Mae, nakita ko si Papsi na soot soot ang masang mukha niya na lagi naman niyang soot.
Nagtataka ako dahil hindi naman pwedeng si mama ang may pakana nito, dapat isa sa mga kaklase ko ang may gawa nito.
"Papsi, ikaw ba nag plano nito?"
"Hahaha! ga'gu ka ba? Inimbitahan lang ako. Hapi bertdey nga pala pre."
"Eh sino nag plan nito?"
"Ayun oh." Tinuro ni Papsi ang babaeng nakatayo sa may pintuan. Si Camille pala.
"Si Camille?"
"Sino pa ba? Hahaha!"
Nilamig akong bigla. Nakalimutan ko, nandito nga pala si Camille... At kasama ko ngayon ang ate niya! Marahil nagkita na ang dalawa. At marahil nakita niyang magkasama kame. Tumakbo ako patungo sa kanya, dala dala ko pa rin ang teddy bear na bigay ni Mae.
"Camz.."
Humarap siya sakin, namumula ang mata at nakangiti. Mamasa-masa pa ang pisngi niya na nagpapakitang kakagaling lang niya sa pag iyak.
Tumingin siya sa teddy bear na hawak ko. Kitang kita ko kung paano siya pumikit para pigain ang natitirang luha sa mata niya. Meron siyang hawak hawak na pulang kahon. Mukhang regalo. Nagulat ako nang nagsimula na siyang humagulgol at punitin ang balot ng dala dala niyang kahon.
"Camz... Ok ka lang?"
Nanatili siyang walang imik. Patuloy pa rin siya sa mabilis niyang pagpunit ng balot ng kahon. Binuksan niya ang kahon at nakita ko ang laman nito at talaga namang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Isang teddy bear na katulad na katulad ng binigay ni Mae na kasalukuyang walang alam sa mga nangyayari. Parehas na kulay, parehas ng palamuti, parehas ng laki.
Palakas parin ng palakas ang pag iyak ni Camille sa harap ko. Ako naman walang magawa, o hindi ko lang alam ang gagawin. Gusto ko siyang patahanin pero parang hindi tama. Paano ko siya papatahanin kung ako mismo ang dahilan ng pagiyak niya?
Inabot niya sakin ang teddy bear habang nakayuko.
Kinuha ko ito. Tumingin siya sakin.
"Happy birthday Jon, sana masaya kayo."
Pinunasan niya ang luha niya at tumakbo palabas ng bahay.
Tiningnan ko ang bear na binigay niya sakin. Itinapat ko ang hinlalaki ko sa puso nito at diniinan ko.
"i love u jon~"
Boses ni Camille, hindi maikakaila.
"i miss u jon~"
Namutla ako. Akala ko eto na ang pinakamasayang birthday ko...
Kakaiba talaga pag pinabayaan natin ang tadhana ang gumawa ng trabaho niya.
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Oct 31, 2008 2:42:42 GMT -5
To be continued....
|
|
|
Post by Kilimmanjaro on Nov 5, 2008 4:50:29 GMT -5
"Anak?"
*katok katok*
Bakit ba pinabayaan ko pang humantong sa puntong ito?
"Anak, ok na. Wala nang mga tao..."
*katok katok*
"Anak, pwede ba kameng pumasok ng papa mo?"
Hindi lang tuloy ako ang nahihirapan. Nandamay pa ako ng ibang tao.
"Anak... Bubuksan na namin ang pinto ah?"
Dahil sa pagiging mahina at marupok ko, kaya ako namomroblema ngayon. Ano bang problema? Bakit ko ba hinyaan pa?
Kasalukuyan akong nandito sa aking kwarto, nakatalukbong ng kumot habang nakahiga sa aking kama. Matapos ang eksena sa baba ay wala akong nagawa kundi ikubli ang mukha at pagkatao ko sa mga nakakita ng pangyayari. Ayokong may makakita sakin, pati ang sarili ko.
Nalilito, nahihilo, naguguluhan. Para bang hindi ako ang gumawa ng mga bagay na yon dahil kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ng isang kagaya ko ang nangyari. Pero may ginawa ba talaga akong masama? Sabihin mo nga sakin, masama bang gumawa ng mabuti?
Nakakainis isipin na dahil sa pag gawa ko ng mabuti ay makakasakit pa ako sa dulo. Ang intensyon ko lang naman noon ay hindi masaktan si Camille sa pagtanggi ko sa inaalay niya saking pagmamahal. Pero bakit ganto? Nakakapagtaka tuloy. Napapaisip tuloy ako kung paano pa ako magdedesisyon sa mga natitirang malaking parte pa ng buhay ko ngayong alam ko na kahit pala mabuti ang intensyon mo s aisang bagay e hindi laging mabuti ang kalalabasan. Aasa na lang ba ako sa "sana?"
Siguro ang pinaka kasalanan ko lang dito ay ang magpahulog kay Mae. Pero hindi mo pwedeng sabihin na wala akong ginawa para hindi mangyari to. Umpisa pa lang ay hindi ko na ginusto si Mae. Ginawan ko na ng malaking harang ang pagitan namin... Pero nangyari pa rin ang hindi dapat.
Kasalanan ko ba talaga? Dapat ko bang tanggapin ang sisi ko sa sarili ko? Ginawa ko naman lahat ah. Siguro nga mas mahina lang talaga ang tao kaysa sa iniisip nito. Sa isang iglap, kaya nitong baliin ang lahat ng mga pinaghahawakan niya ng matagal na. Ang pangangalaga sa reputasyon at ang paninindigan sa mga paniniwala ay pawang mga salita lamang na wala nang mas matibay pang pinagkakapitan. Siguro madali lang akong matukso. Sabagay, kung si Eba nga ay natukso ng ahas para kainin ang prutas at si Adan naman ay natukso ni Eba para samahan siya, ako pa kaya?
Palakas ng palakas ang mga tunog ng paglakad nila mama at papa. Nakaramdam ako ng bigat sa aking balikat.
"Anak?" Ang sabi ni mama. "Ok ka lang ba?"
"Sa tingin mo ba ok yang anak mo sa lagay niya? Sus ginoo naman ma.." Pabulong na sagot ni papa.
"Teka, let me handle this. Problemang lalaki to." patuloy pa niya
Naramdaman kong pinilit alisin ni papa ang parte ng kumot na nakatakip sa mukha ko. Tumambad sa kanya ang mga pisngi kong basa at ang mga mata kong namumula. Ipinalibot niya sakin ang kanyang bisig at hinalikan ang bumbunan ko.
"Anak naman kasi eh, hindi ka nag kukwento sakin. Ano na ba ang nangyayari sa inyo?
Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko alam kung ang dahilan ba e gulat pa din ako sa mga nangyayari o talagang mahirap lang mag kwento sa mga magulang ng gantong bagay.
Tapos na akong umiyak. Kaya ko nang magsalita ng diretso. Pero.. Bat nga ba ako umiyak? Dahil umiyak si Camille? Dahil napahiya ako sa harap ng maraming tao? Dahil napagtanto ko na maling mali ako? O dahil ang inaakala kong pinakamaganda nang araw ng buhay ko ay nasisira ng ganun ganun na lang? Ang totoo nyan e hindi ko rin alam.
Ipinunas ko ang mukha ko sa unan.
"Pa..." Nakita kong lumapit ang ulo nilang dalawa saakin. "Tatlong beses ko na pong napaiyak si Camille..."
"Ano?" Ang nalilitong sagot ni mama.
"Kwento mo nga ng buo sakin anak?"
At nagsimula na akong mag kwento. Nakakatuwa, parang tropa ko lang ang pinagkukwentuhan ko. Pero siyempre, alam ko naman lahat ng dapat kong i kwento sa hindi. Ikinwento ko ng buo sa kanila pero ikinukubli ko pa rin ang nga bagay na dapat ako lang ang nakakaalam. Ang lumalabas tuloy ay parang sinulot ako ni Mae mula kay Camille. Hindi ko isinama ang mga emosyon ko sa pagkukwento. Parang mali ata.
Matapos kong mag kuwento ay bigla nang nagsalita si mama.
"Nako nako nako, naalala ko tuloy yung manliligaw ko dati bago naging kame ng papa mo."
Natahimik si papa na meron atang sasabihin kaso naunahan siya ni mama, pati ako natahmik dahil ngayon ko lang maririnig tong kwentong to.
"Nililigawan ako nun eh. Araw araw, pinupuntahan ako sa silid aralan ko para dalaan ako ng pagkain. Tapos malalaman ko lang e yung mga bibingka at puto bongbong na binibigay niya sakin para suyuin ako e galing pala sa kasintahan niya nung mga oras na yon!"
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa kwento ni mama. Para bang sinasabi ni mama na two timer ako at galit siya sa mga tulad ko?
"Ma naman... You're not helping eh. Hala sige, dun ka na nga. Simula na ata ng El Cuerpo, manood ka na."
"Che! Anak, alis na ako. Si papa na alng kausapin mo. Pero kung gusto mo akong kausapin, text mo lang ako, nasa kwarto lang ako."
"Yan wala nang istorbo" sabi ni papa na may halong ngiti.
"So, anong plano mo ngayon anak?" Patuloy ni papa.
"Hindi ko po alam.."
Umupo si papa sa tabi ko habang ako naman ay nakahiga. Ipinatong niya ang ulo ko sa dibdib niya at inakap ako gamit ang kanyang kanang braso.
"Sa totoo lang anak, wala akong maitutulong sayo ngayon eh. Nandito lang ako para ipasilip pa sayo ang mga bagay na hindi mo pa nakikita. Minsan kasi pag masyado tayong naka focus sa isang bagay e nahihirapan tayong makita ang kabuuan ng mga pangyayari."
Nanatili akong tahimik.
"Ngayon, ayoko munang sabihin sayo kung ano ang palagay ko sa mga nangyayari. Kasi baka lalo ka pang malito. payo lang anak."
"Ano po yun, pa?"
"Isa isa lang ha? Please. Hindi kasi maganda sa mata ng tao yun eh. Siguro andun nga yung feeling "Adonis" tayo pag nagkataon... Pero alam nating hindi tama eh."
Nainis ako sa sinabi ni papa na yon. Ang nasabi ko na lang "ok"
Sinabi ko sa kanya na kailangan ko lang ng oras para mag isip. Ilang sandali pa ay umalis siya at naiwan na akong nag iisa.
Nahiga ako sandali, maya maya nakaidlip ako. Mabigat pa din sa loob ko ang mga pangyayari. Kailangan ko ng distraction. Kailangan ko ng mapagbabalingan ng atensyon.
Ragnarok.
Nakatulog ako ng isang oras. Pagka gising ko ay naligo ako, kinuha ang wallet at umalis ng bahay. Pupunta ako sa shop at maglalaro. Walang makakapigil sakin.
Sa daan ko papunta doom, pinilit kong hindi isipin ang nakaraang nangyari. Pero sadyang lahat ng makita ko ay naiuugnay ko kay Mae o kay Camille.
I tried to run from your side But each place I hide It only reminds me of you
Nadaan ako sa simbahan... Alam niyo naman siguro ang nangyari dito. Dito siguro nagsimula ang malaking parte ng problema.
Nadaan ako sa Gervacio, ang kanto bago ang street ng bahay ng magkapatid. Dito ako na lootan ng Hydra Card kung naaalala nyo pa.
Ang tindahan nila Aling Josie. Dito kame madalas tumambay ni Camille noon at dito ko rin unang nakita si Mae.
At siyempre, ang computer shop. Dito ko unang tinuruang mag RO si Camille. Naalala ko din nung dinalan niya ako ng sandwich. Kinikilabutan ako.
San man ako lumingon, may naaalala ako.
Papalapit na sana ako sa shop nang may isang bagay na hindi ko alam ang nag tulak sakin para mapatingin sa likod.
Itim na Honda Jazz.
Hay... Ganyang ganyan yung kotse ni Mae na kanina lang ay sinakyan ko.
Dahan dahang bumaba ang side mirror. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Tama ba tong nakikita ko? Si Camille nasa passenger seat? Kung siya man yon e si Mae ang nasa driver seat?
Hinde hinde, nababaliw lang ako. Siguro Hindi siya. Naka shades yung babae eh, may hawak na isang baso ng Starbucks at nakikipag harutan sa loob.
Hindi pwedeng maging si Camille to... Kasi... Kasi...
Hindi ko malaman kung bakit lumayo ako mula sa puntuan ng computer shop at tumungo sa kotse.
Habang papalapit ako, tumingin sakin ang babaeng naka shades, ibinaba nito ang shades niya, ngumiti sakin at sinabing...
"Oh Jon! Anong ginagawa mo dito?
Si... Si... Si Camille nga! Pero bakit ganon? Parang may hindi tama.
Mula sa tabi niya ay sumilip ang isa pang babaeng katabi niya.
"Oi Jon! Napadpad ka dito?"
Si Mae!
Positibo akong si Camille at Mae nga yon pero...
...
May hindi tama.
"Oh, nanigas ka dyan?" Sabi ni Camille sakin na walang bahid ng pighati. Parang masayang masaya siya sa araw na to.
Tiningnan kong muli ang mukha ni Camille. Alam kong siya eto. kapansin pansin din na namumugto pa ang mga mata niya.
Hindi ako nananaginip, nangyari talaga ang nangyari kanina.
Pero bakit parang... May mali talaga.
Hindi pwedeng maging masaya siya ngayon...
Na blanko na ang utak ko. Nanatili lang akong nakatayo doon. Mistulang bata na nagtataka kung bakit nagiba ang itsura ng nanay niya.
"Hoy Jon mukha kang tanga dyan! Hahaha!!" Sabi ni Camille sakin habang ikinakaway ang kamay sa tapat ng mukha ko.
"Ca..Camille... Pwede ba tayong mag usap?"
"Ha? Bakit? Meron ba tayong dapat pagusapan? Hahaha!"
"Camille..."
"Jon, kung wala kang ibang gagawin dyan kundi tumayo e aalis na kame, may lakad pa kame ni ate."
"Oo nga Jon!"
Inalisan ako ngayon ng pagkakataong magisip at gumalaw. Napaka tanga ng tingin ko sa sarili ko ngayon.
Ilang segundo pa ng pag titig sakin ay bumaba si Camille mula sa sasakyan. Wala pa rin akong malay sa mga nangyayari pero nakakarinig, nakakaramdam at nakaakkita naman ako.
"Jon.."
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko ng mahigpit. Ako, nananatili pa ding walang imik.
Dumampi ang mainit niyang labi sa aking pisngi.
Wala akong naramdaman.
Bumulong siya sakin.
"Eto na siguro ang huli...
...Bye"
Bumitaw siya sa aking kamay at pumasok sa kotse. Hindi na silang muling lumingon sa kinatatayuan ko. Ang huling narinig ko na lang ay ang malakas na halakhak ng dalawang magkapatid ang isang sikat na kanta na nagmula sa kotse. Basa din ang pisngi ko, pero hindi ng sarili kong luha.
Naramdaman kong basa ang mukha ni Camille ng dumampi ito saakin.
"Ano ang nangyari?" Bulong ko sa sarili ko na takang taka at walang kahit anong eksplanasyong maibigay para maibsan ang pagtatakang nararamdaman ko.
"Camille..."
|
|
|
Post by Alicestild on Jan 13, 2019 21:44:22 GMT -5
вторые входные двери внутреннего открывания двери межкомнатные двери каталог furniturazavesidverj.icu цены межкомнатные двери фото как крепить межкомнатные двери межкомнатные двери барахолка
|
|
|
Post by ShowRof on Jan 23, 2019 12:10:59 GMT -5
In year 2019 there are lot of movies coming out. Obviously, there are Avengers part 2, new Star Wars Episode nine and many others. These are movies that every person wants to see, but sometimes you can miss it.That's where applications come in handy you can watch a movies for free. Btw, looking for the best app to watch free movies on your iOS phone? Then your should check Showbox app. This is the most famous app today that has a big library of shows and movies. This app is also available for pc users. But your need to download it first to enjoy free films <a href=http://showbox-all.com>Showbox download on PC</a>
|
|